Chapter 5

14 2 0
                                    

Chapter 5
- PRESENT -

Napatitig naman ako sa mukha ng asawa ko na mahimbing pa ang tulog. Nakaunan ako sa braso niya habang ang isang braso niya naman ay nakayakap sa bewang ko. Sa gigil ko sa kanya ay mas nihigpitan ko ang yakap sa bewang niya. Naalala ko pa noong mga panahon na ipinaglaban ko siya sa lahat ng tao. First love nga naman.

- 10 years ago -

"Lady naman eh, bata ka pa kaya pag nalaman ng papa mo na may crush ka na iwan ko nalang sayo" kanina pa tong kuda ng kuda si Fabian sakin habang andito kami ngayon nakaupo sa pinakahuling upuan ng simbahan.

Kanina pa din ako nakatitig sa isang sakristan habang nakangiti. Kinikilig kasi ako sa pagmumukha niya. With his nerdy eyeglasses eh hindi naman nababawasan ang angking kagwapuhan niya. Ayeee

"Alam mo Fab ang oa mo, crush lang naman eh---" , "hoi babae yan ba ang tawag sa crush lang? Eh kung maka effort ka sa mga flowers at libro na binibigay mo sa kanya wagas. And sa totoo lang ano, ang lalaki dapat nagbibigay ng mga regalo hindi babae, tandaan mo yan. At patay ka talaga sa papa mo pag nalaman niya na umabsent ka last Friday para lang masundan mo ang lalaking yan sa mall" napapailing pa siya habang nagsasalita. Mabuti nalang talaga malakas ang boses ng pari kaya hindi kami sinisita ng nasa harap namin.

"Hush ka nalang kasi, ang ingay mo uwian na oh" sita ko din sa kanya kaya napatingin naman siya sa harap at napatango tango. Babae to talaga.

____________

"Ano ba, uwi na tayo" wala na akong nagawa pa sa sinabi ni Fabian lalo na ng hinila na niya ako palabas. Kami nalang kasing dalawa dito sa loob ng simbahan at kanina pa lumabas ang lahat, pati na din ata si Geoffrey- yung lalaki na nerd na sinasabi ko.

"Ayh sorry" , "sorry po talaga" sabay naming paumanhin ng nakabanggaan ko . Sakit ng pwet ko sa pagkakaupo. Tinulungan naman ako niyo habang ako nakapikit pa. Narinig ko naman ang impit na hiyaw ng kasamahan ko. Aba napano tong babaeng to eh hindi pa ako tinulungan.

"Okay ka lang?" Napahinto naman ako at dinilat ang mata ng pamilyar sakin ang boses at hindi nga ako nagkakamali kasi wahhh!

"Ayh o-oo hehe okay lang, ikaw ba?" Napakagat nalang ako sa labi sa isinagot ko. Gagi ka talaga Lady.

"Ikaw" nagtataka ko naman siyang tinignan kahit nanginginig na ang kamay ko sa paraan ng pagtitig niya. Diyos ko lord.

"A-ako? Ayh bat anong meron sakin?" Lakas loob kong pahayag na, shit tumawa siya. Yumg tawa parang anghel yummy. Wahhhh umayos ka lady at kakalabas mo lang sa simbahan.

"Beautiful" pilit ko namang pinigilan ang mapangiti at tumango tango lang pero alam kong kasing pula na ng labi ko ang pisnge sa kilig wahhhhh.

"Ayh shit----ayh beshy halika na para ka ng bulati jan" piste talaga tong babae to. Oras ko nato ehh tas eepal.

"What's your name? I'm Geoffrey Gomez by the way" agad ko namang inabot ang kamay niya at impit na humiyaw. Gagi ang lambot ng kamay! Hindi ko naman agad binitawan ang kamay niya at ginawa ko pa talagang dalawang kamay ang paghawak dito.

"I'm Lady Sofia Enriquez pala hehe nice to finally meet you hehe" nahihiya kong pakilala pero sheyt kapal talaga mukha ko kasi pinipisil pisil ko pa kamay niya wahhh.


"Nice to meet you too My lady" para naman akong mahihimatay na lalo na ng itinaas niya ang kamay ko tsaka hinalikan. Nakatitig lang siya sakin habang may ngiti sa labi kaya alam kong ang epic na ng mukha ko! Bahala na!


"Ayh tama na yan aba baka nakakalimutan niyong may tao dito hoi" sita samin ni Fabian kaya napabusangot naman ako na ikinahinto ko rin kasi pinisil ni Geo ang pisnge ko. Enebe.


"Ehem" agad naman ang napalingon sa biglang tumikhim. Patay, si papa. Naka crossed arms at mapanuring nakatingin samin.

"Papa hehe, ano po ginagawa niyo dito?" Tanong ko bago lumapit sa kanya at yumakap sa balikat niya pero nakatitig parin siya kay Geo na ngumiti naman dito.

"Kayo po ang papa ni Lady?" Tanong niya pa sa katabi ko kaya kinabahan naman ako.

"Seryoso ka ba sa anak ko? Kung manliligaw ka man ay dapat dun sa bahay namin" gulat namana kong napaharap kay papa. Jusko po! Ang advance ni papa! Ako nga yung nanliligaw eh!


"Papa naman hindi siya nanliligaw sakin ano ba" sita ko dito na tumitig naman siya sakin na may pagtataka. Nasapo ko nalang ang noo ko sa frustration. Si papa naman ehh.

"Opo sir. Pupunta po ako sa bahay niyo mamaya din agad" mas nagulat naman ako sa biglang sinabi ni Geo at nakita ko pa si Fabian na parang bulate na nakahawak sa isang poste at parang linta na nabuhusan ng asin. Jusko parang sasabog na ang mukha ko. Naramdaman ko naman na inakbayan ako ni papa pero ako para parin akong natuod. Wahhh, dininig ata ng diyos ang hiling ko kanina.


"Sige maghihintay ako" nag fist bump pa silang dalawa bago ako hinila ni papa papunta sa kotse niya. Narinig ko pa na nagpaalam si Fabian doon at tumatakbong nakasunod samin. Hindi ako makapagsalita. At kung panaginip man ito ay sana hindi na ako magising---charing lang.

At bakit pangiti ngiti ang asawa ko habang nakatulala? Ano yan?" Napatingin naman ako sa asawa ko na gising na pala, bago ngumiti ng matamis.

"Wala, naalala ko lang yung sa simbahan tayo. Hanggang ngayon kasi gulat pa ako sa sinagot mo kay papa eh kaka kilala mo lang noon sa akin" sagot ko na ikinatawa niya. Hinampas ko naman ang dibdib niya pero mahina lang, at ang kumag mas tumawa pa.

"Eh kasi nga na love at first sight ako sayo noon sa simbahan, para ka ngang nag-iisa lang doon na nakatayo sa sa loob ng simbahan sa paningin ko. Muntik pa akong madapa sa kakatitig sayo habang nakikipag away sa katabi mo. At hindi na ako nagpaligoy ligoy pa ng makita kita ulit sa labas" paliwanag niya kaya kinilig naman ako. Eh? Enebe.

"Pumatol ka sakin na minor hahaha" tama yun, kasi kinse pa ako habang siya desi-otso na. Age doesn't matter talaga. Naniwala ako agad nun sa forever hahaha.


"Eh ang ganda mo, papakawalan pa ba kita? Mabuti nalang kilala ako ng papa mo kaya tanggap niya ako kaagad" pagmamalaki niya kaya napatawa naman ako.

"Tanggap nga pero naalala ko pa na halos maiyak ka ng pinaigib ka sa puso eh may gripo naman kami at ang mas nakakabilib sayo ay napuno mo ang dalawang drum gamit ang dalawang maliit na balde hahaha epic ng mukha mo noon" natatawa kong kantyaw kaya kiniliti niya naman ako na mas ikinatawa ko pa. Gaging tao talaga.


"Pero okay na yun at naipakita ko sa papa mo na seryoso ako. Ohh diba naging tayo at napangasawa pa, Forever na kaya to" nagyakapan pa kami nun bago tumunog ang alarm bago maligo. Papa, malapit na kitang makita muli.






🤭💓

Things I Never Said (A Short Story / COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora