"Pero para saan iyong bulaklak? At bakit ganito ang ayos ng sala mo? Parang hindi birthday party." Nagtataka kong sabi. Agad na sumilay ang ngiti sa kaniyang labi na ipinagtataka ko pa lalo.

"This is actually our first date, Ki." Halos lumuwa na ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niyang iyon. First date? Namin? Nagbibiro ba siya? Joke ba 'to? Nananginip lang ba ako?

"F-first date? Ikaw ha, ang hilig mong magbiro." Sabi ko at pekeng tumawa.

"I like you, Kiera." Para akong naestatwa sa kinauupuan ko at nakatitig lang ako sa kaniya. Nawala na rin ang tawa ko at napalitan iyon ng seryosong mukha.

Sinasalubong niya ang titig ko at ako na rin ang unang umiwas.

"Say something, Ki. Alam kong nagulat ka sa pag-amin ko pero ito lang ang tanging pagkakataon para umamin sa 'yo. I'm sorry kung nabigla ka." Mahina niyang sabi.

Nang makita ko ang isang basong tubig ay agad kong kinuha iyon at uminom. Halos nakalahati ko rin iyon.

"H-hindi ko a-alam. N-nabigla ako sa sinabi mo." Nauutal kong sabi.

"It's okay, Ki. Gusto ko lang talaga sabihin sa 'yo na gusto kita. I really like you. Hindi ako nagbibiro at totoo lahat ng sinabi ko. Okay lang kung wala kang sasabihin sa ngayon." Wika niya.

"Hatid na kita sa kuwarto mo?" Tanong niya. Tiningnan ko naman ang pinagkainan namin. Siya na ang nag-ayos kanina kaya dapat ako naman ang magligpit ngayon.

"Tulungan na kitang magligpit ng pinagkainan natin." Turan ko.

"It's okay, Ki. Kaya ko na 'to." Sagot niya at ngumiti.

"S-sigurado ko? Kanina ay ikaw rin ang nag-ayos ng mga 'to. Nakakahiya naman kung hindi kita tutulungan." Sabi ko.

"Ki, pinili kong pagsilbihan kita ngayong gabi. At malay natin magtuloy tuloy na rin kapag hinayaan mo akong ligawan ka." Diretso niyang sabi na ikinagulat ko. Ang bilis niya. Kanina ay umamin pa lang siya na gusto niya ako. Tapos ngayon ay gusto na akong ligawan. Ngunit magsisinungaling lang ako sa aking sarili kapag sinabi kong hindi ako kinilig sa sinabi niyang iyon.

"Nevermind. Hatid na kita sa kuwarto mo. Let's go." Sabi niya at mabilis na tumayo at lumapit sa akin. Agad din akong tumayo at kinuha ang bigay niyang bulaklak kanina.

Sabay kaming umakyat ng hagdan at pagdating sa pinto ng kuwarto ay siya na rin ang nagbukas.

"Thank you for coming with me, Ki. Thank you dahil sinamahan mo akong i-celebrate ang birthday ko." Sabi niya.

"You're welcome and thank you rin. Happy birthday ulit and good night." Turan ko.

"Good night, Ki." Nakangiti niyang sabi at nagulat ako nang bigla niya akong halikan sa noo. Pagkatapos niyang gawin iyon at tiningnan pa niya ako saglit at pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto.

Hindi ko napigilang ngumiti dahil sa mga naganap ngayong gabi. Sobra akong natutuwa at para akong nananaginip habang inaalala ang nangyari kanina.

Ang pag-amin niya sa akin. Ang bulaklak. Ang paghalik niya sa noo ko.

Lahat ng 'yon ay hindi mawala wala sa isipan ko kahit nakahiga na ako sa kama.

Lord, kung nananaginip lang ako ay huwag na po sana akong maggising.

Nakakabigla ngunit sobra-sobra ang saya na nadarama ko ngayon. Totoo ba na nagkakagusto ang isang Jack Jendrick Guerrero sa isang katulad ko?

Noon ay pinapangarap ko lang na sana magustuhan niya rin ako. Tapos ngayon ay siya na mismo ang umaamin sa akin.

Be My Endgame Where stories live. Discover now