“Ah, Tama pala. May sinabi rin pala sa akin si Ate kanina..sana talaga tricycle na lang iyong dinala ko.” 

“It’s okay. Kung hindi mo kaya, might as well let me drive.” Claudius said dominantly. I almost really want the soil to bury me down alive! 

Claudius! Anong kahihiyan na naman ‘yan! 

“Ah, hindi na, Kuya ako na lang—” 

“Ako na..” 

“Hindi, sinabi kasi ni Ate na—” 

“Don’t worry. I know how to drive well.” I heard Claudius say it persuasively with a sense of dismissal. 

Napalunok na lang ako. “Max..” 

“Kuya nakakahiya naman po sa inyo..” Narinig ko ang pag-aalinlangan ni Totoy at halos gusto ko na lamang pukpukin sa ulo si Claudius sa pinangagawa niya. 

“No need. Ako na. How many kilometers did you drive just to get here?” He suddenly asked. 

Nakita ko ang pagkatigil ni Totoy kaya halos napabuga ako ng hininga ko.

“Ah—mga nasa lim—” Natigil ang pagsagot ni Totoy sa tanong ni Claudius nang bigla akong umalis sa pagkaka-angkas. 

Lumapit ako kay Max at pinisil ang balat sa kanyang gilid. 

“Ouch..” He groaned. “Penelope..”

Lumapit ako kay Totoy at sinenyasan siyang umalis sa MIO. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata. Confusion was very palpable. 

I smiled a bit. “Ako na ang magdadrive..” 

Hinawakan ko ang motor at maya maya'y nagtataka at gulat na umalis si Totoy sa MIO.

“Ate…” 

“Ako na..kaya ko na.” saad ko at nang nakapwesto na ako ng maayos sa motor ay nagsalita ulit ako. “Sumakay na kayo, lalo ka na Max. Dalian mo.” 

Narinig ko ang boses ni Totoy. “Ako ang mauuna..” 

“Hindi. Ako. Ako ang muuna.” saad ni Claudius sa mariin na boses at biglang umangkas sa likod ko. Kaagad naman aking napakapit sa handle ng MIO. 

I blow a breath. Ang bigat naman nito. 

Maya maya pa ay umangkas na rin si Totoy. 

“Okay na ba kayo diyan?” 

“Yes, Penny..”

“Opo, ate.” 

I rolled my eyes when I heard Claudius' voice. Maya maya pa ay pinaharurot ko ang MIO papunta sa reception ng kasal. 

“Hindi ka ba nabibigatan?” I heard Claudius's voice behind me. His hand is resting on my side. “Do you want me to substitute you?” 

Kumunot ang noo ko at nagsalita ng hindi siya tinitignan. “Mabigat kayo. Lalo na ikaw, ano ba ang kinakain mo ng nakaraang araw at sobrang bigat mo.” 

He chuckled a bit. “You’re feeding me so many vegetables those days..that's why.” 

Hindi ako nagsalita dahil napagtanto ko na totoo rin naman ang kanyang sinasabi. I've been cooking so many vegetables lately. Nilulubos ko na ang pagluluto ng maraming gulay dahil libre lang ito sa probinsya, kung sa syudad kasi ang mahal ng mga gulay.

“Totoy, okay ka lang ba diyan?” Malakas kong sinabi para marinig ng nasa likod ni Max. 

“Opo, ate..ikaw po diyan? Kaya pa ba? Baka gusto mo po na ako ang mag-dadrive baka nabibigatan ka..”

Trouble With The Heir ✓Where stories live. Discover now