Chapter 9

12 1 0
                                    

Chapter 9
- PRESENT -





"I'm sorry papa. I'm really sorry" lumuhod ako sa harap niya na ikinapagtaka niya. Hindi siya umimik sakin pero kita kong nasasaktan siya na makita akong umiiyak ng walang tigil sa harap niya. Deserve ko to.





"Bakit ka naman nag sorry iha, at sino ka ba? Bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Kaibigan ks bs ng anak ko? Sino ka ba iha?" Tanong niya pa at hinawakan ang magkabila kong pisnge. Iyak lang ako ng iyak lalo na ng bigla niya akong tinulak kaya napaupo ako sa sahig.




Inalalayan naman ako para makatayo ni Geo habang nakaharang na kay papa ang nurse niya at pilit pinapakalma. Nagwawala ito habang umiiyak. Sigaw siya ng sigaw habang nakahawak sa ulo. Nasasaktan naman ako sa nakikita. Dinala naman ako sa may gilid ng asawa ko kasi pumasok na ang isang doctor at isa pang nurse. Iyak lang ako ng iyak.







"Hush now hon. Magiging okay din ang papa mo magtiwala ka lang" pagpapatahan ng asawa ko kaya yinakap ko nalang siya para hindi na makita pa amg nangyayari kay papa. Ako ang nasasaktan.






"Ano ba bitawan niyo ako! Ang anak ko sabi! Hinihintay na niya ako! Anak!! Lady anak!!! Bitiwan niyo ako!" Sigaw niya ng paulit ulit. Unti-unti naman siyang kumalma kasi humina na ang boses niya kaya kumawala naman ako sa yakap ni Geo at lumingon kay papa.





Dahan-dahang lumayo ang mga nurse at doctor dito na siya naman ay nakahiga na nanghihina. Inaantok siya sa mukha niya at alam kong tinurukan siya ng pampatulog. Bago pa siya mapapikit ay lumingon pa siya sa side ko at ngumiti ng maliit at agad napapikit. Napaiyak pa ako lalo kaso ramdam kong nakilala niya ako. Nakita niya ako!






" nakita mo yun hon? Nakilala ako ng papa ko. Papa andito na ang prinsesa mo papa please magpagaling kana" lumapit naman ako sa kanya at hinalikan habang nakapikit ang kanyang kamay. May humahaplos sa buhok ko pero pinabayaan ko na yun.







Nasasaktan ako. Ayokong makita ang papa ko na nagkakaganito. At hindi ko matanggap na tatlong taon na siyang nagkakaganito. Worst is kakagaling niya pa sa bilanggoan. Dalawang lugar ang napuntahan niya na dapat ay hindi niya mapupuntahan kong hindi ko siya iniwan at tinalikuran. Hindi sapat ang paghingi ko ng sorry sa kanya. Isa akong walang kwentang anak. Wala.








"Papa I'm sorry. Wag kayong mag-alala kasi simula ngayon ay hindi na kita iiwan pa. Ako na ang mag-aalaga sa inyo. Mahal na mahal kita papa. Mahal na mahal ka ng munti mong prinsesa " sa wakas, nasabi ko na ulit ang salita na alam kong matagal na niyang hinihintay na marinig. At hindi ako magsasawang sabihin yun sa kanya pag nagising na siya.

______






"Hon, magpahinga kana ako na dito" tumango naman ako sa sinabi ng asawa ko na kakarating lang. Kakagaling niya lang sa eskwelahan at ako naman ay dalawang linggo ng andirito at inaalagaan si papa.






Pinayagan ako ng may-ari ng paaralan which is ang asawa ko na hindi muna ako papasok at gusto kong alagaan ang ama ko. At dalawang linggo na din na hindi niya ako nakikilala. Kwento lang siya ng kwento about sa akin at mabuti nalang ay hindi na siya nagwala pa. Katulong ko ang personal nurse niya kaya may nalaman nako ano ang dapat kong gawin sa pag-aalaga.






Sana sa hindi pa ang birthday ko ay okay na si papa. Yun ang wish ko na maging okay na siya. Nasabihan ko na din si mama na ina ni Geo na mukhang hindi ako dun mag b-birthday sa kanila kasi balak kong dito lang ako. Ayokong iwan ulit ang papa ko na kahit kailan ay hindi ako nagawang talikuran.






"Kain na hon, may dala akong pagkain" saad pa ng asawa ko tsaka linabas ang pagkain na dala niya. Tumayo naman ako sa kinakaupuan ko dito sa sofa. Binabantayan ko si papa na mahimbing na natutulog.





Kinuha ko ang hawak ng asawa ko tasaka siya hinalikan sa pisnge. Ngumiti naman siya kaya napangiti na din ako. Isa pa tong lalaking toh, kung nasaan ako andun din siya. Dito ako natutulog at ganun din siya. Umaalis lang sa siya sa umaga at babalik din pag hapon. Siya na din ang naglalaba ng mga damit namin.







"Matutunaw ako nyan hon" napatawa nalang ako sa biro niya tsaka yinakap na din siya na sinuklian niya din naman. Mahal na mahal ko talaga ang lalaking to. Subra.






"I love you hon. Subra, maraming salamat ahh--" , "you're always welcome hon. I love you My Lady Sofia" hinalikan niya naman ako sa labi na smack bago ako pinaupo para kumain.


_________





Tulog pa din si papa at ganun din si Geo. Kita mo tong lalaking to ang sabi ako ang magpapahinga eh siya naman ang nakatulog psh. Pero naalala ko kagabi na siya pala ang nagbantay kay papa habang ako ang nakatulog ng mahimbing. Kawawa naman ang asawa ko.






"Hmm" napalingon naman ako kay papa na umuungol. Magigising na ata.





"Papa? Gutom ka naba? Gusto mo paghsndasn kita?" Tanong ko dito at tinulungan siyang makaupo. Hindi siya umimik pero nakatitig lang siya sakin na tila may iniisip. Nginitian ko naman siya at kumuha ng pagkain na kakahanda ko lang. Alam ko kasing pag nagising siya ay humihinga agad ito ng makakain.






Spaghetti at tinapay ito. Dala ni Geo kanina pagkadating niya. Nilagay ko naman ang tubig sa side table bago umupo sa gilid ng kama niya. Kumuha naman ako ng spaghetti sa tinidor at isinubo sa kanya. Ngumama naman siya kaya napangiti naman ako. Sabi ko na nga eh gutom siya.







Pinalaman ko naman ang tinapay ng spaghetti which is paborito niya simula noon pa pagkabata. Tinapat ko naman ito sa bibig niya na ikinanganga niya din ulit. Ng malapit na niya itong matapos ay nakita ko bigla ang isang butil ng luha sa pisnge niya. Gulat naman akong napatingin sa mga mata niya at nakita kong lumuluha siya habang nakatingin sakin.






Kahit naluluha ay agad kong pinahidan ng panyo ang luha niya pero mas lumakas iyon. Kaya ramdam ko din na naiiyak na ako at tuloy tuloy ang agos ng luha ko.





"A-anak, Lady" mas lalo pa akong umiyak sa narinig. Pinahid niya din ang luha ko at hinaplos ang pisnge ko. Hinawakan ko naman ang kamay niya at napapikit. Miss ko na ang papa ko, miss ko na ang maaalahanin kong ama. Yung handang makipag sagutan sa mga estudyante na binubully ako na wala akong ina.






Yung papa ko na proud pa din sa akin kahit nakakuha ako ng 1/10 sa quiz ko nung high school. Yung papa ko na sinasabayan akong magbasa ng libro na gusto ko. Papa ko na hinahandaan ako pag birthday ko.







"Papa. I'm sorry. Miss na kita subra at mahal na mahal na mahal na Mahal kita papa. Tandaan mo yan kays magpagsling kana.  Andito na ang prinsesa mo, hinding hindi na kita iiwan ulit promise yan papa kong gwapo" mas bumuhos ang aming luha lalo na siya. Kita ko ang saya sa mukha niya sa mga sinabi ko. At hindi ko yun makakalimutan kasi yun ang totoo. Yinakap niya naman ako at ganun na din ako.






🥺💔

(A/P)
OMG kanina pa ako umiiyak habang nag t-type. Sakit na ng mata ko huhu. Epilogue napo ang kasunod nito.
Sana all may papa na ganun, nasulat ko ito kasi ganyang ama ang gusto ko na hindi ko man lang maranasan. Ahuhu may best papa na din ako sa wakas kahit sa story lang na ito.


Love lotsss cuties....


Xia_Lire_24 💓

Things I Never Said (A Short Story / COMPLETED)Where stories live. Discover now