Medyo kinabahan si Glaiza nung marinig yun. "A-Ah, Yes. Oo naman." She smiled. Pero awkward..

Rhian smiled too. "So, I guess we need to sleep now?"

Nag-nod nalang si Glaiza at pumasok na ulit sila sa loob..

//


Nakatagilid silang dalawa sa kama. Nagshe-share sa isang kumot na ngayon ay hanggang bewang nila. Medyo malapit silang dalawa. Nakapikit na si Rhian. Si Glaiza naman nakatingin lang sa nakapikit na si Rhian. Ramdam na Ramdam niya ang paghinga nito pero nararamdaman niyang gising pa ang diwa nito..

"Glaiza..." Minulat ni Rhian ang mga mata niya at tumingin bigla kay Glaiza kaya biglang tumihaya ng higa si Glaiza at inalis ang tingin niya kay Rhian para di nito mahalata na kanina pa niya ito tinitingnan.

"Ano yun Rhi? Hindi pa ko inaantok.." Medyo defensive na sabi ni Glaiza habang nakatingin sa kisame.

Rhian smiled. Lumapit siya kay Glaiza at ipinatong niya ang braso niya sa bandang tiyan nito. Parang yakap na niya ngayon si Glaiza... Oh well, hindi na ata 'parang' kasi yakap na nga niya talaga. Yung ulo ni Rhian nasa may bandang leeg ni Glaiza.

Nabigla naman si Glaiza.. Bigla siyang kinabahan pero mas lalo siyang kinabahan nang idantay ni Rhian ang binti nito sa binti niya. So basically, sobrang yakap na nga siya nito.. (Idk how to explain)

Sobrang lapit na niya... Glaiza thought.

"Natanong ko yung about sa Tadhana tadhana kanina 'cause there's this song na pinapakinggan ko lately.." Rhian said habang yakap yakap pa rin si Glaiza..

Kung titingnan silang dalawa, kung yakapin ni Rhian si Glaiza ngayon para niya itong teddy bear. Considering na nakadantay pa nga ito kay Glaiza. They look like a couple.. Ang clingy ni Rhian. Kung cuddling ang tawag dito, well, yun na nga siguro?

Glaiza sighed dahil sa nararamdaman niya atang kaba ngayon. "Uhm, title?" She asked.

"Tadhana. Tadhana yung title and I super love the song. I don't know. Narerelax ako.." Rhian said. Hindi pa rin niya tinitingnan si Glaiza at hindi nababago yung position nila.

"Up Dharma down?"

"Yes!" Rhian sighed.

Medyo nakiliti pa si Glaiza dahil naramdaman niya yung hininga ni Rhian sa may bandang leeg niya.

"Alam mo ba yung song na yun? Kantahin mo naman for me.." This time, inalis na ni Rhian ang pagkakadantay niya kay Glaiza. She looked at Glaiza. "Hey, tumagilid ka nga sandali." She said.

Tiningnan naman ni Glaiza si Rhian at tumagilid nga siya. Pagtagilid niya, sobrang nabigla siya kasi sobrang lapit ng mukha ni Rhian sa mukha niya.. As in sobra.. May space pa rin pero masasabi mo na malapit na talaga..

Napalunok siya.

Nagsmile lang si Rhian at pinatong nanaman niya ang kamay niya sa bewang ni Glaiza tapos nagforward pa siya ng konti so.. Yun. Di na ata uso ang space kay Rhian ngayon..

"Rhian ang lapit mo.." Gusto sanang sabihin ni Glaiza yun pero ayaw na niyang Kwestyunin ito dahil baka lumayo ito sa kanya ngayon at ayaw niyang mangyari yun. Naiilang nga siya ngayon, pero alam niya sa sarili niya na natutuwa at masaya din siya sa nangyayari... At sa ginagawa ni Rhian.

"Please? I wanna hear the song na kinakanta mo. I don't know. Feel ko na fit sa voice mo yung song." Rhian said habang nakatingin sa mga mata ni Glaiza. Halos maduling na siya dahil sobrang lapit na nga nila sa isa't isa..

RASTRO FEELSWhere stories live. Discover now