Chapter 12: Hilaga (3)

Start from the beginning
                                    

Ngunit kaagad siyang natigilan nang maramdaman niya ang tila masamang titig na nanggagaling sa kaniyang tabi. At doon nakita niya ang nanlalaking mata ng enuko na tila binabalaan siyang huwag gagawa ng kung ano-ano.

Nginisian niya ito at tinapik ang balikat nito. "Huwag kang mag-alala, 'di naman ako gagawa ng katarantaduhan."

Masamang tingin lamang ang sinagot sa kaniya ng enuko. Wala itong tiwala sa mga pinagsasabi niya.

Umatras ng isang hakbang si Sarina nang bumukas ang pinto. Kaagad siyang napatakip sa kaniyang bibig sa kaisipang makikita na niya ito.

Ngunit bago paman tuluyang bumukas ang pinto ay kaagad na itong tinakpan ng malaking payong sabay tinapunan siya ng malupet na boombastic side eye ng enuko na ngayon ay pinapagpagan na ang suot na black cape ng hari habang nakatingin parin sa kaniya ng nagbabantang tingin.

Kaagad na napapalatak si Sarina. Iyon na e. Iyon na, makikita na sana niya. Ngunit kaagad rin siyang napangisi at nagmamadaling lumapit sa kanilang pwesto. May naisip na siyang paraan!

Mabilis ang kaniyang lakad at bago paman siya tuluyang makalapit sa hari ay kaagad siyang nadapa at pahigang lumanding sa lupa habang ang kaniyang ulo ay sinakto niyang matatapat sa harap ng paa ng hari. Muntik pa siyang maapakan ng hari sa mukha ngunit kaagad na natigil ang paa nito at ibinaba sa lupa kaya napapikit ng mariin si Sarina na kunwari ay nasasaktan.

Wala na siyang pake kung mapahiya man siya, ang mahalaga ay maibsan ang kaniyang kyuryusidad at mabawasan ng kaunti. Ang gusto niya lang ay malaman kung sino ang mas guwapo sa kanila ng hari.

"A-Aray..." Daing niya kunwari.

Pagdilat niya ng kaniyang mga mata ay kaagad siyang napasigaw sa gulat. Bumungad sa kaniya ang mukha ng enuko. Nanlalaki ang mga mata at nakataas ang kilay. Limang inches ang layo nito sa kaniyang mukha habang pinandidilatan siya ng mata.

Natatakpan nito ang view niya sa mukha ng hari kaya hindi niya ito tuluyang nakita. Kaagad siyang napatayo at pinagpagan ang kaniyang sarili. "Panira," bulong niya sa enuko na kaagad siyang sinamaan ng tingin.

Napasimangot na lamang siya nang magsimula na ang mga ito na maglakad palapit sa entrance ng palasyo. Nakaramdam siya ng tapik sa kaniyang magkabilang balikat. Pagtingin niya roon ay bumungad sa kaniya ang kaniyang bantay na may mapaglarong ngisi sa labi at kaagad na humabol sa mga kasama at sa kaliwa ay ang kaniyang kutsero na umiiling na bumalik sa kabayo. Maiiwan ang mga kutsero sa labas upang bantayan ang kanilang kabayo.

Napailing na lamang siya at napabuga ng hangin saka naglakad palapit rin sa mga kasama na ngayon ay maayos na nakahilera sa likuran ng hari. Dalawang linya ito habang ang enuko ay nasa likuran ng hari habang nakahawak sa malaking payong.

Napakrus na lamang ang kaniyang braso at pinagmasdan ang pangyayari na tila wala siyang ginawang kahihiyan kanina lang. Sinakripisyo na nga niya ang dignidad niya pero hindi parin gumana. Muntik na e.

Nakatayo lamang siya sa pinakalikod at sa pinakagilid habang pinagmamasdan kung paano ngumiti ang hari at reyna ng hilaga sa kasama niyang hari. Taimtim na naghihintay sa paglapit ng hari.

Ngunit nang akmang tatalikod na si Sarina ay kaagad ulit siyang napapihit paharap. Hindi niya inaasahang lalabas sa payong ang hari! Nagsimula na itong tahakin ang ilang hakbang na hagdan patungo sa pinto ng palasyo kung saan naroon naghihintay ang hari at reyna ng Hilaga.

Doon nakita ng mas maayos ni Sarina ang hari. Napawow siya nang makita ang nagsusumigaw nitong tangkad na kung tatantsahin niya ay parang nasa 6'0 or 6'1 ft. Ngunit hindi niya makita ng maayos ang outfit nito dahil sa suot nitong black hooded cape na umabot hanggang sa kaniyang talampakan.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now