Chapter Four

11 5 0
                                    

Psalm Conrad Blancaflor

"Fishball po trenta, paki sampu sampu na lang po. Tatlong fries at apat na chocolate shake, yung tig 35 lang."

"Akin fries, ha?" Sabay kublit sa akin ng kapatid kung maldita na si Sue, 4-years old na ito. Sinama siya ni Ma dahil wala itong bantay sa bahay.

"Ayan na, boss." Sabay pisil ko sa pisngi niya.

Kuhanan ng card ngayon at may honor assembly na ginanap sa stage para sa general awarding kanina at meron din sa classroom para sa class awardings, ngayon naman ito. Hindi pa nag-sisimula dahil kaunti pa lamang ang mga magulang na nanduon. May mga student naman na pauwi na- mukhang tapos na ang awardings nila.

"Ipaplastik ko ba 'to?" Nakangiti akong tumango sa kanya. Kinuha ko nga lang ang isang fries dahil kanina pa ako kinublit ng makulit na bata sa tabi ko. Binigay ko ito sa kanya bago kinuha ang mga pinamili namin at bumalik na sa classroom. Nasa gate pa lang kami ng biglang mahawi ang mga estudyante. Hinawakan ko ang kamay ni Sue at marahan siyang hinila patabi sa daan. Napatigil ang mga tao, kaya napatigil na rin ako. Ano meron? Tinignan ko rin ang tinitignan nila. Sorry, chismoso lang.

Hila-hila ng matandang babae ang isang estudyante. She wasn't too old- probably in her mid thirties. Ang estudyante naman na hinihila nito ay kilala ko. Si Lady Therese Ignacio. Lady ang tawag sa kanya ng lahat kaya naman Therese ng tawag ko sa kanya para maiba lang. Kaklase ni Jema nuong grade 7. Pero wala kaming interaction talaga nakakasalubong ko lang siya minsan sa hallway. Tingin ko ay mama nito ang kasama niya ngayon. Mukha itong galit at may sinasabi ito kay Therese- Hindi ko marinig dahil medyo malayo sila. Isa pa ay maingay din ang mga estudyante.

Si Therese naman ay nakayuko. Hindi ko makita ang reaksyon niya. Bakit siya pinapagalitan? Napalunok ako ng bigla siyang sampalin. Nanatili lamang itong nakayuko kaya naman hindi ko makita ang kanyang reaksyon. Ramdam na ramdam ang tension sa paligid. Nagsimula na ring magbulungan ang mga tao. I knew I should have done something, but I couldn't bring myself to act in the moment. Wala akong magawa o tamang sabihin na hindi ko alam ang gagawin. I wanted to help but at the same time I don't wanna get involved. Palagi na lang akong ganito and I hated myself for it.

Hinila ulit siya ng kanyang mama at sumakay na sila sa tricycle. Ako naman ay nakatingin pa rin sa pwesto nila kanina. Nawala lang ang tingin ko ruon ng kinublit ako ni Sue.

"Bakit?" Mahinang tanong ko rito.

"Bakit siya sampal?" Nagtataka itong nakatingin sa akin. Chismosa rin! May pinagmanahan.

"Ubusin mo na lang 'yang fries mo," Kumuha ako ng isang shake at binigay sa kanya.

Bumalik na kami sa paglalakad. Mabagal lang. Nakikinig ako sa mga usapan sa paligid. May naririnig pa akong nagtatawanan dahil sa nangyari. Tangina, anong nakakatawa?

"Yan, si Therese yun? Bakit siya pinagalitan?" Tanong ng isang estudyante sa kaklase nitong babae na Yan ang pangalan. May kasama itong dalawang babae rin. Grade 9 Diamond ang nakalagay sa ID Lace nila. Mga Star-student, ka-klase ni Therese.

Nagkibit balikat ang babaeng tinatanong nila. Walang emosyon ang kanyang mukha. She looked in dazed. May mga lumapit pa sa pwesto nila.

"Hindi niya ata sinabi sa mama niya na hindi siya ang top 1," Sabi sa kanila nung kararating lang na student. Mas binagalan ko ang paglalakad.

Chasing With Our Hands Tied Where stories live. Discover now