CHAPTER 18

411 9 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:COUPLE
-CHAPTER 18-

-CANDICE'S POV-

12: 15 am

Nakahiga ako sa kama, at tila bigla nalang akong nagising dahil sa gutom.

Parang natatakam ako na hindi ko alam. Marahan akong tumingin sa cellphone na nasa tabi. (kay Ivan)

F*ck. Alas dose palang at sigurado akong mahimbing pa rin ang tulog ng mga tao dito sa mansyon.

Mariin akong napapikit at dahan dahan na umulo sa kama, anong gagawin ko? Eh gusto kong kumain.

Tinitigan ko si Ivan na nasa tabi ko, mahimbing ang tulog nito habang ang kamay niya ay nakahawak sa bandang tiyan ko.

Kamot ulo pa akong ngumuso bago tinapik ang balikat niya.

"Ivan!!" mahinang pagtawag ko.

Pero hindi siya gumalaw.

"Ivan huy! Gising!" muli kong tinapik ang mukha nito.

Pero konting paggalaw lang ang ginawa niya na ikinainis ko.

'Bakit ayaw nya gumising'

'Teka naghapunan ba ako kanina?'

Hmmm..parang gusto ko ng ice cream!

Meron kaya sa refrigerator nun?!Isang pagngisi pa ang ginawa ko at dahan dahan na iniwan si Ivan sa kama.

Nakapatay ang ilaw sa sala, kaya marahan lang ang paghakbang ko papunta sa kusina.

Hindi ko alam kung saan ang switch para buksan iyon.

Kaya para akong bulag at hinahanap ang liwanag na mula sa ref.

"Gusto ko ng ice creeamm!" takam kong sabi.

Pero tila nanlumo ako ng pagbukas ko ay wala. Kunot noo akong napasinghap ng hangin saka ito sinarado.

Naglalakad na ako pabalik ng isang yapak ang narinig ko mula sa palapit sa akin.

Tila nangamba naman ako.

May nakapasok bang magnanakaw?!.

"Sino yan??" tanong ko. Pero walang sumagot, naririnig ko lang ang paghinga nito na tila malapit sa akin.

Tsngina, alas dose...may multo ba??!.

Tatakbo na sana ako sa hagdan ng bumukas ang ilaw na ikinanlaki ng mata ko.

"What are you doing?" Singhal ng isang boses, napalingon ako ng makita ang seryoso niyang mukha.

"Bakit ka nandyan?" tanong ko.

"Tsk! Ang ingay mo. Ano bang ginagawa mo dito?!..F*ck Candice its already late! Akala ko may magnanak~" hindi nito natuloy ng umirap ako.

"Nagugutom ako, hindi ako magnanakaw! Saka ginigising kita ayaw mo!.." sabi ko ng kumunot ang noo nito.

"May pagkain pa naman yata jan" sabi pa nito.

"Ice cream gusto ko" sabi ko ng ngumuso ito.

"WHAT??ICE CREAM? REALLY?!" gulat nitong tanong.

"Ice cream ngaaa!" Sabi ko pa ng kumamot ulo ito.

"Candice may trabaho pa ako bukas. At bukas bibilhan kita ng ice cream, ngayon matulog muna tayo" sabi nito saka akmang lalapit sa akin.

"Hindi ako makakatulog hangga't walang ice cream" nguso ko pa saka umupo ng bigla niya akong taasan ng kilay.

"Anong gagawin ko e wala nga??" Sabi nito ng ngumisi ako.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now