TALA

1 0 0
                                    

TALA

Hindi ko alam kung saan, at paano simulan
Kasi hindi ko rin alam kung kailan nagsimula itong nararamdaman
Hindi ko alam kung bakit at paano ko iisa-isahin ang bawat punto
Kasi hindi ko rin alam saan talaga nagsimula ang bawat kwento.
Oo, alam ko sa sarili ko na matagal ko nang napansin ‘tong nararamdaman ko
Pero dahil nga ayaw kong lumayo, itinago ko na lamang ito.
Teka, pare! Hindi ito ang yung kwento na inaakala mo
Ito ang kwento na tila ba bangungot na meron ako.
Kaya sige, simulan ko noong mga bata pa tayo.
Kasi akala ko ikaw, ay isa sa magiging habangbuhay na kaibigan ko
Isa ka sa magiging sandalan sa oras ng pagluha ko
Kasi nga, ikaw at ako- tayo, magkaibigan tayo!
Pero tila isang sampal ang sa pisnge ko ay dumapo
Lalo na noong narinig ko ang pangalan ko sa bibig ng mga taong nirerespeto
Na ako raw ay isang hindi magandang kaibigan para sa inyo
Sa naaalala, inayos ko na lang aking mga gamit at nagpaalam
Hanggang ngayon, kapag naiisip ko ang sandaling iyon
Naawa ako sa batang ako, na nasaktan ang pagkatao
Hindi ko na nasusubaybayan ang sumunod na pangyayari
Pero ang sa alaala ko ay magiliw pa rin akong nakikipagtawanan
Hanggang sa lumaon, pansin ko na ang bawat pader ng ating ugnayan
Akala ko lang noong una, ako talaga iyong may kasalanan.
Oo, siguro. Parte ako rin ng dahilan bakit may ganito.
Pero tama bang tila sa oras na tayo ay nasa isang kwarto
Pakiramdamdam ko ako’y isang ligaw na estranghero
Pakiramdam ko hindi na ako kabilang sa mundo na meron tayo
Kasi naman ‘di ba, dapat tayo- kayo ang kakampi ko!
Ngunit bakit ngayon, parang naging kaaway ko na kayo?
O baka, hindi pala talaga dapat ako kasali sa grupo.
‘Di ko alam papaano ko aayusin ang bawat hibla
Kung kailangan ko bang plantsahin isa-isa
Kaya pa bang ituwid ang magusot nating ugnayan
Kasi sa totoo lang hindi ako magaling sa pagtitiklop ng masasakit na nakaraan
Hindi ko na alam kung paano ko gagamutin ang mga sugat
Kasi parang araw-araw imbis na maghilom ito
Mas nadadagan pa, mas lumalalim pa lalo

Para akong laging nasa gyera at ngayo’y nauubosan na ng bala
Malapit na akong sumuko at magpakabahala
Gusto ko na lang tawagin si Batman
Kasi sa totoo lang, ayaw ko na ring makipagdigmaan
Ayaw ko ng away, ayoko na ng gulo
Alam kong ito rin ang gusto niyo
Sana, sa desisyon kong lumayo
Hindi ako lang ang papasan ng sakit ng loob
Hindi lang ako manghihinayang sa kung ano mang meron tayo
Hindi lang ako ang mag-isang makakaalala sa masasayang sandali
Hindi ako lang ang mag-isang ngingiti sa mga dating litrato
Sana habang malayo tayo sa isa’t isa
Maaalala niyong may isang tala na minsan, minsan niyong naging kasama.


June 2022

x
Gab Cueza | awkwardnoise_xx

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoesiesWhere stories live. Discover now