"Nasa bahay kita. Anong nangyari?! Pinalayas kaba ng gag*ng lalaking yon?" tanong nito ng biglang pumasok sa isip ko ang mga nangyari kagabi bago ako nawalan ng malay.

Hindi ako nakapagsalita ng bigla na lamang tumulo ang luha ko kasabay ng pailing iling na niyakap ang sarili ko.

Bakit niya nagawa sa akin iyon.

"A-ang sabi niya....mahal niya na ako e, nangako siya sa akin na k-kahit bumalik siya...ako at ako pa rin ang pipiliin niya..pero h-hindi ko alam kung bakit anong nangyari~...paulit ulit niya akong s-sinasaktan" iyak na sabi ko.

"Sabi ko naman sayo diba gag* siya. And you doesn't deserve him. Alam niya na ba??na buntis ka??" tanong nito na ikinatigil ko.

"D-dapat paba niyang malaman? May mababago paba??Sa oras ba na sabihin ko, magagawa ba niyang piliin ako" tanong ko ng kumibit balikat ito.

__

Nasa harap kami ng hapagkainan ni Nico, ng hindi ko magawang galawin ang pagkain na nasa harapan ko.

"Candice, you better should to eat. Tandaan mo, hindi ka pwedeng sumuko, hindi ka pwedeng mawalan ng pag asa. May bata kang dinadala!" madiing salita ni nico ng bigla itong lumapit sa akin at siya ang naglagay ng pagkain na ikinatango ko.

Pero sa bawat pagsubo na ginagawa ko, tila paulit ulit na bumabalik kung anong sakit ang mga nangyari sa akin.

'Hinahanap niya kaya ako?'

"P-pupuntahan ko si ivan" sabi ko ng ikinatigil nito.

"What did you say??" Si Nico.

"Nico, buntis ako...at anak niya ang dinadala ko, kailangan niyang malaman ang lahat" sabi ko ng pagak siyang natawa.

"Para ano??...Candice hindi ka pa naman siguro ganun katanga? Alam ko iniisip mo, gagamitin mo yang bata para piliin ka niya? Para magawa ka niyang mahalin ganun ba? Tsnginang yan. Sobrang martir mo! Look at yourself." Asik nito.

"Pero Nic~"

"Bahala ka sa gusto mong gawin Candice. Dalawa lang naman yan e...ang gagamitin mo ang batang yan para piliin ka niya, para mapilit na mahalin ka...o ang tuluyang tumakas mula sa poder niya" usal nito.

___

Nang matapos akong kumain, nagpahatid ako sa kaniya sa mansyon ng mga Montero. Isang mabigat na paghinga ang ginawa ko.

Alam kong tatanggapin niya ako sa oras na malaman niyang magkaka anak na kaming dalawa.

At sana hindi pa huli ang lahat.

At sana, ngayon....magawa niya akong piliin.

Dahan dahan akong lumakad papasok ng mansyon, pero ramdam na ramdam ko ang sakit na tumutusok sa dibdib ko.

Nagulat si Manang susan ng makita ako.

"C-candice??Ano pang ginagawa mo dito??!..." gulat niyang tanong sa akin.

Ngumiti ako ng mapait.

"M-manang si Ivan??" tanong ko ng hindi niya ako nagawang sagutin.

Nakita ko na hindi siya mapakali.

Hanggang sa hinihila niya ako palabas ng bahay na ipjnagtaka ko.

"Candice, umalis kana. Sige na, umalis kana! Iha...tama na!!Maawa ka sa sarili mo...umalis kana!" pilit niya akong itinutulak palabas ng bigla akong ngumiti.

"Manang, gusto kong makita si Ivan. May kailangan siyang malaman." Sabi ko at nagpumilit na makapasok sa bahay.

"Candice!!" bawal ni manang ng hindi ako nito napigilan.

RUN AWAY FROM MR.HEARTLESS BILLIONAIRE Where stories live. Discover now