my secret girlfriend

Start from the beginning
                                    

"BEA! Idol! I love you po." Sigaw nung isang fan. Si Caitlin nakatingin lang sa girlfriend niya habang busy eto sa mga fans niya. Tanggap naman niya na sikat talaga si Bea at maraming fangirls ang nagkakagulo rito. Kahit nga sa mga secret dates nila hindi maiiwasang may makakilala kay Bea at sa kanya.

"I love you BAE!" tapos yumakap pa yung isang fan kay Bea "My name is Leigh! I really admire you Bea! OMG I just! Pwede ba payakap ulet?" medyo napatitig si Caitlin sa fan na yun pati na rin kay Bea. Maganda yung fan almost ka age bracket din nila at MORENA. Talk about Bea's type.

"Ahh sure!" sagot ni Bea saka yinakap niya ulet yung fan. Halatang kilig na kilig naman yung fan at parang hihimatayin na sa tingin ni Bea sa kanya.

"I love you talaga Bae!"

AKO LANG PWEDENG TUMAWAG NG BAE SA KANYA! SHE IS MY BAE! MINE! MINE ONLY!

Caitlin's already throwing daggers to that fan without even knowing it. Tinapik siya ni Reg dahil napansin na parang umuusok na si Caitlin. Nagpa picture pa si Leigh then may binigay na gift kay Bea of course nakangiti lang si Bea at nagbigay ng thanks sa fan niya.

"Hey Cait? Are you okay? ang sama ng tingin mo kay Bea ah?" sabi ni Reg. Nag ngitian si Bea at Leigh before eto umalis.

"HUH?" napatingin si Caitlin kay Regine

"Bakit parang ang sama ng tingin mo kina Bea?"

"Hindi ah!" medyo defensive siya at napatawa na lang si Regine.

"Okay sabe mo eh."

--

Dahil inaabot nga naman ng swerte si Caitlin ay nakasabay pa sina Jho sa bus nina Bea. Nagka mini reunion pa nga ang Lady Eagles bago sila tuluyang umuwi, Nakasakay na sila ng BUS at unfortunately ay tumabi si Deanna at Jho kay Bea. Lalo naman nag usok ang ilong ni Caitlin dahil sa set-up na yun. Di pa nga siya nakaka get over dun sa fan na grabe makadikit kay Bea tapos di pa sila nagkatabi ngayon. At sa dami talaga ng makakatabi ni Bea eh si Jho pa. Si Jho na makasalubong lang ng mata ni Bea ay magtitilian na ang mga fans.

For sure mamaya sa dinner dun din yan tatabi kina Jho. Syempre hanggang sa shower room lang naman ako eh. Oh di kaya sa condo niya. Ughhh!

Lalo pa siyang nainis kasi pag ibang teammates ang kasama ni Bea ay sobrang happy neto tignan. Pag tatawa siya with matching sandal sandal effect pa samantala pag si Caitlin ang kasama niya in public ngingiti lang eto or tatawa ng mahina. Ni hindi nag i-initiate si Bea ng lambing sa kanya. Minsan hindi lang din maiwasan ni Cait na mag compare sa mga kaibigan ni Bea especially ang bestfriend din netong si Jhoanna.

"Cait? Ano problema mo dyan sa bag mo?" tanong ni Reg na nakitang mahigpit na ang hawak ni Caitlin sa bag neto. Napatingin eto sa direksyon ni Caitlin at napailing. "Si Bea na naman?"

"Anong sinasabe mo dyan?" taas ng kilay ni Caitlin "Hindi siya noh, wala kaya."

"Asus nagseselos ka kay Jho noh?"

"What? Hindi noh!"

"Caitlin don't try to deny it dahil napaka obvious mo." Tawa ni Reg at napayuko naman si Caitlin

"Really?"

"Yes pero Cait naman I know parang magkapatid lang yang dalawang yan. Besides si Bea na nagsabi diba? Bestfriend lang niya si Jho, if may feelings sya before for Jhoanna pinursue nya dapat yun."

"Ugh I don't know Reg – minsan si Bea kasi eh." tumingin si Caitlin kay Regine "Pag ako kasama niya hindi siya ganyan. I mean bihira nga lang lumabas kami na kaming dalawa lang lage kayong andyan or sina Deanna ni hindi ko nga masolo yan eh – pero hindi naman sa ayaw ko na kasama kayo oh ano – minsan lang talaga sana pag kaming dalawa lang eh ano proud or happy siya? Alam mo yun Reg?"

caitbea one-shotsWhere stories live. Discover now