Chapter 4

1.4K 19 11
                                    


"Nakita ko si Sky galing sa bahay mo kagabi," bulong ni Mike. "Ano, ayos ba? Nakailang rounds kayo?"

"Gago. Nagbigay lang ng ulam," mabilis na sagot ni Eros, hindi nakatingin sa kausap. Ang atensyon ay nasa kinukumpuning sasakyan. "Palagi naman gano'n 'yon."

Ngumisi si Mike, halatang nang-aasar. "Sana all palaging may ayuda. Napakaswerte mo talaga, par. Pa'no ba kasi maging tulad mo?"

Eros snorted with a short laugh. "Ikaw nga 'tong swerte sa asawa mo. Sadyang siraulo ka lang."

"Sus, ang bait ko kaya. Isa pa, hindi ko naman talaga mahal 'yon." Nakasimangot na sabi ni Mike at saka inalis ang guwantes. Pagkatapos ay binuksan nito ang metal locker sa bandang kaliwa at saka kinuha ang malinis na bimpo roon bago pinunasan ang mukha.

"Sabagay tama ka. Mabait ka naman talaga, par, lalo na kapag tulog."

"Raulo. Pasmado talaga 'yang bibig mo." Ibinato ni Mike ang bimpo kay Eros na agad naman nasalo ng binata.

Four years ago, Mike underwent surgery and flirted with knives. Naging ganap ang kaligayahan nito nang maging legit ang pinapangarap nitong katauhan. At ngayon nga ay isa na itong transman na ubod ng babaero. Katunayan ay ilang beses na itong pinagsabihan ni Eros na 'wag nang dumiga sa ibang babae dahil may Juliet na sa buhay nito. Unfortunately, Mike didn't listen. After duty ay nag-iinom pa ang huli sa kung saan-saang bar at naghahanap ng mga possible prospect. Hindi 'to magkamayaw sa pangangalantari ng kung sino-sinong p'wedeng maging kaulayaw sa magdamag. Kaliwa't-kanan din ang mga ka-chat nito sa dating apps bukod pa sa mga babaeng nilalandi nito sa dorm na pag-aari ni Mommy Port.

"Pero, seryosong tanong," usisa ulit ni Mike at idinagdag ang, "hindi ka ba talaga interesado kay Sky?"

"Hindi." Patag na sagot ni Eros kasabay ng pag-iling. "Alam mo naman na mas gusto ko 'yung mas ahead ang edad kaysa sa akin. Mature and independent woman."

"Mature, my ass." Mike sneered, toying the box-end wrench in his hand. "Wala kang maloloko dito. You know, I have this feeling na front mo lang 'yan." Duda ito lalo na't si Eros ang tipo ng tao 'di nagsasayang ng grasya.

Eros slowly shook his head again. "Ewan ko sa'yo. Bahala ka nang isipin kung ano ang gusto mong isipin." Malalim ang mga kunot sa noo ng binata habang abala pa rin sa sasakyan.

Tumawa si Mike at nagpatuloy. "Sabi ko sa'yo, laman tiyan din 'yon si Sky. Pagbigyan mo na kahit one time lang."

"Tama ka na, par. Mag-trabaho na lang tayo kaysa pag-usapan 'yung bata."

"Hindi na bata 'yon. Malapit na birthday no'n 'di ba? Baka sakaling ma-hit mo na ang home run." Natatawang komento pa ni Mike.

"Oo. Nabanggit niya nga sa akin ang tungkol do'n."

"Cool. E 'di sureball na invited ka?"

"Don't know. Wala naman akong hilig sa mga party-party na 'yan. Isa pa, wala rin naman akong isusuot."

"Damit lang pala, e. P'wede kitang samahan mag-shopping. Mid-year sale d'yan sa malapit na mall. Ano, punta tayo sa Sabado?"

"Hindi na. Magpapahinga na lang ako."

Bumuntong-hininga si Eros at saka ibinaba ang hood ng kotse. He was done with an overhaul repair. He was a bit of a perfectionist when the car's safety was concerned. And yes, he took his job seriously and had no time dealing with a customer's rant. To him, a good service provider had to be aware of the client's feedback or else the business would fall into pieces. Hindi siya ipokrito at aminadong pera ang isa sa mga dahilan kung bakit siya humihinga kaya gano'n na lamang ang pagpapahalaga niya sa kanyang maliit na negosyo. Ilang saglit pa ay umikot si Eros sa kabilang panig ng sasakyan at sinuri ang side mirror. Siniguro niyang nakakabit iyon ng maayos dahil ilang beses nang nanakawan ng gano'n ang may-ari ng mamahaling auto.

Dirty NinangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon