Chapter 3

0 0 0
                                    

Ilang linggo na rin ang lumipas simula noong unang araw ng klase. Wala pa rin akong gaanong ka-close sa mga kaklase ko, maliban kay Chelsey na kinakausap lang ako paminsan minsan kapag wala ang mga kaibigan niya.

"Class, is there any student here who wants to participate in our school scholarship program?"

Halos buong klase ay nagtaas ng kamay, maging ako at si Sebastian. Nakakapanliit kung iisipin na isa si Seb sa maaaring kaagaw ko sa scholarship. Idiniscuss na kasi ni maam ang scholarship program at may 10 slot lang daw para sa mga senior high school students. Nasa libo pa naman ang estudyante dito kaya mas lalong malabo makakuha ako ng slots.

Pero hindi dapat ako panghinaan ng loob. I should take the risk or lose the opportunity. Nag take down notes din ako ng mga requirements para sa scholarship.

"Sasali ka sa scholarship program?" tanong ko kay Sebastian na nakakuha ng atensyon niya.

"Oo, ikaw din?" aniya sa mababaw na boses.

"Balak pa lang, kasi parang hindi naman pasok ang grades ko para dyan." Bumaba ang tingin ko.

"Don't say that, everyone has an equal chance here," he sounded comforting.

May kung anong humaplos sa puso ko na nagpagaan kahit papaano sa pakiramdam ko.

"Talaga? Kahit may line of 8 ang card ko?"

Nahihirapan kasi ako imaintain ang straight line of 9 grades sa report card ko. Lagi tuloy itong napupuna ni mama kahit na sa isang subject lang naman ako line of 8 pero iyon lang ang palagi niyang napapansin.

Tumango sa akin si Seb. "Hindi lang naman grades ang basehan para makakuha ng scholarship. Family credentials din."

"Kung gusto mo sabay tayong magpasa ng requirements? Since baka mahirapan ka dahil transferee ka pa," he said and gave me a small smile.

"Sige," ngiti ko rin sa kanya.

Magaan kausap si Seb. Napaka natural niya sa pagsasalita kaya hindi na ako magtataka kung bakit madali rin siyang maging kaibigan.

Nang magbreak time na ay nag si alisan na ang mga kaklase ko para pumunta sa canteen. At naiwan na naman akong mag isa.

Solitude is my happiness, though.

Not until sumilip si Zack sa pinto mula sa labas ng room. Nilibot niya ang paligid at huminto ang mata sa akin na kumakain mag isa.

"Ikaw lang mag isa dito?" Tanong nito at pumasok.

"Oo, bakit?"

Obvious naman na mag isa ako, bakit tinanong niya pa?

"Wala lang..." Pumasok siya at hinigit  ang isang upuan. Ipinuwesto niya iyon sa harap ko at doon umupo.

Ang awkward ng pwesto namin. Ako na kumakain habang siya na nakatingin sa akin sa harap ko. Hindi ba niya naisip na nakaka conscious ang ginagawa niyang pagtitig sa akin.

Walang maririnig sa aminkung hindi katahimikan. Nakatungo ako at marahang ngumunguya para iwasan ang gumawa ng ingay.

"Hindi ka naman inaaway ni Seb?" umiling ako sa weird niyang tanong.

"Mokong din kasi ang isang yon. Mukha lang disente kasi matalino pero mas tarantado pa yon sa akin," daldal nito.

Sinisiraan niya ba si Sebastian? Backstabber naman pala ang lalaking to.

"Hindi naman. Mabait si Seb at masarap din siya kausap," saad ko. Napatigil siya at hindi nakapagsalita.

Sinabi ko lang naman ang totoo. Ganoon ko naman talaga nakikita si Seb.

Chasing SolitudeWhere stories live. Discover now