Regalo

17 13 0
                                    

“Callie, pumili ka nga ng isa.” tanong ng lalaki sa harap ko, hawak ang dalawang bistida sa magkabila niyang kamay.

Napanguso ako. Ito talaga. Kahit kailan. Sinabi ko ng hindi ako naghahangad ng kahit ano sa pasko eh.

Mahina akong natawa at tinuro ang bistidang nasa kaliwang kamay. Simple lang kasi ito, at ang kulay nito ay berde, ang paborito kong kulay.

“Magugustuhan mo ba ito?” nakangiti niyang ani. hindi ko pinahalatang nabigla ako at tumango nalang saka tumalikod at kunwaring naghahanap ng mga damit.

Kahit ano namang ibigay mo, magugustuhan ko.

Pasimple kong tinignan si Ian. Kababata ko siya. Simula ata pagkapanganak ay magkasama na kami haha.

Nakakunot parin ang noo niya habang nililipat-lipat ang tingin sa hawak.

“Kahit alin diyan ang piliin mo, magugustuhan yan ng babaeng reregaluhan mo.” tumingin siya sa akin.

“Sa pasko hindi naman yung regalo ang mahalaga, kung hindi ang thought mismo. Ang effort na binigay mo. Maniwala ka magugustuhan niya yan.” Magugustuhan ko yan.

I blushed when I saw him smile, kaya tumalikod muli ako. That smile. Why does he have to smile like that? Hindi ba niya alam na sobrang delikado ng ngiti niyang yan? Kayang magpahulog sa taong nginingitian.

Nagtungo siya sa Cashier saka binayaran ang damit.

“Cge bilhin ko na.”

Paglapit ay muli niya akong tinanong, “Sigurado kabang magandang panregalo to?”

"Oo naman, hibang nalang siguro ang hindi magugustuhan ang mga regalong ikaw mismo ng nagbigay," nakangiting saad ako habang nakatitig sa kanya.

Awtomatikong pumihit sa ibang direksyon ang ulo ko ng mahuli niya akong nakatitig sa kaniya.

"Callie?" tawag niya sa pangalan ko. Malamyos ang kanyang tinig bagaman mararamdaman mo ang pagaalinlangan. Nagtaka ako kaya tinignan ko siya sa mata. Hindi naman kasi siya ganyan, hindi siya nagaalinlangan kapag kasama ako.

"Ano yun?" huminga siya ng malalim at iniwas ang mga mata sa akin.

"Umamin ka sa akin," saad niya. Aligaga akong napatingin sa kanya. Ramdam ko ang mga kabayo sa puso ko. Ano to? Alam na ba niya na gusto ko siya? Ngayon na ba niya aamining gusto niya rin ako? Teka- hindi ako prepared. Ano kayang itsura ko?

Pasimple kong tinignan ang sarili sa salamin sa kanyang likod. Okay naman ang itsura ko. Pwede na.

"Gusto mo ba ako?"

Aligaga akong nag angat ng tingin at natulala.

“A-ano..” hindi ako makatingin sa kanya.

"Hindi naman diba?" Tumingin ako sa kanya. Nakangiti ito pero kita kong pilit. B-bakit?

“Ah hahahaha, O-oo. Hindi kita gusto no. Yuck.” dahil mahal kita.

Nakita ko siyang ngumiti, na para bang natanggal na sa kanya ang kutong hindi mahanap-hanap.

"Ang sabi kasi ng kuya mo gusto mo raw ako. Haha Impossible naman yun diba?" Tumawa nalang ako, saka hinampas siya.

“Kadiri uy.” Umakto pa akong nasusuka.

"Salamat naman." inakbayan niya ako. Inangat ko ang ulo sa kanya at siya naman ay binaba ang ulo para matinganan ako.

Ginulo niya ang buhok ko, “Balak ko kasing ligawan ang ate mo eh.”

Nagugulat ko siyang tinitigan. Dinurog ang puso ko matapos na marinig iyon.

“Para sa kanya ba yung bistida?”

“Ah ito?” tinaas niya ang regalo, “Oo, naisip ko kasi halos magkapareho kayo ng taste ng ate mo kaya ikaw nalang sinama ko sa mall.

Para akong pinatay ng sabihin niya yun.

Napaka tanga ko talaga. Malamang hindi para sa akin yung regalo. Eh ako yung sinamang bumili eh.

“Suportahan mo ‘ko ah?” nakangiti niyang ani.

"A-ah, oo naman." saad ko habang ngumingiti, pinipilit itago ang sakit.

°end°

Whispers || One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon