Chapter 22: Pagbabalik

Start from the beginning
                                    

"Isko," tawag ni Mikael sa kaniyang trabahador na ngayon ay napatayo ng tuwid nang marinig siya. "Sabihan mo ang ating mga trabahador na mag-ayos at magluto ng mga pagkain. Magkakaroon tayo ng maliit na salo-salo para sa pagbabalik mo at ng aking anak."

Napangiti naman si Isko at mabilis na yumuko. "Masusunod, Señor." Yumuko rin siya kay Azrael saka ngumiti. Hindi niya maipagkakailang naging magkaibigan na silang dalawa. "Paalam, Binibini. Maraming salamat."

Ngumisi lang si Sarina at kinindatan ito. Napaka-cute talaga ng batang iyon. Parang si Isko ang kaniyang boy version. Pareho silang gwapo at parehong green at wild ang humor.

Kaagad namang namula si Isko nang kindatan ng kaniyang Amo at mabilis pa sa bampirang napatakbo paalis sa lugar na iyon dahil sa kilig at dahil sa takot kay Mikael.

Natawa nalang si Sarina ngunit kaagad siyang napatigil nang sumalubong sa kaniya ang nandidilim na mukha ni Mikael.

Napapeace sign nalang si Sarina at mabilis na pumasok sa loob upang iwasan ang pangaral na gagawin ni Mikael. Alam na niya ang sasabihin nito. Na hindi kaaya-aya para sa isang binibini ang gumalaw ng ganoon.

Sorry, Papa. No time for that! Nakangisi niyang hiyaw sa kaniyang isipan habang tumatakbo papasok.

"Azrael, hindi kita pinipigilang umibig. Ngunit huwag muna ngayon. Ika'y dalawampu't apat pa lamang at ako'y hindi pa handa. Ngunit kung may napupusuan ka na nga ay wala na akong magagawa. Ngunit sisiguraduhin kong dadaan muna siya sa aking hagupit," saad ni Mikael na kaagad humabol sa kaniya.

Kung tutuosin ay dapat nang mag-asawa ang kaniyang anak dahil dalawampu't apat na ito! Ang mga ka-edaran nga nito ay kasal na at ang iba ay may mga anak na. Ngunit... Hindi pa siya handa. Lalo pa't ilang taon itong naging mailap sa kaniya at ngayon lamang sila naging malapit ulit. Hindi siya handa na sa isang araw ay may ginoong sasalubong sa harap ng pintuan ng kanilang tahanan at hingin ang kamay ng kaniyang unica-hija.

Huwag muna ngayon! Maaaring sa susunod na taon, ngunit huwag ngayon!

Natawa nalang si Sarina. Wala siyang balak mag-asawa. Hanggang pagliliwaliw lang ang kaya niya. She's a flirt, pero wala sa vocabulary niya ang matali at magkaroon ng asawa.

Alam niyang wala rin namang pag-asa dahil sa panahong ito, hindi pabor ang mga tao sa relasyong pareho ang kasarian. Kaya ano pang magagawa niya? She likes girls, women, and... boobs.

Kapag nagkaroon siya ng seryosong relasyon sa kapuwa niya babae sa panahong ito ay siguradong kamatayan ang kahahantungan nila. Sa panahong 'to ay kinamumuhian ang pakikipagrelasyon sa sariling kasarian.

Kaya siya? Kung hindi rin naman siya magkakaroon ng pagkakataon na makipagrelasyon sa kapuwa niya babae ay pass nalang. Magiging single nalang siya forever. Ayaw niya rin naman sa lalaki dahil siguradong lolokohin lang siya nito. Kapag nagsawa ay maghahanap ng iba. Psh.

"Makakaasa ka, Papa," saad niya nalang dahil siguradong magugulat ito kapag sinabi niyang hindi siya mag-aasawa at babae ang gusto niya. "Nasaan nga po pala ang tatlong Sandoval? Hindi pa ba bumabalik?"

"Naroon sa hapagkainan," sagot ni Mikael at napabuga na lamang ng hangin.

Kaagad namang napangisi si Sarina sa narinig. Sa wakas ay makikita na ulit niya ang triplets. Namiss niya ang mga ito ng sobra.

Kaagad siyang napatakbo sa dining area. At doon nakita niya ang tatlo na seryosong nag-uusap. Nakaupo ang mga ito sa silya habang magkakaharap, habang pinapagitnaan ang mesa. Mababakasan rin ng pagod at pagkapuyat ang mga mukha nito kagaya ni Mikael na parang hindi rin natulog ng ilang linggo.

Ang ngisi niya ay mas lalo pang lumapad. "Mga bro!" Sigaw niya sabay hampas sa mesa dahilan upang manlaki ang mga mata ng tatlo at mapatalon sa gulat.

Gulat namang napatingin sa kaniya ang tatlo. At nang masilayan siya ay nalaglag ang mga panga nito. Natulala pa ito nang ilang segundo bago napatayo at napatakbo papunta sa kaniyang gawi at sinunggaban siya ng yakap.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now