Chapter 10

0 0 0
                                    

Napagdesisyunan ko na dalhin nalang din ang scrapbook para sa bahay ko nalang ituloy ang pagdesign. Pumayag naman si Zack though sinabi niya na kailangan ko daw siya i-update through chat.

I don't find the need to update him pero since siya naman ang may ari, susundin ko na lang siya. Kaunti nalang naman ang tatapusin sa scrapbook. Baka bukas ay maibigay ko na to kay Zack.

Paguwi ay hindi ko pinansin si mama na nagwawalis sa sala. Nandoon din si Carl na naglalaro ng kaniyang laruan. Dumiretso na ako sa kwarto nang walang lingon lingon.

Pagkatapos ko magpalit ng damit ay sinimulan ko kaagad ang pagdidisenyo.

Nasa kalagitnaan ako ng paggawa nang kumatok si Carl sa pinto.

"Ate! Kakain na daw!" malakas na sabi nito.

Pinagpatuloy ko pa rin ang ginagawa. "Mamaya na ako kakain. Busog pa ako!" tugon ko, ngunit sa totoo lang ay ayoko talagang sumabay kina mama kumain.

Umalis si Carl pero bumalik din kaagad. "Ate! Sumabay ka na daw sa amin sabi ni mama." Nagpanting ang tenga ko sa narinig.

Bumuntong hininga ako bago tumayo at lumabas ng kwarto. Pagkapunta sa kusina ay kumakain na sila. Tahimik akong umupo sa tabi ni Carl at nagsimula na rin kumain.

Binalot ng katahimikan ang hapag kainan. Ni isa walang ay nagsasalita at tanging tunog ng kubyertos lang ang naririnig.

Hanggang ngayon, may tampo pa rin ako kay mama. Gusto ko iparamdam sa kaniya na nasasaktan din ako kaya hindi ko siya pinapansin. Baka sakali sa paraan na yon ay mapagtanto niya na may nararamdaman din ako...

"Anak," pagbasag ni mama sa katahimikan.

Mapakla akong napangiti sa isip. Tinawag niya akong anak pero bakit wala akong maramdaman? Hindi ko maramdaman na anak nga ako.

"Bakit po?" Pag angat ko ng tingin sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin. Ngiti na hindi ko alam kung genuine ba o dapat akong matakot?

Inabot niya sa akin ang kaniyang cellphone. "Yung naging first place sa quiz bee na sinalihan mo, kilala mo?" bakas ang kuryosidad sa pagbigkas niya noon.

Larawan ni Seb ang nasa cellphone ni mama. Isa itong post mula sa school page namin.

Isang tango ang binigay ko na mas ikinasaya niya. Nagtataka ko siyang tinignan. Ano bang gustong iparating ni mama?

Umayos siya ng upo at nag seryoso ang mukha. "Kaibiganin mo siya," utos niya.

"Ano po?" tanong ko dahil hindi ako sigurado sa narinig.

Umirap siya. "Kaibiganin? Lumapit ka lagi sa kaniya at maging mabait."

Hindi ko maintindihan. Bakit kailangan niya pang i-utos yon sa akin.

"Ma, magkaklase po kami kaya kilala ko siya," paliwanag ko.

Pumapalakpak siya ng isang beses sa sinabi ko.

"Tumpak! Mas mabilis mapapalapit ang loob niya sayo," masayang sabi niya. "Mas madali mo na siyang magagamit," she grinned.

"Ma!" hindi ko sinasadyang tumaas ang boses. "Tao po si Seb at hindi siya gamit," may inis na sabi ko. Hindi makapaniwala ko siyang tinignan.

Nanlaki ang mata ni mama at nanggagalaiting tumingin sa akin. "Binibigyan lang kita ng idea. Aba! Makakatulong siya para makapasok ka sa honor!"

Noon pa man, hirap ako makapasok sa honor list. Lagi ko lamang pinapaasa sina mama at papa na magiging honor student ako pero hindi ko talaga kaya. Pero, hindi ako darating sa punto na mangagamit ako ng tao. Paanong nasisikmura ni mama ang ganoong idea?

Chasing SolitudeWhere stories live. Discover now