CHAPTER 1

741 8 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

R.A WRITER--ANGELICA
-CHAPTER 1-

_____

-CANDICE POV-

"Dad please, ayokong magpakasal sa kaniya, help me please..sasaktan nya lang ako" pag mamakaawa ko.

"Mas lalo kang mapapahamak kapag hindi ka sumunod sa kaniya Candice" malamig na usal nito.

"Dad, you know him right?" Naiiyak kong sabi.

"Yes, kaya nga ayokong sumuway sa naging usapan namin. Candice anak, mas magiging mabuti ang buhay mo kapag sumunod ka lang sa mga gusto niya" sabi ni Daddy ng umiling iling ako.

"Im not a toy! He's  Ivan Hanz Montero right? Isang lalaking mapaglaro. Hahayaan mo bang saktan nya ako?" Tanong ko ng umiling iling siya.

Wala akong nagawa, at parang bumagsak ang balikat ko ng tuluyang bumukas ang pintuan.

"Ready na po?" Sabi ng isang babae.

Sobrang sakit sa dibdib ng malalim akong humugot ng isang paghinga.Hindi umimik si Daddy ng mabilis itong naunang lumabas kaysa sa akin.

Tinignan ko ang sarili ko mula sa malaking salamin, nakasuot ng gown, nakamake up..at kitang kita sa mukha ko ang saya.Pero mula sa loob ko, ayokong magpakasal sa lalaking yon. Hindi ko siya mahal at alam kong kahit kailan hinding hindi niya ako mamahalin

He loves playing a girl.

Ituturing na tila isang basurang laruan, na kapag pinag sawaan kung saan nalang niya gustong iwan.At sana...hindi dumating sa puntong mamahalin ko siya. Dahil sobrang sakit niyang magmahal pabalik.

_

Mula sa isang maganda at malaking simbahan, huminto ang sinasakyan kong kotse. Rinig na rinig ko na ang pagsimula ng kanta sa loob, tanaw na tanaw ko na ang mga taong magiging saksi ng kasal naming dalawa.

Saksi ng mga salitang bibitawan naming pangako.Pagkababa ko, mabigat na paghakbang ang ginawa ko habang nakangiti siyang nakatitig sa akin mula sa dulo.

Kahit kailan, hindi ko pinangarap na maikasal sa taong hindi ko naman mahal.Ang kantang iyon~...ang mga ngiti ng tao.
Ang mga bulungan na nagsasabing napaka swerte ko, ay isang pagkakamali.

"Ikaw lalaki, tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging asawa?na makakasama mo sa hirap man o ginhawa?" tanong ni Father sa kaniya.

Hindi ko magawang tagalan ang mga titig niya.

"Opo father" ngisi niya.

Ibinaling ng padre ang tingin nito sa akin. At alam kong ako na ang susunod na tatanungin nya, hindi ko alam. Pero ayoko! Ayokong magpakasal sa kaniya. Dahil sa oras na sumagot ako...alam kong habang buhay ko itong pagsisisihan.

"Ikaw babae tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang iyong asawa na makakasama mo sa hirap man o ginhawa?"

Nanginginig ang kamay ko, at dahan dahan kong ipinilig ang tingin ko sa mga taong nanonood sa amin. They waiting for my answer.

At mula sa baba nakita ko si Daddy. Nanlaki ang mga mata ko ng may dalawang lalaking nakaitim ang lumapit sa kaniya at tinutukan siya ng baril sa tagiliran.

Lumakas ang kabog ng dibdib kong tumingin kay Ivan, nakangiti siya at pinanlakihan ako ng mata na tila hinahamon ako.

"O-opo father" garagal na boses kong sagot.

Isang malakas na palakpakan ang ginawa nila, at dito ngumiti si daddy na alam kong kabang kaba sa mga hindi nya inasahang mangyayari.

"You my now kiss the bride" sabi ni Father.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now