Chapter Three

6 3 0
                                    

Lady Therese Ignacio

LUNCHTIME. Papunta kami ngayon sa cafeteria. Inimbetahan ako ni Yvonne na sumama sa kanila, kasama namin si Shahin ang kaibigan niya at kaklase rin namin. Natutuwa ako sa kanya dahil ang dami niyang kwento, kaya din siguro close sila ni Yvonne. Pareho sila ng ugali. Sumama na rin ako dahil nahihiya akong humindi sa kanya. Sa totoo lang ay hindi naman ako kumakain sa lunch. Sometimes I didn't have an appetite, but most of the time, it slipped my mind. Every lunchtime, I would go straight to the library to study. That was my routine. Sometimes I would have lunch at the back, in the gazebo, where there were only a few students. May nakakausap naman ako kahit papaano pero yun lang. I don't have the main squad or at least a main friend. One reason siguro dahil napaka-boring kung tao.

"Bilisan niyo at baka hindi na tayo makapasok sa sobrang sikip sa loob," Hila-hila ni Yvonne si Keanu.

"Aray! Dahan-dahan naman, hindi ka mauubusan ng pagkain dun," Keanu complained, halos mapatid ito sa kakahila ni Yvonne sa kanya. Tatakasan pa kasi dapat niya si Yvonne kaso ay nahuli naman agad siya.

"Oo, hindi ako mauubusan ng pagkain dahil pasensya ko ang mauubos sa sobrang bagal ng usad sa pila."

"Bagay talaga kayo," Shahin playfully teased them, holding onto my arms as we walked. I chuckled softly as their faces crumpled from Shahin's comment.

"Kadiri naman, Sha! Parang nawalan na ako nang gana kumain," Sabi ni Yvonne

Bago pa makasagot si Keanu ay nakarating na kami sa cafeteria. Hindi pa masyadong puno ang loob kaya hindi kami nahirapang makabili. Bumili lamang ako ng isang burger dahil hindi naman ako nagugutom. May dala rin akong tubing, nanduon sa bag.

"Hindi ka magkakanin?" Shahin asked me. I just shook my head. I wasn't allowed to get full. Mabilis akong antukin pag busog ako and I wouldn't be able to concentrate during discussions. Nakasanayan ko na rin.

Pagkatapos nilang umorder ay bumalik na kami ng room. It was just the three of us since Keanu went somewhere else. Some students were having their lunch too. We went to our designated spot and arranged the tables to face each other, just like Shahin did. So now, the three of us were facing each other.

Habang kumakain ay nagku-kwentuhan lamang ang mga ito, hindi naman nila nakakalimutan isali ako.

"Alam mo ba, akala ko talaga suplada ka dati." Sabi ni Shahin habang nakatingin sa akin. "Inirapan mo pa ako, day!"

Nagulat naman ako sa sinabi niya.

"Hindi nga ako marunong umirap," Sagot ko rito. Hindi talaga. Or maybe I do it unconsciously. Palagi ko nga naririnig ang ganyang usapan.

"Tapos palagi din loner," Dagdag ni Yvonne. "Kasama ka namin sa English Guild pero hindi ka naman sumasali sa mga activities. Nung Camping ay hindi ka din sumama."

Napayuko ako. Hindi ako pinayagan ni Mama na sumali sa mga ganyan. Para sa kanya ay sayang lang iyon sa oras. Kaya hindi ako sumama kahit gusto ko.

"Gusto ka nga naming kaibigan nuon pa, kaya lang nahihiya kaming i-approach ka. Hindi lang obvious pero mahiyain kami, te!" Napangiti ako sa sinabi ni Shahin.

"Thank you," wika ko sa maliit na boses. Nahihiya kasi ako. Hindi ko alam na may gustong makipagkaibigan sa akin.

Nagpatuloy lang kami sa pag kukwentuhan habang kumakain. Madalas ay natatahimik ako pero gumagawa sila ng paraan para isali ako sa usapan nila. This is my first time having a long conversation. Tapos na kaming kumain ay nag-uusap pa din kami. I felt delighted. I couldn't even last a 5-minute conversation before. Some people tried talking to me, but as soon as I got quiet, they would walk away. It's not that I didn't want to talk to them. I had plenty of things to talk about, but I was constantly worried that they wouldn't be interested. But today, I felt like I was part of the group.

Chasing With Our Hands Tied Where stories live. Discover now