CHAPTER 13

634 11 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:PRETEND DAY 1 -
-CHAPTER 13-

_____

-CANDICE POV-

Sobrang layo ng naging pagmamaneho ni Ivan bago kami nakarating sa isang hotel  kung saan ang likuran nito ay isang dagat. Pagkababa ko palang sa kotse niya, naramdaman ko na ang paghawak nito sa kamay ko.

"Good afternoon, maam and sir"

Pagpasok namin sa hotel, sumalubong ang apat na lalaki sa amin. Nakakunot pa ang noo ng iba at tila kinikilatis ako.

"Dude, kamusta?"

"Naks buti dumating ka"

"Kala ko ipapahiya mo na ako e"

"Pwede ba yun??.." sabi ni Ivan.

"Wews, sino naman tong magandang binibining kasama mo?" tanong ng isang lalaking medyo mataba na pandak.

He's cute huh.

"Ahh..she's Candice" malamig na pagpapakilala ni Ivan.

"Candice?! New fubu?" tanong ng isa na tila ikinanlaki ng mga mata ko.

Tumawa si Ivan, bago nito pinisil ang kamay ko saka siya nagsalita.

"She's my wife" aniya.

Nagulat ang apat na lalaki, hindi agad sila nakapagsalita. Isang pagtikhim ni Ivan ang ginawa niya bago sila nagtawanan.

"Ahh Wife??Shesh..."

"Hi miss?"

"Hello, im Candice" sabi ko. Ilalahad nila ang kanilang kamay sa harapan ko ng makita ko ang pag iling ni Ivan.

Binawi nila agad iyon, kunot noo lang akong nakasunod sa kanila.

Bakit tila mag isa ko lang na babae?.

Napapatawa nalang ako sa tuwing nagtatawanan sila. Pero hindi talaga ako makarelate.

Kinagabigan, hindi kami sa kwarto dumiretso. Kundi sa tabing dagat kung saan marami ring nakatambay.

At nagulat nalang ako ng ang apat na lalaking iyon na barkada ni Ivan ay may mga kasama rin palang babae.

"Oww hi are you Candice right?" Sabi ng isang babae.

Tumango naman ako ng tumawa sila, lumayo ang mga lalaki sa amin. Kaya tila napapayuko ako habang pinapasadahan ako ng titig ng mga babaeng ito.

"Sinasaktan ka ba niya?" tanong nila.

Umiling ako agad.

"Naku, dont deny it. Kasi alam namin ang ugali ni Ivan. Kilala namin siya, at kahit mag pretend pa kayong sweet sa harapan namin. Alam namin na hindi kayo ganun" tawa nila na ikinangiwi ko.

"B-bakit nyo naman alam?"

"Ehh??Kase nga...ang tanging babae lang na minahal niyan ay si Scarlet. At ang mga kilos niya kakaibang kakaiba, mas sweet pa siya ng todo nun. Ayaw nya ngang napapahamak ang girlfriend niya e" sabi naman ng isa.

Napatingin ako sa hindi kalayuan mula sa kinaroroonan ni Ivan.

Nagtatawanan silang nag uusap, ng bigla akong namanhid ng magtama ang mata naming dalawa, agad akong umiwas ng malakas na pagbuntong hininga ang ginawa nitong isang babae.

"Hasyt, poor girl. Kawawa ka kapag nainlove ka! Trust me or not. Baka ginagamit ka lang niya?" sabi nila saka ako iniwan na nakatulala.

Napahaplos ako sa katawan ko ng maramdaman ang malamig na simoy ng hangin.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE حيث تعيش القصص. اكتشف الآن