CHAPTER 9

406 6 0
                                    

-RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE-

:A SOFT KISS
-CHAPTER 9-

_____

-CANDICE POV-

"Manang pakitulungan naman po akong dalhin siya sa kwarto" sabi ko kay Manang.

Akay akay nga namin si Ivan. Sobrang bigat niya, lalo na nung paakyat kami sa hagdan

"Naku, lasing na lasing siya. At ngayon lang ulit ito nangyari" sabi ni Manang na ikinakunot noo ko

"What do you mean po?" Takang tanong ko.

Ibinagsak namin si Ivan sa kama saka inayos ang katawan niya upang mas maging komportable ito sa lagay niya.

"Kasi nung huling naglalasing si sir Ivan ay dahil lang kay Scarlet." Sabi ni manang na ikinatango tango ko.

Paglabas nga ni Manang, mariin akong napapikit na napatingin sa suot niyang sapatos. Dahan dahan akong lumapit roon para tanggalin.

'Bakit naman kaya siya naglasing'

'At ano ba ang sinasabi niya kanina, hindi ko maintindihan'.

Nang matanggal ko iyon inilagay ko sa sahig saka umupo sa kama niya.

Napatitig pa ako sa malaki niyang kwarto, maganda malinis....at mula sa isang maliit na lamesa isang bagay ang nagpatigil sa akin para mapatango tango.

Nangunot ang noo ko at hinawakan ang basag na picture frame na mismong alam kong ako ang may gawa.

Pilit niya itong binuo dahil iyon ang larawan nila ni scarlet.

Napatingin ako kay Ivan ng hawakan ko ang isa pang larawan na may sulat sa likod nito.

'I miss you'

Isang sulat na tila nagpasikip sa dibdib ko. Kung gayon, umaasa pa rin kaya siya na babalik ang babaeng minahal niya?.

Bakit ngayon pa?

Kung kelan alam ko na sa sarili kong tila may kakaiba.

Nung nakaraang araw pa~ ramdam ko na ang lakas ng kabog ng dibdib ko sa tuwing nagtatama ang mata naming dalawa.

Sa tuwing lumalapit siya na animo'y kakapusin ako ng paghinga.

Sa bawat ngiti niyang nakakadala.

Alam kong kakaiba na kung anong meron dito sa dibdib ko.

At ngayon ko lang aaminin, gusto ko na siya.

Ang lalaking walang ibang ginawa kundi ang saktan at pahirapan ako.

Napaawang ang labi ko at natigil sa pagmumuni muni ng biglang nagsalita si Ivan, kahit pikit ang mata nito.

Mabilis kong binaba ang hawak ko at nagtungo sa harapan niya.

"D-dont f*cking leave me!" madiing boses nito.

Napakunot ang noo ko, at hinintay ang anumang susunod niyang sasabihin.

At sana~...sa ilang linggo naming pagsasama....sana nagugustuhan niya na rin ako.

At sana, maibalik ko sa dating Ivan ang nasa harapan ko ngayon.

"Please, please baby dont leave me...im begging you Scarlet" isang salitang binitawan niya habang umiiling iling ito sa kaniyang pagkakahiga.

Ang bigat sa dibdib.

Pero unti unti akong lumapit at bigla ko nalang hinawakan ang mukha niya.

"Ivan, ivan nananaginip ka" tinatapik tapik ko ang mukha niya para magising ito.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now