Thy Love

73 57 21
                                    

"Please, Khai! Ano bang maaari kong gawin para magustuhan mo ako?!" sarkastiko akong ngumiti bago tignan ang babaeng kanina pa ako kinukulit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Please, Khai! Ano bang maaari kong gawin para magustuhan mo ako?!" sarkastiko akong ngumiti bago tignan ang babaeng kanina pa ako kinukulit.

"Subukan mong magpkamatay. Baka sakali." sabi ko habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya.

Nakita ko siyang matigilan kaya napangiti ako. Ang ingay-ingay niya, edi tumahimik din. Agad kong dinukdok ang ulo ko sa lamesa. Wala pa naman ang prof.

Tatlong araw ang nakalipas at walang kyla ang nangulit sa buhay ko. Sa pagkakataong to, napagtanto ko ang halaga niya sa buhay ko.

---

"Kyla!" napatingin ako kay Kyla na naglalakad sa hallway dala-dala ang kanyang mga libro. Para siyang namumutla.

Tipid siyang ngumiti, "Khai."

"Kumusta ka na?"

"Ayos lang." nakangiting wika niya.

"Kyla, sandali!" ani ko at hinawakan ag palapulsuhan niya bago pa siya makaalis.

"Pasensya na sa nasabi ko noong nakaraan. "

"Naiintindihan ko."

Sasagot na sana ako ng makarinig ako ng kumpulan at sigawan ng mga studyante. Iniwan ko siya roon ng hindi nagsasalita at pilit na nagsumiksik sa kumpulan...Na sana pala'y hindi ko na ginawa.

Kilabot ang naramdaman ko sa buo kong katawan at lumakas ng lumakas ang tibok ng puso ko nang makita ang walang-buhay na katawan ni Kyla.

Napako ang tingin ko sa puno. Isang makapal na lubid ang nakagapos nang mahigpit sa leeg niya. Ang kaniyang ulo ay halos himiwalay na sa kanyang katawan dahil sa higpit na pagkakagapos. Nagsimula nang manayo ang aking balahibo at manlamig ang katawan ng makitang mahinang dinuduyan ng hangin ang katawan ni Kyla.

Agad akong napalingon sa pinanggalingan ko kanina pero naglaho na ang Kylang kausap ko. Isang malamig na hangin ang naramdaman kong muli bago narinig ang pamilyar na tinig.

"Magugustuhan mo na ba ako ngayon, Khai?"

"Magugustuhan mo na ba ako ngayon, Khai?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Whispers || One-Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon