Chapter 1: Strikes

Magsimula sa umpisa
                                    

Malakas na tawanan ang nakaagaw ng atensyon ko.

May dalawang lalaki ron at dalawa may ding babae—heading to our direction.

Oh my ghad.

Akala ko nasa dance floor pa sila.

Isusumbong nila ko Mama! Shit.

I'm dead. So dead.

Putek na lalaki kasi 'to. Kung sana hindi niya ako binwisit edi sana walang sabit.

"Ano ka ba naman Patricia. Ikaw talaga ang kulit kulit mo. Mehe-hehe." pilit na tawang kambing ni Bea. Creepy.

"Nako. Pagpasensyahan mo na her ha?" dagdag pa ni Yanna sabay ngiti kay Sungit.

Bakit ba ganito ang dalawang 'to?

"Let's go home—" tinakpan ni Yanna ang bibig ko sabay hila sakin dun sa table na inuupan nila kanina kasama yung dalawang lalaki.

Sa likuran ko naman, nakasunod si Bea at yung masungit na lalaki. Close agad?

Pagkaupo namin,

"Okay you won. Hahahaha!" sabi nung isang lalaking maputi na maganda ang mata, matangos rin ang ilong, at kaakit-akit talaga ang mukha pero mukang babaero.

Kinakausap niya ata yung bwisit na masungit.

May isa rin na lalaking nakaupo lang sa tabi ni sungit at nakatingin sakin. May dumi ba sa mukha ko?

"Hi. I'm Lance Flores. Nice to meet you Miss beautiful." sabi sa akin nung mukhang babaero sabay abot ng kamay.

Hindi ko siya pinansin.

Teka nga kasi.

Bakit ba kami nandito sa table ng tatlong lalaki na 'to?

"Explain. Now." malakas na sambit ko sa dalawa kong paslit na kaibigan.

"Ingay mo." hirit ng pinaka-walang modo at ubod ng sungit na lalaki na hindi pa humihingi ng sorry sa pagtapon niya ng alak sakin—na sinadya niya.

Tipong magsasalita na ko kaso bago pa ko makahirit ay nagsalita na si Yanna,

"Cut it guys. Okay fine. Kaya talaga tayo nagpunta here ay para makipag-Ibol. At yung pagtapon niya sayo ng alak kanina. . ." she pointed Mr. Poker Face, ". . .was just a dare. Kanina ka pa namin tinitignan at kanina pa kami nandito. Sorry Patsi." sabay peace sign.

Yun naman pala eh. Dare lang. E bakit hindi man lang magawang mag-sorry?

"And by the way, he's Ice Stanley Dela Flor. The owner of this bar." dagdag pa ni Bea sabay ngiti ng matamis.

Type niya pa ata 'tong si sungit eh.

Binaling ko yung titig ko dun sa Ice na yun na nakita kong nakatingin lang siya sakin nang walang expression ang mukha.

Wala ba talaga siyang planong mag- sorry sakin?

"How dare you." I exclaimed.

Nakatingin lang sakin yung apat.

"Strike 1, tinapunan mo ko ng alak. Strike 2, you called me pok pok. Strike 3, hindi ka man lang nag- sorry. Well congrats, you just hit it."

Hindi na ko makapagtimpi sa lalaki na to.

Para bang wala lang siyang pakialam.

Kinuha ko yung baso ng alak na nahagip ng mata ko.

Lumapit ako kay Ice.

As in yung malapit na malapit. Hinayaan ko nalang yung tusok ng tingin ng mga kasama ko ngayon dito pati yung dalawang lalaking barkada nitong si Sungit.

Just inches away from his face.

Hanggang sa magdikit na ang tungki ng mga ilong namin.

"What the hell are you doing?" inis niyang tanong.

But instead of answering him, I just smiled.

"Holy mother!" he shouted matapos kong ibuhos sa kanya ang bote ng alak na hawak ko.

Score for me.

Napatingin na samin yung ibang tao sa loob ng bar.

May mga narinig pa akong mga nagbulungan.

"Diba siya yung owner ng bar na 'to?"

"Ang sama naman ng girl na yan."

"Pre, tignan mo yung chick oh. Ang cool."

Anong akala niya? I'll kiss him? Way too lucky for him to have that.

"Told you. You hit it." sabi ko at ngumiti.

Then. . . Here comes strike 2.

"Woah." I heard Lance and the others gasped.

Umismid muna ako bago lumabas doon. Iniwan ko na sila. Nasakin na rin naman yung susi ng kotse ko.

Kung hindi lang ganito ang suot kong damit, baka natadyakan ko na rin siya sa center.

The DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon