LIMANG HAKBANG

2 0 0
                                    

LIMANG HAKBANG


Limang hakbang ang layo, limang hakbang ang lapit.

Limang hakbang ang pagitan na hindi maaring tawirin.

Limang hakbang lang pero hindi pwedeng balewalain.

Limang hakbang nalang sana, mayayakap na kita.

Limang hakbang nalang sana, mayayakap na ulit kita.

Limang hakbang nalang sana, mahahagkan na ulit kita.

Limang hakbang nalang sana kaso, hanggang dito nalang talaga.


Ilang buwan tayong nagkalayo sa isa't isa.

Ilang buwan din tayong hindi nagkikita-kita.

Ilang buwan din tayong hanggang sa tawag na lang pinapahayag ang pagmamahal sa isa't isa.

Ilang buwan  tayong sabik na makasama ang isa's isa.

Ilang buwan na rin sana kaso may limang hakbang muna bago ikaw at ako, sa piling ng isa't isa.


Gusto ko sanang bawiin ang mga oras na hindi kita nakasama, mga oras na nami-miss kita.

Mga oras na mas gugustuhin kong mayakap ka.

Mga oras na gusto kong hawakan ang mga kamay mo

Mga oras na gusto kong halikan ang mga labi mo

Mga oras na gusto ko lang titigan ang mukha mo

Mga oras na gusto ko lang ay damhin ang init ng yakap mo.

Mga oras na nawala at nasayang na sana ay, kapiling ka.

Mga oras na nawala at nasayang na sana ay, kapiling ka.


Gusto kong bawiin ang lahat ng nawala

Mga nasayang na oras dahil sa ilang buwan tayong nagkalayo

Pero meron nga tayong limang hakbang na pagitan

Limang hakbang na gusto kong tawirin

Limang hakbang na gusto kong balewalain

Pero ang limang hakbang na ito ay nagpapaalala na kaya ko pa.

Kaya ko pang lumaban sa buhay,

Kaya ko pang labanan ang lahat ng sakit at pangamba.

Sana mahal, ikaw rin ay lalaban pa.

Lalaban tayo hanggang sa tayo ay magiging ligtas na.

Parehong ligtas na sa pandemyang kalaban,

Sa pandemyang kumitil ng maraming buhay.

Parehong ligtas upang ipagpatuloy ang buhay.

Limang hakbang, para sa kaligtasan.

Limang hakbang para magkasama na ulit tayo kinabukasan.


---

November 2020


x,

Gab Cueza | awkwardnoise_xx





PoesiesWhere stories live. Discover now