Yung tipong may trauma kana, yung tipong gusto mo lang naman maging masaya...yung tipong gusto ko lang naman siyang wag akong iwan.

"IVAN!!"

Napatingin ako mula sa harapan ko. Natigil ako sa pag iyak at pilit na malamig tignan si Jared.

"Oh tol! Nandito pala kayo?" ngising bati ko.

Umupo ito sa isang upuan, malakas niyang sinipa ang maliit na lamesang nasa harapan ko.

"Tsngina. Anong ginagawa mo sa sarili mo? Tol, ano ba?!..Isang linggo ka ng ganyan, wala ka ng ibang ginawa kundi magpakalunod sa alak na yan" asik ni Jared na ikinangisi ko.

"Tol, alak nalang ang hindi nang iiwan" nakuha ko pang magbiro. Pero nasasaktan ako sa mga tingin niya, animo'y awang awa ito sa sarili ko.

Tsngina!..

Ayoko ng ganito.

Sobrang sakit ng dibdib ko.

Hindi na ako katulad ng dati, sobrang hina ko na.

"Tol, tama na yan. Maawa ka naman sa sarili mo. Puro ka alak. Yung negosyo mo, napapa bayaan mo na dahil jan sa pinag gagawa mo!" muling sumbat niya.

Tuluyang bumagsak at mas naging malakas ang paghagulgol ko ng iyak, napahilamos ako sa mukha ko.

"T-tol...h-hindi ko na kaya...a-ang sakit sakit na tsngina..at sa muling pagkakataon, iniwan na naman ako." Pinilit kong lakasan ang loob ko para masabi iyon.

Nang maramdaman ang pagtapik ni Jared sa balikat ko.

"Tol, babae lang yan ano kaba?!" Singhal niya ng tumawa ako.

"Mas masakit ngayon. Hindi siya basta babae lang. I know...sasabihin ng iba, i deserve this. Tsngina, oo na deserve ko na!!..Pagod na pagod na akong umiyak, ang umasang babalik siya!..Alam mo ba??Tol!..." ngising tumawa ako.."Sa kwarto niya ako natutulog, to feel her...para kahit p-papaano maranasan ko kung anong mga pinagdaanan niya. Tsngina, mas gusto ko nalang mamatay kaysa makita siyang masaya na sa iba" sabi ko saka yumuko para gumaan ang anumang bigat sa dibdib ko.

Tumayo ako at pinilit na wag umiyak.

Pagkarating ng isang kasambahay, may dala na itong beer na agad kong kinuha.

Pagkabukas ng isang bote, isang pagsinghap ang ginawa ni Jared at lumapit sa akin para bawiin iyon

"TAMA NA TOL!!..MAGPAHINGA KANA! PAGOD KANA! TAMA NA TUMIGIL KANA!.." sabi nito.

"Tol akin na yan!!" madiing sabi ko at binabawi ang bote ng alak sa kaniya ng hindi niya iyon binigay.

"TAMA NA!!..BAKLA KABA PARA MAGPATALO SA SAKIT NG PSTANGINANG PAG IBIG NA YAN? TSNGINA NAMAN OH!!HINDI PA KATAPUSAN NG MUNDO PARA TAPUSIN YANG BUHAY MO SA PAG IINOM..IMAGINE, TOL ISANG LINGGO KA NG WALANG KAIN!!PURO KA IYAK, IYAK, IYAK!!" asik ni jared ng malakas niyang binasag ang boteng iyon sa harapan ko.

"G-gusto kong b-bumalik si Candice...gusto ko lang n-naman si Candice!!Si candicee!!..." sigaw ko.

"KAPAG BA UMINOM KA BABALIK SIYA??...SO ANO? WHAT IF BUMALIK SIYA AT MAKITA KANG GANYAN HA?!..BAKA PAG BALIK NIYA! WALA NA SIYANG IVAN NA MABALIKAN DAHIL BANGKAY KANA" sabi nito ng malakas akong tumawa.

'Sana nga'

Pero hindi na ako aasang babalik siya.

"Alam ko naman na hindi na siya babalik eh...s-sino ba naman ako?! A-ako lang naman ang nagpahirap sa buhay nya" sabi ko.

Agad kong kinuha ang susi para lumabas at pumuta sa bar.

Gusto kong maglasing ng maglasing~...ayoko ng ganitong pakiramdam.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum