"Mayabang, mapag mataas at hari kung umasta, akala mo kung sino, kung hindi sa pera at kompanya nya hindi sya aangat ng ganyan!.....
Kung hindi lang sa boss namin, baka patay na ng maaga yang boyfriend mo..... ano? Gawain ba ng tinong tao yan? Sabihin mo zen"
Inalog nya ako. "Nag kakagusto ka sa taong mamamatay tao?".





Napahinto ako.




Nung makilala ko si nicholas... Oo, mayabang syang tingnan, mukhang hari umasta at sobrang taas kung mangarap.







Mapanakit, kahit babae sinasaktan, mahilig mag mura, hindi ata mabubuhay sa isang araw yun nang hindi nagmumura.






Nasanay ako, sa pag papahirap nya, pero nung nag tagal, sya ang unang gumawa ng paraan para maging close kami, masungit man, nararamdam kong nagawa sya ng paraan.





Mamamatay tao?,.... Anong pake ko?. Kampon man sya ng kadiliman...kaya nyang mag bago, ramdam ko yun, ayaw nya yun, ramdan ko din yun.






Hindi nya ginusto ang lahat ng to, nararamdam ko yun, kahit nasa tabi nya ako nung mga araw na nahihirapan sya, nung mga araw na wala syang makausap sa lahat ng problema, kahit ako, nandyan sya sa tabi ko kapag kailangan ko ng kasama at kausap, sandalan kapag umiiyak ako, kayakap kapag kailangan ko ng ginhawa, halik na hindi ko maranasan kahit sino man.







Bakit ganto?, Napaka sama ng mundo para sa aming dalawa.







May araw at gabi din na darating na wala kaming problema. Araw at gabi na hindi namin iisipin ang ibang tao.




"I love you zen, i truly love you"






Tumulo ang mga luha ko sa naalala,
Ito na yun, may dahilan na ako para lumaban, para iligtas sya. Ginawa nya ang lahat para sakin, gagawin ko din ang lahat para sa kanya.







"G-gusto...." humikbi ako ng humikbi dahilan para matigilan sila. "g-gusto ko s-syang..." Hindi ko maituloy ang sinasabi ko, "Makita.... please, S-si nicholas... Ok lang b-ba sya?"






Hinawakan ko ang magkabilang braso ni Xavier, Nag mamakaawa kung ayos lang ba sya. Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko, Malakas akong umiiyak at nag mamakaawa sa kanila, Gusto ko ng umuwi, gusto ko na silang makita.






Napahiwalay ako kay Xavier ng tumayo ito, Walang emosyon tumingin sya sakin bago tumalikod at nag lakad papalapit kina sky na nakatingin sakin.






"Huwag nyong hayaan makalabas yan, Kailangan pang makita ni boss ang babaeng yan" huling sabi nya bago tuluyang lumabas.







Mabilis na lumapit naman sakin sina loki at zero at inalalayan akong makatayo, nanghihina ako sa pagod, Namumula na din ang mata ko,gusto ko na muna matulog.






"Miss, Ok ka lang?..." nag aalalang tanong ni loki bago ako niyakap at tinapik tapik ang likod ko. "Shh, wala na sila, Huwag kana matakot miss"








Unti unti akong tumahan, may inutos si loki kay zero pero hindi kona napansin yun, Napatuon nalang ako ng ulo sa dibdib ni loki dahil sa pang hihina, at ang tangi ko nalang naalala ay nawalan ako ng malay.





*********





Alas otso ng gabi ng magising ako, Dinalhan ako nina zero ng madaming pagkain at mga damit pang babae, Meron din silang first aid kit para sakin, Nasabi nilang sa lapag nalang daw sila tutulog o kaya sa labas ng pinto para bantayan ako.







Queen of Section A |✓ (Part two: The battle) Where stories live. Discover now