Chapter 3

21 2 0
                                    

Chapter 3
- PRESENT -


"nga pala, kayo ba wala parin?" Mahinang tanong ni Fabian sakin na ikinatango ko ng mahina at napabuntong hininga. Kasi naman kahit alam ko ng hindi kami magkakaanak ng asawa ko ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa, malay natin diba.


"Okay lang yan. Ang importanti masaya kayong mag-asawa at anjan pa din ang spark sa pagmamahalan niyo oh pak bongga. Maging ninang at ninong nalamg kayo sa baby ko mas mabuti yun" nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Siya naman ay nag post pa habang nakaupo at may papikit pikit pa.


"Buntis ka? Really?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. At ang babae nakabuo agad ehh two months pa tong kasal. Well ano pa ba aasahan natin sa babaeng to.



"Yup! Kaya ninang at ninong kayo ahh?" Masaya niyang paalala kaya tumango naman ako tsaka napangiti. Yehh sanaol nalang talaga. Sa amin kasi mag-asawa, ang asawa ko ang may sakit na hindi siya makakaanak. Nalungkot nga siya ng malaman yun pero pinaalam ko sa kanya na kahit hindi kami magkakaanak ay mamahalin ko parin siya ng buo at walang kulang. Wala man kaming anak ay marami naman siyang pamangkin at inaanak kaya masaya na kami.



"Oo ba. Bagong idadagdag sa listahan ng mga inaanak hahaha nga pala ilang weeks na?" Masaya kong saad. Aba another blessing kaya yun. At panibagong bata na hihiramin hehe.



"Ay mag eight weeks na din, kanina ko pa nga nalaman ehh" nagulat naman ako sa narinig. What? Kakasal pa lang ay nakabuo na agad? Aba ang lupet.



"Aba What's the secret besh?" Nagtawanan nalang kami sa hirit ko pero agad ding natahimik ng maalalang nasa loob pala kami ng library at kami na mga teacher pa talaga ang nag iingay. Kaloka talaga.



"Sige na layas na ako----" , " mag-iingat ka sa paglalakad ah lampa ka pa naman" pagbabara ko sa kanya na inirapan lang ako at lumabas na. May pumasok na namang ibang estudyante na binati ako at naghanap ng libro na mababasa.


Masaya na din ako kasi pag break time ng mga estudyante ay may pupunta talaga dito para magbasa ng libro. Ang iba pa ay nanghihiram pa talaga ng libro na nakaayon sa subjects nila para mag advance study. Oh diba ang sisipag.


Bilang gantimpala, pag naka sampong beses ka ng nakabasa ng libro dito o nanghiram ay binibigyan ko ng Toblerone kaya ang iba ay masaya at may iilan pang pabalik balik na dito. Bongga daw kasi maypa Toblerone si madam which is ako.


Kaya malaking pasasalamat ng ibang teacher at mga magulang sakin kasi daw hindi na masyado lolong ang mga bata sa technologies. Aba iba pa rin talaga ang pagbabasa gamit ang libro. Sinasabi ko sa inyo.



Napatingin naman ako sa labas ng biglang mag alarm ang bell. Lunch time na pala, kaya nagsi tayuan naman ang mga estudyante sa loob at nagpaalam ng lumabas. Iniwan lang nila sa may table ang binabasa nila kasi babalik naman sila makatapos kumain. Kakain na din ako baka magalit pa yung gwapo kong asawa.


Napabaling ako sa may pinto ng may kumatok dito. Sinarado yun ng isang estudyante na lumabas, wala naman kaagad na bumukas kaya nagtaka naman ako.


"Come in" saad ko kaya bumukas naman ito kaya natigilan ako ng makilala kong sino ang pumasok. Wahhhhhh.


"Hello My Lady Sofia, miss me?" Agad naman akong tumayo at tumakbo papalapit dito para yakapin. Natawa naman siya at yinakap ako pabalik. Inamoy ko naman ang leeg niya hmmm ang bango.

"Hon naman maaga pa at nasa library tayo---" , "baliw ka talaga. Inamoy lang naman ehh" nakabusangot kong sita sa kanya. Minsan talaga walang preno ang bunganga nito eh kaya pinipigilan ko na. Hinalikan niya naman ako kaso smack lang bago ako ginaya sa upuan ko at pinaupo. Kinuha niya naman ang isang upuan sa harap ng table ko at itinabi sakin.

Doon ko nakita ang isang paper bag na dala niya. Siguradong yun ang ulam na pinadala ng mama niya sakin. Wehhh nagutom tuloy ako lalo. Kakatakam.


"Galing nako sa bahay dumeretso na kasi ako dun kaysa naman dalhin ko pa dito ang naglalakihang Tupperware ni mama na puno ng pagkain diba kaya inuwi ko muna at sakto lang satin ang dala ko" paliwanag niya na natatawa at napatawa na din ako. Totoo talaga ang sinabi kanina ni mama Elle, hindi talaga siya nagbibiro pag sinabi niyang marami edi marami talaga ang ipinadala niya.



"Ayaw mo lang magbigay sa ibang staff dito eh" sita ko sa kanya sabay kurot sa kanyang tagiliran na ikina igik niya.

"Eh sa atin lang yun hon, ang masarap na luto ni mama at papa ay para lang talaga satin--arayy" palusot pa niya kaya nabatukan ko pa. Isang to napakadamot.

"Ui sabi ni mama sakin lang to, bakit nakikikain ka" sita ko ulit ng makatapos niya akong subuan ay sumubo din siya ng sa kanya.

"Hon naman eh" parang bata niyang saad kaya nagtawanan nalang kami at yinakap siya sa may bewang.

"Nga pala hon, kinuha tayo no Fabian maging ninang at ninong ng unborn child nila ng mister niya aba umuo agad ako" natatawa kong saad na ikinatango niya. Nagtaka naman ako ng matahimik siya bigla kaya agad ko siyang hinarap at hindi nga ako nagkakamali kasi nakatulala na siya. Hahay.


"Hon napano na naman yang mukha mo? Papanget ka lalo sige ka" pagbibiro ko kaya napatawa nalang siya. Yinakap ko naman siya ng mahigpit at ganun din siya sakin.

"Sorry hon ah at hindi kita mabibigyan ng anak. Baog kasi asawa mo eh" sagot niya kaya kinurot ko tagiliran niya.

"Tumahimik ka nga. Makailan ko ng sinabi na okay lang. Importanti mahal kita at mahal mo ako. Marami naman tayong pamangkin at inaanak kaya okay na yun" malambing kong saad para naman mapanatag na siya.

"Ang swerte ko talaga sa asawa ko. I love you My lady " napangiti naman ako dun at hinalikan siya ng saglit kaya napangiti naman siya.

"I love you too my handsome husband " natawa nalang siya bago ako sinubuan ulit. Ganun lang ang ginawa naman , ay siya lang pala ang may ginagawa kasi sinusubuan niya lang ako eh hehe. Ang swerte ko din sa asawa kong to, at wala na akong ibang hihilingin pa.


"Abay hoi kayo ahh public romance yarn?!" Sita ng kakapasok lang na si Fabian habang natatawa kaya napailing nalang ako. Alam ko na anong sadya ng babaeng to at may dala pa kasing lunch box. May kanin pa ang pisnge, siguradong mangunguha na naman to ng ulam.

"May ulam pa kayo dyan, abay pinge ako mukhang masarap yan ahh hmm naaamoy ko pa oh paksiw na baboy" mas lalo kaming natawa sa reaksyon niya. Buntis nga naman.


"Oh ito oh tapos na naman kami sayo na yan. Kaw na buntis ka" binigay ko naman ang subra sa ulam na dala ni Geoffrey dito kaya mas nagliwanag ang mukha.


"Yownnn the best ka talaga mare, so pano ba yan babu" ang bruha makatapos makuha ang sadya na agad kaming linayasan.


"Maja blanca hon may dala ako ohh" nagliwanag din ang mukha ko sa narinig. Uii mabuti nalang hindi nakita ng buntis, wala akong kahati. Agad ko naman itong nilantakan kaya ang asawa kong mabait? Ito nasa likod ko habang sinusuklayan ako. Ang bait diba?








💓

Things I Never Said (A Short Story / COMPLETED)Where stories live. Discover now