SINO NGA LANG BA AKO?

25 0 0
                                    


SINO NGA LANG BA AKO?


Sino nga lang ba ako?

Kompara sa mga kaibigan mo?

Mas matagal mo silang nakilala

At ako'y bago lang, 'di ba?

Sino nga lang ba ako para pigilan ka?


Sino nga lang ba ako?

Kompara sa matayog na pangalang nakamit mo?

Mas kailangan mo itong protektahan

At ako nama'y magiging sagabal lang, 'di ba?

Sino nga lang ba ako upang pigilan ka?


Sino nga lang ba ako?

Kompara sa pangarap mo?

Mas magiging masaya ka doon

At ako nama'y kailanma'y hindi maiibibigay sa'yo yun, 'di ba?

Sino nga lang ba ako upang pigilan ka?


Sino nga lang ba ako?

Pangako mo lang ang hawak ko

Sila nama'y hawak ang puso mo

Ano naman ang laban ko roon 'di ba?

Sino nga lang ba ako upang pigilan ka?


Sino nga lang ba ako?

Ako lang naman ang hamak na taong nagmamahal sa'yo

Isang taong kaya kang palayain

Maabot at makamit mo lang ang pangarap mo

Sino nga lang ba ako upang pigilan ka pa?


Sino nga lang ba ako?

Kompara sa dinami-daming taong nagmamahal sa'yo?

Mas magiging masaya ka sa piling nila

At sa akin ay hirap lang aabutin mo sinta

Sino nga lang ba ako upang pigilan ka?


Sino nga lang ba ako?

Sana sa susunod ay marinig ko na ang sagot mo

Sagot na hindi lang ikaw ang sasaya

Sagot na sana tayong dalawa na

Mas maganda 'yon 'di ba?


Sino nga lang ba ako?

Sino nga lang ba ako na nangangarap na mapansin mo?

Mabigyan mo ng kahit isang pagkakataon

Pagkakataon na mahalin at alagaan ka

Pagkakataon na mapasaya ka

Tulad ng pagpapasaya sa'yo ng iba.

Sino nga ba lamang ako?

💔💔💔


Made on the spot!

February 13, 2018

3:50-4:00 PM


ps. medj sad girl amp


x,

Gab Cueza | awkwardnoise_xx



PoesiesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu