Chapter 17: Ghosted

Start from the beginning
                                    

**********

Kinaumagahan ay ganoon parin ang nangyari. Nagtungo sila Sarina sa ilog. Nagluto ng agahan si Sarina para sa hari at para sa dating reyna. Ganoon lang ang nangyari. Walang pinagbago.

Kinagabihan ay kaagad siyang nagtungo sa bahay-aliwan para hintayin si Alas at maliwanagan. Mag-isa lang siya dahil naroroon pa ang triplets sa kanilang Lola Mara.

Hindi siya sigurado kung sisipot nga ba si Alas. Pero umaasa siya dahil marami talaga siyang katanungan ngayon. Gusto na niyang maliwanagan.

Naglakad siya palapit sa gilid ng kalsada at naupo saka taimtim na naghintay habang nakatitig lamang sa mga taong labas-masok sa bahay-aliwan. Ngunit sumapit na lamang ang alas-dose ng gabi ay walang Alas na sumipot sa bahay-aliwan. 

Ilang oras naghintay roon si Sarina ngunit hindi ito nagpakita.

Naiinis na napapadyak sa lupa si Sarina at nakasimangot na tumayo. Naiinis siya sa hindi nito pagsipot. Mabigat ang loob na napabuga siya ng hangin at bumalik na lamang sa palasyo para matulog. May ibang gabi pa. Baka sa susunod ay sumipot na ito sa kanilang palaging tagpuan.

**********

Sa ikalawang gabi ay maaga muling nagtungo sa bahay-aliwan si Sarina para hintayin si Alas. Nakaupo muli siya sa gilid ng kalsada habang pinagmamasdan ang mga taong labas-masok sa bahay-aliwan.

Ngunit kagaya noong isang gabi ay sumapit na lamang ang alas-dose ay hindi niya parin ito nakikita. Hindi ito sumipot. Napakuyom ang kamao ni Sarina saka siya tumayo.

Pangalawang gabi na. Pangalawang gabi ng hindi siya sinipot ni Alas.

Pinakalma niya ang kaniyang sarili saka siya napabuga ng hangin.

"Okay lang 'yan, Sarina. May ibang gabi pa." Pagpapakalma niya sa kaniyang sarili.

Ramdam niya ang kumukulo niyang dugo. Gusto niyang manakit. Napailing nalang siya at pinigilan ang kaniyang sarili na mapasuntok sa dingding. Kumukulo ang dugong bumalik na lamang siya sa kusina para matulog.

**********

Sa ika-tatlong gabi ay nagtungo muli si Sarina sa bahay-aliwan para hintayin si Alas. Kalmado na siya at ang gusto nalang niya ngayon ay makita si Alas upang maliwanagan na. Gusto na niyang maliwanagan.

Nakaupo siya ngayon sa lupa habang tulala sa kalsada. Ilang oras na siya rito kagaya noong mga nakaraang gabi. Napapatingin na rin sa kaniya ang mga taong napapadaaan at mga taong labas-masok sa bahay-aliwan dahil gabi-gabi nalang siyang nakikita ng mga itong nakaupo sa gilid nang kalsada.

Ngunit kagaya noong nakaraaang dalawang gabi ay sumapit na lamang ang alas-dose ay hindi parin sumipot si Alas o nagpakita manlang kahit anino nito.

Naiinis na tumayo si Sarina at pinagpagan ang kaniyang puwet.

Napabuntong-hininga siya kahit na gusto na niyang sumabog sa inis. Napakrus ang kaniyang mga braso. Pangtatlo na ito pero hindi manlang nagpakita si Alas. Ni hindi niya nakita ang anino nito sa mga taong naglalakad sa kalsada.

"Iniiwasan mo ba ako, Alas?" Naiinis niyang bulong sa hangin.

Iniiwasan nga ba siya nito? Pero bakit naman? O sadiyang wala lang talaga itong oras na magtungo rito at siputin siya? O baka naman kinalimutan na nitong may kaibigan pala siyang palaging tumatambay sa bahay-aliwan?

Napailing si Sarina. Kahit alin sa mga tanong niya ay hindi masasagot. Si Alas lang ang makakasagot ng mga ito pero hindi naman sumipot. Kagaya noong nakaraang gabi. Mabigat ang pakiramdam na umuwi na lamang siya sa kusina.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now