Chapter 15: Sugalan

Start from the beginning
                                    

"Kilala mo naman na ata itong mga pinsan ko 'di ba?" Saad ni Sarina.

Ngumiti si Alas at tumango sa kaniyang sinabi. "Siyang tunay, Pogi."

"Hindu muna ako magkekwento sa'yo ngayon. Ang gagawin natin ay magpapakasaya," nakangising saad ni Sarina sabay akbay kay Alas at kindat rito.

"S-Saan naman?" Kinakabahang tanong ni Alas. Lalo pa siyang natakot nang makita ang nakakakilabot na ngisi ni Pogi habang nakatingin sa kaniya.

Kaya niya lang naman ito hinintay ay dahil nais niyang magpakwento rito. Ngunit ngayon ay nagdadalawang isip na siya kung tama ba ang ginawa niyang paghihintay sa maliit na ginoong ito.

Napatangisi nalang si Sarina at sinuri ang mga mukha ng kaniyang kasama. Ngunit kaagad ring bumagsak ang balikat niya at napabuga ng hangin. Napagtanto niyang hindi pala sila maaaring tumuloy sa bahay-aliwan dahil kasama nila si Alas na kilalang ilag sa mga babae.

"Huwag nalang tayo sa bahay-aliwan. Nandito kasi si cutie patotie Alas. Ayaw niya sa mga lugar na ganoon, kaya 'di ko maintindihan kung bakit dito ko siya palaging nakikita," nagsususpetyang saad ni Sarina at tinignan si Alas.

Kaagad na napanguso si Alas nang titigan siya bigla ni Sarina. "Trabaho lamang kaya ako pumapasok roon, Pogi," paliwanag nito.

Natawa nalang si Sarina at napatango sabay gulo sa buhok ni Alas. Ngunit kaagad siyang natigilan nang may mapansin nanamang uling sa gwapong mukha ni Alas. Napailing siya at napapalatak ng kaniyang dila. Inilabas niya ang kaniyang panyo at pinunasan ang pisngi ni Alas upang maalis ang bahid ng uling roon. Sa hula ni Sarina ay naghakot nanaman ito ng mga sako ng uling bago nagtungo rito.

Natigilan naman si Alas sa ginawa ng ginoo. Napaawang ang kaniyang labi. Hindi niya inaasahan ang ginagawa nito ngayon. Napatitig siya sa mukha ng ginoo sa kaniyang harapan. B-Bakit ito ginagawa ng ginoo sa kaniya?

Habang nakatitig sa ginoo ay ramdam niya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Dumagdag pa sa kaniyang nararamdaman ang unti-unting pag-init ng kaniyang pisngi.

Napaiwas ng tingin si Alas at napakunot ang noo habang sapo-sapo ang kaniyang dibdib. Ngunit kalaunan ay pasimpleng napatitig muli sa mukha ng ginoo na hanggang balikat niya lamang na ngayon ay pinupunasan ang kaniyang mukha.

Nang magtama ang kanilang mga mata ay kaagad na nanlaki ang mga mata ni Alas at mabilis na napaiwas ng tingin. Ang mabilis na tibok ng kaniyang puso ay mas lalo pang bumilis na akala mo ay balak na nitong lumabas mula sa kaniyang dibdib. Ang pag-init ng kaniyang mukha ay mas lalo pang tumindi.

Hindi niya maintindihan kung bakit tumitibok ng ganito kabilis ang kaniyang puso. Bakit? Ngayon niya lang ito naramdaman ulit.

Huli niyang naramdaman ang ganitong pakiramdam nang hawakan siya ng isang napakagandang binibini noong nandoon siya kasama ang kaniyang pinsan sa tindahan ng papel at pluma. Ngunit hindi na niya maalala pa ang mukha nito. Malabo. Ngunit naaalala niyang nawalan siya ng malay-tao noon nang makita ang magandang mukha nito.

Nagtaka naman si Sarina sa naging reaksyon ni Alas nang sila ay magkatitigan. May muta ba siya kaya ito napaiwas ng tingin? Dahil sa kaisipang iyon ay pasimple niya tuloy na pinunasan ang kaniyang mata. Ngunit wala naman siyang nakuhang dumi roon.

"Ehem!" 

Natauhan lamang si Alas mula sa malalim na pag-iisip nang marinig ang tikhim na iyon galing sa kanilang tabi.

Naitigilan rin si Sarina at napalingon sa taong tumikhim. Natawa siya nang makita ang masamang tingin ni Diego at Miguel sa kanila ngayon. Si Cielo naman ay napailing na lamang.

The Royal ChefWhere stories live. Discover now