Chapter 23: Starvation

Start bij het begin
                                    

Ngunit hindi ang gwapo nitong mukha ang napansin niya. Kundi ang kakaibang nangyayari sa katawan ni Azrael. Kahit na hindi natatakot si Sarina sa lalaki ay nararamdaman niyang nanginginig ang katawan ni Azrael dahilan upang mapakunot ang noo niya at muling mapatitig sa lalaki na ngayon ay nabahiran ng takot ang mga mata at namutla.

Ano 'to? Muscle memory?

Hindi niya maintindihan kung bakit nanginginig ang kamay ni Azrael na nakahawak ngayon sa lalake.

"Bitawan mo ang aking anak, Lino."

Dahil sa boses na iyon ay mabilis na binitawan ng binata si Sarina. Kaagad itong yumuko kay Mikael. Mapapansin ang panginginig ng kamay nito habang nakayuko. Halatang natatakot at kabado.

"P-Paumanhin, Señor Mikael. S-Sinalo ko lamang ang binibini noong muntik na itong matumba," saad nito habang nakayuko parin. Hindi ito tumatayo ng maayos hangga't hindi naririnig ang pahintulot ni Mikael.

Natuod rin ang tatlong Sandoval habang nakatingin sa pangyayari. Nakita nila ang nangyari. Nakita nila kung paano hawakan ng binata ang kanilang pinsan. Nais nilang umawat ngunit nauna na sa kanila ang kanilang Tiyo Mikael.

Napailing nalang si Sarina at mahinang natawa. Kahit na kakaiba ang kaniyang naramdaman kanina ay natatawa parin siya sa nangyayari. Masyadong masungit ang Papa ni Azrael na akala mo ay susunugin na nito ang lalaki gamit ang mga mata nito.

Tinapik niya ang likod ng lalaki. Ramdam niya kung paano ito nanginig sa gulat at mas lalong yumuko.

"Kalma. Pinapatayo lang kita, salamat sa pagsalo, bro," saad ni Sarina sabay hila sa braso nito patayo. At doon, nakita nila ang mukha nito na halos kasing putla na ng papel.

Napakunot ang noo ni Sarina ganoon din si Mikael. Akmang magtatanong si Sarina sa lalaki ngunit hindi na niya nagawa dahil sa biglaang pagsasalita ni Mikael.

"Tawagin mo na ang iba pang trabahador, Lino. Magsisimula na ang salo-salo," saad ni Mikael. Madilim parin ang aura nito. Hindi nito nagustuhan ang nakita. Kahit sino namang lumapit sa anak niya ay hindi niya nagugustuhan. Kahit pa ang tatlong Sandoval.

Hinawakan nito ang braso ng anak at hinila patungong hapagkaininan. Sumunod rin naman ang tatlong Sandoval na ngayon ay napapalunok nalang dahil sa madilim na aura ng kanilang Tiyo Mikael.

Napasulyap pa si Sarina sa lalaking nagngangalang Lino. Nang magtama ang kanilang mga mata ay kaagad itong nataranta at napatakbo palayo.

**********

Ang naganap na salo-salo ay masaya naman. Lalo pa dahil nakilala ni Sarina lahat ng trabahador ni Mikael. Tuwang tuwa rin ang mga ito nang kausapin niya. Nakikipagtawanan pa nga siya at nakikipagbiruan ngunit palagi itong nauudlot dahil palagi siyang inilalayo ni Mikael sa mga ito.

Tuwing nangyayari iyon ay natatawa nalang siya. Napaka-possessive ng Papa ni Azrael. Hindi pa ata ito handa na ipasa ang anak sa ibang lalaki.

Ngayon ay narito siya sa loob ng kwarto ni Azrael. Nangangalikot at hinahanap ang notebook na sinasabi ng triplets. Nakailang cabinet na siya at hanggang ngayon ay hindi niya parin ito makita.

Naiinis na napabuga siya ng hangin. Naubos na niya lahat ng drawer at hanggang ngayon ay hindi niya parin mahagilap ang notebook na sinasabi ng triplets.

Napahiga na lamang siya sa kaniyang kutson. Nasaan ba iyon? Saan iyon maaaring itago ni Azrael?

Tumagilid siya ng higa habang nakatukod ang siko sa kutson at nakatukod ang nakakuyom niyang kamao sa kaniyang sintido.

Nasa ganoon siyang posisyon hanggang sa manlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang bagay na kanina niya pa hinahanap.

Ang notebook ni Azrael!

The Royal ChefWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu