Chapter 7

1K 17 3
                                    

"Tagal mo, par. Ano'ng klaseng linis ba ginawa mo ro'n?" bungad ni Mike hustong makapasok si Eros sa auto shop.

Inilipag ng binata ang helmet sa bakanteng mesa at saka sumalampak sa couch. "Oo nga, e. Pasensya na natagalan ako. Ano, medyo marami kasi 'yung nilinis ko kaya ngayon lang ako nakabalik.

"Sobrang dumi ba ng pool?"

"Oo."

Ngumisi si Mike. "Sure 'yan? Baka naman may iba ka pang nilinis bukod sa pool?"

"Gago. Dumi talaga ng utak mo."

"Nagtatanong lang, par, " depensa ni Mike. "Malay ko ba kung umiskor ka pa kay Mirtel."

"Awat ka na sa kakatanong. Anyway, marami bang kliyente habang wala ako?"

"Sakto lang," kibit-balikat na sagot ni Mike tapos idinugtong ang, "pero may apat pang naka-line up for repair."

Pumikit si Eros at saka bumuntong-hininga. Apat. Marurugado na naman ang katawang lupa niya sa maghapong pangungumpuni. Gayunman ramdam pa rin niya ang pinagsamang pagod at saya dahil sa ginawa nila ni Cleo. Hindi niya napigilang mapangiti habang inaalala ang nangyari kanina. Unplanned moments were the best, he thought. He was still in his euphoric zenith when reality promptly smacked him. What was he doing? Fuck. Enough of daydreaming. You gotta work, dude! Kastigo ng maliit na boses sa kanyang isipan.

Eros let out a frazzled breath before massaging the inner corners of his eyes. As much as he wanted to rest, he couldn't. Bills were waving by the end of the month, so he had to work his socks off. Bukod pa ro'n ay kailangan na rin niyang bumili ng gamot para kay Ayen. He had to visit his little girl this week or else magtatampo ang bata sa kanya. Patung-patong na ang kanyang mga isipin pero hayun at nakuha pa niyang makipag-torjakan sa kanyang Ninang. Aburido niyang ikinuskos ang mga palad sa mukha at saka marahas na bumuga ulit ng hangin. Ilang saglit siyang nanatili sa ganoong posisyon bago muling iminulat ang mga mata at tumingin sa kisame.

"Ayos ka lang?" tanong ni Mike. He was beneath the car but was staring at him with a concerned look.

"All good," mabilis na sagot ni Eros at saka tumayo. "Teka, nasa'n ba si Vince?"

Nasa ilalim pa rin ng sasakyan si Mike nang sumagot ito. "Absent na naman ang tinamaan ng magaling."

Kumunot ang noo ni Eros. "Bakit daw?"

"Nanganak 'yong pusa n'ya. Ewan ko sa gagong 'yon, seryoso sa pagiging tatay sa mga alaga niya."

"N'ung isang linggo 'yung aso n'ya may sakit tapos ngayon nanganak naman 'tong pusa niya." Eros frantically shook his head. "Puro rason. Tinatamad lang yata magtrabaho 'yon."

"'Wag ka na'ng mainis. Kukunin naman daw tayong ninong ng mga kuting niya."

"Tangina, 'di ko bibigyan ng pamasko mga anak niya, " natatawang komento ni Eros.

"One month na lang X'mas na. Baka naman, Ninong."

"Gusto mo ikaw na lang maging instant ninong ng mga muning."

"Sus, palibhasa ibang muning ang gustong alagaan."

"Gago." Naiiling at natatawang balik ni Eros.

Fine. He had nothing against pets as long as it would not affect their job. However, it was clear that Vince was not serious about it. He took a mental note to talk to the guy once duty was over. Mayamaya ay binuksan ng binata ang mini ref na naroroon bago kumuha ng bottled water. He felt dehydrated from his hot encounter with Cleo. He could almost taste her in his mouth and could smell her intoxicating scent against his skin. Naramdaman niya tuloy ang paninigas sa pagitan ng kanyang mga hita. Damn. Pagkalipas ng ilang sandali ay dumausdos pababa ang kanyang kaibigan at tuluyang umalis sa ilalim ng kinukumpuning sasakyan. Nag-indian sit ito sa matt at saka tumikhim.

Dirty NinangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon