Chapter 37: Truth

Depuis le début
                                    

Hindi siya nakagalaw sa kaniyang kinauupuan dahil sa matinding gulat.

"Pinuno! Tignan mo ito, maaari natin itong ibenta!" Rinig niyang sigaw ng kung sinong nangahas na kumuha ng kaniyang mga damit.

Nabalik siya sa ulirat at dali-daling kinuha ang kaniyang tuwalya at ipinulupot sa kaniyang katawan. Mabilis siyang umahon sa tubig at lumabas sa pinagtataguan niyang malaking bato.

Wala na siyang pakealam pa kung nakatapis lamang siya. Ang mahalaga ay makuha niya ang mga damit niya sa nilalang na ito. Hinding hindi siya babalik sa palasyo ng nakatuwalya lang 'no.

"Hoy! Tarantado! Anong ibebentang sinasabi mo?!" Sigaw niya kasabay nang pagturo niya sa lalaking may hawak ng kaniyang mga damit.

Ngunit kaagad siyang natigilan sa kaniyang nadatnan. Naiwan sa ere ang kaniyang kamay. Napanganga ang kaniyang bibig at nanlaki ang kaniyang mga mata.

Ganoon din ang lalaking may hawak ng kaniyang damit. Napanganga ito at natigilan habang nakatitig sa kaniya. Hindi makapaniwala sa nakikita.

Ngunit hindi dahil sa lalaki kaya nagulat si Sarina, kundi dahil sa dami ng taong kasama ng lalaking kumuha ng kaniyang damit! Hindi pala ito nag-iisa! May kasama pa itong sampung lalaking ngayon ay nanlalaki rin ang matang nakatingin sa kaniya.

Isang nakakabinging katahimikan ang namuo sa buong paligid. Tanging huni lamang ng ibon at pagsasayaw ng mga dahon ang naririnig.

Nakakabingi, nakakailang.

Naka-itim ang lahat ng lalaki. Lahat din ng mga ito ay may hawak na sandata, kagaya ng espada at mga pana. Ang iba ay may hawak pang patay na usa at patay na ibon.

Ngunit mas lalo pang dinapuan ng hiya si Sarina nang matuon ang kaniyang mga mata sa lalaking kilalang kilala niya. Nakanganga rin ito at naibagsak ang hawak na espada. Hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya.

"A-Alas..." Nauutal niyang tawag dito.

Mabilis na napalingon ang mga lalaki sa kanilang pinuno na ngayon ay nakanganga pa rin. Mariin itong napalunok habang nakatitig sa kakilala.

"A-Ano ang ating gagawin sa binibining ito, Pinuno?" Tanong ng isang lalaki. Namumula parin ito at bakas parin sa mukha ang matinding gulat.

Sa narinig ay mabilis na nabalik sa ulirat si Alas. "TALIKOD!!!"

Sa lakas ng sigaw nito ay muntik pang matumba si Sarina. Ang mga kasama nito ay naibagsak ang mga hawak na sandata at patay na hayop dahil sa matinding gulat at mabilis na nagsitalikuran kay Sarina.

Napalunok ng mariin si Sarina. Lalo pa nang mapagtanto ang sinabi ng lalaki kanina, 'binibini'. Napamura siya sa kaniyang isipan. Bakit naman ngayon pa kung saan nakatapis lang siya!

Fudge! Nalintikan na!

Napatingin siya kay Alas na ngayon ay nakatitig sa kaniya ang seryoso nitong mga mata. Malamig at tila hindi alam kung ano ang mararamdaman.

Napakagat siya sa kaniyang labi at walang pasabing tumakbo palayo. Umaasang makakatakas sa mga mata ni Alas na ngayon ay nakakatakot at nanlalamig.

"Pinuno! Ano ang ating gagawin?!" Rinig niyang sigaw ng isang lalaki. Maririnig din sa likod ang pagmamadali ng mga ito na tila handa na siyang habulin.

"Walang susunod!" Nangibabaw sa gitna ng ingay ang malamig at seryosong boses ni Alas dahilan upang mas manginig ang tuhod ni Sarina sa kaba.

Binilisan niya pa ang pagtakbo lalo pa nang marinig niya ang mabibilis na yabag sa kaniyang likuran na tila gagawin ang lahat maabutan lamang siya.

The Royal ChefOù les histoires vivent. Découvrez maintenant