Chapter 35: Caught

808 49 56
                                    

Nang buksan ng mga Ruiz ang pinto ay kaagad silang natigilan. Bumungad sa kanila ang mga kawal ng palasyo na kaagad silang pinalibutan at marahas na dinakip.

"Bitaw!!!"

"Punyeta!!"

Napuno ng sigawan at pagpupumiglas ang buong silid. Nanatili namang nakangiti si Alastair habang pinagmamasdan ang dalawang taong puno't dulo ng lahat. Si Haring Julio at Dating Reyna. Nagpupumiglas din ang mga ito at pilit na pinagmumura ang mga kawal na hindi naman nagpapatinag.

"Diablo!" Malakas na sigaw ni Haring Julio.

Nagulat ang lahat dahil sa malakas na tunog ng pagkabasag ng bintana sa kanilang tabi. Mabilis na napalingon doon si Alastair.

Nakita nilang pumasok sa loob ang apat na lalaking nakaitim na kaagad inatake ang mga kawal na nakahawak kay Haring Julio at sa dating reyna. Nang magtagumpay ay mabilis na hinawakan ng apat na lalaki ang dalawa at kaagad na tinangay ang mga ito patalon sa bintana.

Mabilis namang naalerto si Alastair sa napagmasdan. Napatakbo siya bintana saka tumingin sa ibaba kung saan bumagsak ang mga ito.

Nakita niya roon ang dating reyna at si Haring Julio na paika-ikang tumatakbo kasama ang apat na lalaking nakaitim. Siguro ay napamali ang pagbagsak ng dalawa.

Mabilis na inabot ni Alastair ang pana sa kaniyang tabi. Nilagyan niya ito ng bala at inasinta ito kay Haring Julio. Pinakawalan niya ang bala at saktong tumama iyon sa balikat ni Haring Julio na kaagad namang nadapa sa lupa.

Sa totoo lang ay pwede niya ito tamaan ng pana sa leeg upang matuluyan ito. Ngunit hindi niya ginawa sapagkat nais niyang mamilipit muna ito sa sakit bago ito bawian ng buhay. Hindi siya matutuwa kung mamamatay lamang ito ng hindi naghihirap o namimilipit sa sakit.

Pinakwalan pa niya ang pangalawang pana at saktong tumama ito sa binti ng dating reyna na bigla na lamang napasigaw at napaluhod sa sahig.

Napangisi siya nang makita kung paano namilipit ang mga ito sa sakit. Ngunit mabilis na naglaho ang kaniyang ngisi nang buhatin ng apat na lalaking nakaitim si Haring Julio at ang dating reyna at mabilis na sinakay ang mga ito sa karuwahe.

Napakuyom ang kaniyang kamao at tinignan ang mga Ruiz na ngayon ay nakaluhod sa sahig habang hawak ng kaniyang mga kawal.

Marahas niyang itinapon ang pana. Patatakasin na muna niya ito. Ngunit sisiguraduhin niyang walang kahit sinong manggagamot ang gagamot o tutulong sa dalawa. Hahayaan niyang magdusa ang mga ito sa sugat na kaniyang ibinigay sa dalawa.

Naglakad siya palapit sa natitirang mga Ruiz. Nang titigan niya ang mga ito sa mata ay kaagad namang napaiwas ng tingin ang mga ito.

Napangisi na lamang siya. "Ikulong ang mga iyan sa piitan at ipaalam sa buong bayan na ang sino mang manggagamot na tutulong o gagamot sa Hari ng Timog at sa Dating Reyna ay mapupugutan ng ulo."

Isang tango naman ang naging sagot ng kaniyang mga kawal. Tumalikod na siya at lumabas ng silid kasabay ng pagpunit niya sa dami na suot ng kaniyang enuko at kaagad iyong ginawang maskara upang matakpan ang kaniyang ilong at bibig.

Nanlaki ang mga mata ng enuko sa ginawa ng kaniyang Mahal na Hari. Ngunit hindi na siya nagsalita pa at sinundan na lamang ang kaniyang Mahal na Hari.

**********

Tahimik at tulala si Sarina habang hinahalo ang kaniyang niluluto. Lumulutang parin ang kaniyang isipan at hindi parin siya makapaniwala sa ginawa ni Alas sa kaniya kagabi.

Wala sa sariling napakagat siya sa kaniyang labi. Naguguluhang napakunot ang kaniyang noo nang maramdaman ang kiliti sa kaniyang tiyan. Ramdam niya ang biglaang pag-init ng kaniyang pisngi nang muling maalala ang dahilan kung bakit malaki anh eye bags niya ngayon!

The Royal ChefWhere stories live. Discover now