Nanginginig ang kamay ko, patuloy ang pag agos ng luha ko ng kinuha ang papel na iyon.

Divorce paper.

Napatingin ako kay Jared ng walang emosyon itong tumingin sa akin.

"Meron ka pang ilang buwan para aminin sa kaniya ang lahat, deserve ng kaibigan ko ang malaman ang katotohanan Candice!" sabi nj jared bago ito tuluyang lumabas ng bahay.

Naiinis akong napahilamos sa mukha ko, at tinititigan ang divorcepaper na hawak ko.

Paulit ulit na pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Jared na hindi ko kailan man inasahan.

Hindi ko alam na sa kabila ng sakit na tiniis ko sa ibang bansa ay mas naging grabe kung anong kalagayan niya dito.

___

Nasa kwarto na ako para magpahinga ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kumunot ang noo ko dahil 'unknown number'

"H-hello sin~" hindi ko iyon natuloy ng umiiyak na babae ang bumungad na narinig ko. Sobrang lakas ng hikbi nito.

"C-candice...i-its me Elizabeth...please pumunta ka ngayon sa ospital....si Kuya k-kase eh...candice please" iyak na pagmamakaawa niya.

Parang bumagsak ang balikat kong kaagad lumabas ng kwarto.

"Manang, pakibantayan po sa kwarto yung kambal...may pupuntahan lang po ako" sabi ko.

Mabilis ang pagpapaharurot ko ng kotse, pero hindi ko maiwasang humagulgol ng iyak lalo na sa sinabi ng doctor na hindi ko magawang alisin sa isip ko.

He have 4 months to live kapag hindi iyon naagapan.

Gabing gabi na pero nagawa kong magtungo sa ospital, nagmamadali akong nagpunta sa kwarto na kung nasaan siya.

Sumalubong sa akin si Elizabeth, humahagulgol ito ng iyak na nilapitan ko.

"Please! Candice, i-ikaw nalang ang alam kong papakinggan niya" sabi nito.

Mula sa labas, rinig na rinig ko na ang malakas na sigaw ni Ivan. Parang unti unting dinudurog ang puso ko dahil dun. Alam kong sobra na ang sakit.

Mabigat ang paa kong pumasok sa kwarto kung nasaan siya.

Nanlalabo ang mata ko ng makita ang pag untog, hawak nito at sigaw na malakas sa kaniyang ulo.

"I-ivan" garagal na tawag ko.

Unti unti siyang lumingon sa akin. Nanlilisik ang mata niya.

"CANDICE UMALIS KA DITO! HINDI KITA KAILANGAN! UMALIS KAYO SA HARAPAN KO!!" sigaw niya.

Napapitlag ako sa gulat, tuluyan akong humagulgol sa harapan niya at nagawang lumapit para lapitan siya ng itulak ako nito.

"Ivan, i-im here...please tama na!!" Pagmamakaawa ko.

"Candice please? Leave me alone! Ayoko ng makita ka! Ayoko na!!Nasasaktan ako Candice!!" Pagmamakaawa nito sa akin. Umiwas ito ng bigla ko siyang niyakap ng mahigpit, patuloy pa rin siya sa pananakit ng kaniyang sarili.

"Ivan, tama na!!Tama na please tama na" sabi ko.

"Ivan, stop hurting your self!!..Please?"

"I w-want to die!!G-gusto ko ng mamatay!!...Bakit sa apat na buwan pa kung pwede namang ngayon na diba??Candice, hindi ko na kaya!!...at mas lalong nagiging masakit dahil para akong kawawa, para akong kuting na nilalapitan niyo dahil sa pstnginang awa" sigaw  nito.

Lumapit ang mga doctor at pinalayo ako, tinurukan nila si Ivan ng pampatulog. Pailing iling ang doctor na tumingin sa akin, at bago ako lumabas.

Lumapit ako kay Ivan, kitang kita ko ang pagbagsak ng katawan nito. Marahan kong hinaplos ang buhok niya saka siya hinagkan sa noo.

"Im sorry, im sorry for leaving you!..." sabi ko at bulong ko..."B-bukas...may family day ang kambal, and i hope...na sana....magaling ka para ikaw ang nandun para sa kanila" sabi ko bago lumabas.

"Ano yan?" tanong ko.

"S-si Kuya sulat niya. S-sabi niya ibigay ko daw sayo k-kapag patay na siya. K-kanina nga nag bilin na siya. Na kung mamatay man daw siya, sana kahit sa huling pagkakataon, nandun ka! K-kung ano ano na ginawa niya kanina, lahat ng pag mamay ari niya hinabilin niya sa akin." Sabi ni Elizabeth at inabot ang isang kapirasong papel na may basa na animo'y luha ito.

Tinignan ko si Jared, namumula ang mata nitong tinignan ako.

"H-hindi na siya kumakain. Nawawalan na siya ng pag asa. At mas lalo na ng malaman niyang may t-taning na ang buhay niya" sabi ni elizabeth.

Bumagsak ang sarili ko sa isang upuan, sobrang sakit sa dibdib.

Dinamayan ako nito, ng isang oras pa ang lumipas.

Tuluyang nagising si Ivan at mahinahon ako nitong tinawag. Pagpasok ko sa kwarto nito.

Tumutulo ang luha niya, hinawakan niya ang kamay ko at marahan itong hinagkan.

"Before i die...i w-want to apologize for all mistake i have done to you. S-sa mga pananakit ko, s-sa pagtrato ko sayo ng m-mga masasakit. But Candice, believe me or not. I love you. M-minahal kita sa p-paraan na ako ang nakaka alam na alam kong n-nasasaktan ka. And this f*cking tumor, deserve ko toh! Right?!..You're always be my wife, my life and my everything Candice. At patuloy kitang mamahalin." Ngisi nito.

Naging masikip ang dibdib kong tinitigan siya, ng bigla nitong ginalaw ang kamay niya para punasan ang luha ko.

Unti unti niyang hinubad ang singsing sa mga daliri nito.

Mapait siyang ngumiti ng iniyukom niya ang kaniyang kamao.

"H-hanggang sa kabilang buhay. Ikaw at ako. Tayo pa rin, p-pero this time...Im Ivan Hanz Montero officially will make you free my love"usal nito na ikinailing ko.

"I-ivan...i have someth~" hindi ko nagawang ituloy ang mga dapat kong sabihin ng bigla siyang nagcollapse sa harapan ko.

Nanindig ang balahibo ko, muling umagos ang luha sa mga mata ko at mabilis na lumabas para tawagin ang doctor.

"A-anong nangyari??" Si Elizabeth.

Napayuko ako sa sahig ng maramdaman ang paghawak ni Jared sa balikat ko.

"H-hindi ko alam...hindi ko alam" paulit ulit na litanya ko.

Sunod sunod ang pagpasok ng mga nurse mula sa loob, parang mas naging malakas ang tibok ng puso ko ng marinig ang sinabi ng doctor.

"Dalhin siya sa OR! Dumudugo na ang loob ng ulo niya! " sabi ng doctor na ikinaawang ng labi ko.

'No ivan'

No, you cant leave me!.

'Hindi mo kami pwedeng iwan ng mga anak mo.'

'Maawa ka sa akin, andami ng sakit na pinaramdam mo.'

"Sino sa inyo ang kamag anak niya?! Nais ko lang ipaalam nasa delikado na ang lagay ng pasyente, nagdugo na ito sa loob ng ulo niya. At mas lalong magiging malala ang kalagayan niya, sa gagawin naming operasyon ay maaaring makaranas siya ng pagkabulag o hindi kaya ang temporary memory lost. Nasa sainyo ang desisyon, kung itutuloy ba?" sabi ng doctor na ikina awang ng labi ko.

___

TO BE CONTINUE

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now