CHAPTER 25

408 7 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:KAMBAL
-CHAPTER 25-

-CANDICE' S POV- 

     5 YEARS LATER

*IN PHILIPPINES*

Dalawang buwan na ang lumipas simula ng makabalik kami dito sa pilipinas.

Sinubukan kong magsimula muli ng panibagong buhay kasama ang dalawa kong anak.

And yes! Kambal ang anak namin ni Ivan. Un-expected.

Sobrang aga pa ng nagising ako dahil sa malakas na ingay na mula sa baba.

Kaya kamot ulo akong mabilis na tumayo.

"This is mine!" asik ni Kian saka masungit na tinaasan ng kilay ang kakambal niyang umiiyak.

"Isusumbong kita kay Mommy!!" iyak nito ng mas lalo siyang asarin ni Kian.

"Hey! Stop that Kian. Ibigay ko na kay Sofia yan. Ang aga aga nag aaway kayo" asik ko saka tuluyang bumaba.

"Mommy" biglang lumapit si Sofia at niyakap ako. "Siya kase inaagaw nya tong toy ko" ngusong sumbong nito.

"Ikaw nga rin e...alam mo napakaiyakin mo, sumbungera kapa kay Mommy" pang aasar ni Kian ng bawalin ko ito.

Manang mana talaga sa ama niya.

Napakasakit magsalita.

"Kian, lagi mo nalang pinagtritripan tong kapatid mo" angil ko ng kumamot ulo ito.

"Eh mommy siya naman nauna eh" sumbong niya rin.

Mula sa malaking bahay, napangisi akong niyakap silang dalawa.

Sobrang saya ko kasi nakayanan ko ang lahat sa loob ng limang taon.

"Oh sige na! May trabaho pa si Mommy." Sabi ko.

Mula sa harap ng hapagkainan, natatawa ako ng nagbabangayan pa sila dahil sa mga laruan nila.

Hasyt napakakulit.

Matamis akong ngumisi ng inutusan ang isang kasambahay na lagyan ang plato ng dalawa kong anak.

_

Pagkatapos kong kumain, maligo at magbihis bumaba na rin ako kaagad.

"Aalis na si Mommy okay? Behave. And you Kian wag mo na papaiyakin si Sofia" bilin ko ng seryoso lang siyang tumango.

"Goodbye Mommy, Iloveyou" hinagkan ako ni Sofia.

Pero walang emosyon kong tinitigan si Kian na abala ang mga mata nito sa telebisyon.

Malakas akong tumikhim.

"Kian??" madiin kong sabi ng ngumisi siyang natatakot na lumapit at humalik sa pisngi ko.

"Manang, kayo na pong bahala sa kanila. Wag nyo po silang hayaan na makalabas at wag rin kayong magpapapasok ng ibang tao dito" bilin ko.

"Sige po Maam"

Sumakay na ako sa sarili kong kotse saka mabilis iyon na pinaharurot palabas.

Isang ngiti ang pinakawalan ko habang iniisip kung paano ko naabot lahat ng ito.

Si Mama naiwan sa States.

Si Nico naman nandito rin sa pilipinas for his fiancé...malapit na rin itong ikasal~ at sobrang laki ng tulong niya sa akin.

Siya ang sumalo sa mga araw na dapat si Ivan ang kasama ko.

And un expected rin na makakilala siya ng babaeng mapapakasalan niya sa States..

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now