Chapter Six

15 4 0
                                    

Psalm Conrad Blancaflor

Nakahelera kaming apat ni Kadil, Shayne, Jema sa hagdanan ng stage kung saan kami nag pe-perform. 15 minutes break lang. Naka 7 set na kami. Bali 10 set bawat gig at sa bawat set ay limang kanta ang kakantahin namin. Bawal talaga ako rito dahil minor pero dahil si Hash ang may-ari ay nakalusot. Kinuha ko ang inabot na tubig ni Kadil sa akin.

"Kaya pa?" Seryosong tanong nito. I just answered using my eyebrows. Ta! Parang ganto lang? Charot.

"Sarap kumain ng banana cake," si Jema na kanina pa nag c-crave. Katabi nito si Shayne na tahimik lang.

"Naglilihi ka ba?" Pabirong tanong ko sa kanya. Kasi kanina pa talaga yan sa school. Pasakal naman ako nitong inakbayan.

"Pagawa tayo kay mama?" Tukoy niya sa mama ko. Mama ang tawag nila sa mama ko. Mga nakiki-mama lang. Tamad ko naman siyang tinignan.

"Maka request may pinatago ka?" Hindi naman nito pinansin ang sinabi ko.

"May practice pa bukas. Bangag tayo nito bukas." Napangiwi naman ako dahil duon. Oo nga, ngina naman. Nakakapagod na nga mag-aral tapos pagka sabado may practice pa.

Pero atleast makikita ko siya. Napangiti ako sa naisip. Hihi.

"Malala ka na, boi!" Sabay gulo sa buhok ko.

"Ano ba?!" Angil ko. Wag ang buhok ko. Kulot na nga guguluhin pa.

"Makikita sino? Yung kasama mo nung isang araw?" Si kadil na sumali na sa usapan. Anak ng! Nasabi ko na yun ng malakas?

"Wala!"

"Sino nga yun? Maganda ah." Ngumisi pa ito. Dinuro ko siya.

"Akin yun ha!" Natawa naman silang dalawa ni Jema.

"Maka akin. Wala ngang pake sayo si Lady," Nilakasan pa nila ang tawa nila. Tinignan ko lang sila ng masama. Akala niyo lang wala!

"Lady pangalan? Makilala nga," Inirapan ko lang siya.

"Ha! Asa kang papansinin ka nun, ako nga di pinapansin." Inis sa sagot ko rito.

"Edi aguy!" Asar ni Jema.

"Mahina ka pala eh," Asar ni Kadil. Pisteng Kadil 'to. Madalas seryoso pero pag nang-asar todo-todo. Mas gusto ko pala na tahimik na lang si Kadil. Charot! Sumama ang mukha ko sa kanila dalawa. Hindi pa rin sila natigil sa pang-aasar sa akin.

Natahimik lang sila nung lumapit sa amin si Hash na parang wala sa sarili at may hawak na fifty pesos.

"Inutusan ako..." Bulong nito. Takha naman namin siya tinignan. Kahit si Shayne na parang walang pake sa mundo kanina ay napatingin sa kanya.

Tumayo si Kadil at tinapik siya sa balikat.

"What happened?" Tanong ni Kadil dito. Napatingin naman siya sa amin na mukhang nahimasmasan.

"N-nothing." Nagkibit-balikat na lang kami. Nakainom ata 'to.

"Hey! Break time is done, let's go." Si Shayne na umakyat na sa stage. Sumunod na rin kami sa kanya at iniwan si Hash sa baba.

Chasing With Our Hands Tied Where stories live. Discover now