Chapter 8

13 1 0
                                    

Chapter 8
- PRESENT -



"Mr. Marcos Estrada, nasa room 017 po siya. Kakatapos niya lang pong kumain at linisan. Pwede napo kayong pumunta doon" nakangiting saad ng isang nurse na nakadestino sa front table. Ngumiti lang din kami dito at tumango. Hawak ng asawa ko ngayon ang kamay ko kasi kanina pa ako nanginginig sa kaba. Akala niya ata hindi na sko tutuloy.





Ngayon lang ako nakapasok dito, habang ang asawa ko ay pabalik-balik na dito. Ganun siya nag-aalala sa ama ko na andito. Kasi nga alam niya ang katotohanan na walang kasalanan ang papa ko. Kung nakinig lang ako kaagad sa kanila ay sana matagal ko ng nakasama ang papa ko bago mahuli ang lahat. Mag 3 years na din kasi siyang andirito sa lugar na to. 3 years na simula ng mawala sa katinoan ang ama ko.






Napatitig naman ako sa isang kwarto na hinintusn namin kaya mas lalo akong kinabahan. Room 017, yan ang nakasulat sa may pinto. Kumatok naman si Geo at agad may lumabas na isang lalaking nurse. Napangiti naman siya ng makilala kami. Kilala na niya ang kasama ko at iwan ko kung bakit ako nito nginitian, pinakita ata ng asawa ko ang picture ko-----.





Naputol ang pag-iisip ko ng mapatingin ako sa buong kwarto. Napatakip naman ako sa aking bibig at tahimik na naiyak. Inalo naman ako ni Geo pero hindi ko talaga mapigilang mapaiyak lalo.





Halos mapuno ang dingding sa nakasabit na mga ipininta na mukha ng isang tao. At ako yun. Mga mukha ko ito na ipininta at may naka drawing din na nakangiti at kitang kita ang maaliwalas kong mukha. Napahagulhol ako doon. Alam ko kung sino ang may gawa nitong lahat. Siya.





Kumalma naman ako at humarap sa nag iisang kama sa kwartong ito. Naiiyak akong napatingin sa isang tao doon na nakaupo habang nakatitig sa isang gawa niya. Lumapit ako dun at nakita kong ako pa din yun kaso bata pa ako. Nasa 5 years old pa ata ako dun at may malaking ngiti.





"Ang ganda talaga  ng prinsesa ko. Alam niyo ba? Paborito niya ang matatamis lalo na ang cake at ice cream. Naalala ko pa kada birthday niya kailangan may ganoong putahe sa hapag kung hindi magwawala yun" natatawa niyang saad na tila masaya siyang nakikipagkwentuhan sa amin. Pero alam kong alam niyang may ibang tao dito at kami yun pero dahil nga hindi niya kami kilala ay akala niya ibang tao kami.






"Ang sweet ng batang yan, kahit ng mag dalaga na ay hindi na niya nasabing mahal ako. Pero okay na yun sakin, ramdam ko naman ehh. Sa bawat sapak at hampas niya alam kong mahal niya ang ama niya" pinipigilan ko namang kumawala ang boses ko sa pag‐iyak. Ayokong mawala ang malaking ngiti niya sa labi ngayon habang inaalala ang anak niya, na ako.






"Malapit na ang birthday niya naaalala ko. Sabi ko naman sa inyo ehh hindi ako nakalimot. Dadating yun dito at dala-dala ang gawa niya sa eskwelahan na may stars galing sa teacher niya" nagtataka naman akong napalingon sa isang nurse na naka assign kay papa.





"Wala na siyang ibang maalala ma'am bukod sa ala-alang ikaw ay nasa elementary pa at ang masasayang nangyari sa inyo" mas pinigilan ko ang paghikbi. Ayoko na, hindi ko na mapigilan pa. Nasasaktan ako sa nangyayari sa ama ko. 





"Iho, pag dumating yun pakisabi na nakahanda na ang cake niya para sa birthday niya. Hehehe alam kong masasarapan yun" hindi ko na napigilan at yinakap siya ng mahigpit. Naramdaman ko pang nagulat siya at magpupumiglas pa sana pero napahinto siya. Dinilat ko naman ang naluluha kong mata. Nakita ko ang curiosity sa mukha niya pero parang inaalala niya ang pagmumukha ko.





"Oh bakit ka naman umiiyak iha? Alam mo may kamukha ka. Ang asawa ko" napakuyom naman ang kamao ko. Mabuti pa ang taong yun at hindi niya makalimutan, habang ako ay hindi na maalala. Hindi naman ako umimik at mas lalo siyang yinakap. Napahagulhol naman ako ng yakapin niya ako pabalik. Hindi ko na napigilan ang luha at boses ko. Ang sakit.






"Alam mo ba, gustong makasama ng anak ko ang asawa ko? Kaso hindi na yun pwede kasi may iba ng pamilya ang mama niya at kasal na dun. Ayoko mang masaktan ang anak ko ay wala akong magawa kung hindi punan ang pagmamahal na binibigay dapat ng isang ina" ramdam ko. Ramdam ko ang kalungkutan niya at mas masakit yun sakin. Kasi alam ko pano niya ako alagaan na walang kulang.






"Ang swerte naman po ng anak niyo. Alam kong mahal na Mahal na Mahal din kayo nun" pilit kong hindi mautal habang umiiyak. Tumango tango naman siya na tila tama nga ang sinabi ko.





"Alam ko yun. Ramdam na ramdam ko yun. Kaso" napatingala naman ako sa kanya ng matahimik siya at biglang nalungkot.




"Galit siya sakin. Ayaw na niya ako maging ama. Kinakamuhisn na niya ako. Wala na ang anak ko" malungkot niyang ani kaya mas naiyak ako. No papa, hindi na ako galit. At soryy talaga.





"Hindi siya ang dahilan ng pagkasunog ng eskwelahan hon. Kundi siya ang pumigil sa gumawa nun na may masamang plano sa atin. Si Maureen, gusto niya akong masolo pero dumating ang papa mo. Nagalit siya kaya hinampas niya ng upuan ang papa mo sa ulo. Gusto kong tumayo pero nakatali ako sa upuan. Na kakagawan ni Maureen. S-sorry talaga hon kasi wala akong nagawa. Kahit nahihirapan ang papa mo ay tumayo pa siya at sinakal si Maureen pero wrong move kasi napindot nito ang fire alarm. Nabitawa niya ang babae na may binabalak pa ding masama. Kinuha niya ang lighter ng papa mo sa bulsa tsaka sinindihan ang mga papeles sa table ko. Hindi pa siya na kontento at hinagis niya ito sa kabilang bahagi ng office ko ang stock room kung nasaan ang maraming papeles at madaling masunog na mga gamit. Madaling kumalat ang apoy kaya nahihirapan na akong huminga. Tumakbo si papa sakin para tulungan akong makawala at nagawa niya naman pero bago kami mskatakbo ay sumigaw si Maureen at sasaksakin sana ang papa mo pero nahawakan ng papa mo ang kamay nito. Nag agawan silang dalawa at nahihirapan na ang papa mo kaya kinagat niya nalang ang balikat ni Maureen para mabitawan ang kutsilyo. Hindi ako makagalaw noon kasi nahihilo na ako at kabado. Tatakas na sana kami pero pinauna ako ng papa mo ng nasa malapit na kami ng pintuan palabas kaso binalikan niya pa si Maureen sa loob. Sa kagagohan ko ay lumabas ako not knowing na kahit iniligtas na ng papa mo si Maureen at malapit na makalabas ay nagsisigaw si ito. Sumisigaw ng tulong kasi gagahasain daw siya ni Papa mo. Agad tumakbo doon ang otoridad at nakitang nakadagan nga si papa mo kay Maureen kaya nakitang tama ang sinisigaw nito. Pero ang katotohanan pala ay gumanti lang ang papa mo kasi hinampas na naman siya nito sa ulo" tumigil muna sa pagsasalita si Geo at huminga ng malalim, maski siya ay umiiyak.






"Ng makalabas na sila at pagkaharap niyo ay tinatagan niya ang sarili niya na hindi matumba kahit nahihilo na at nasasaktan sa mga natamo niya. Pero lalong gumuho ang mundo niya ng pagtabuyan mo siya at nakinig ka at naniwala sa bintang sa kanya. Ramdam ko ang sakit nun na nararamdaman ng papa mo. Maski ako ay magsasalita na sana ng katotohanan ay hindi ka nakikinig. Hindi ka naniwala, pero kahit ganun ay tinanggap ng papa mo lahat lahat" mas napahagulhol ako dun. Wala akong kwentang anak. Wala.










🥺💔

Things I Never Said (A Short Story / COMPLETED)Where stories live. Discover now