Chapter 9

0 0 0
                                    

"Anong gusto niyo?" Tanong ni Sebastian sa amin.

"Siya," pilyong sagot ni Zack kaya nabatukan siya ni Seb.

"Umayos ka nga!" Bumaling siya sa akin. "Ikaw, Clem?"

"Kahit ano... "

Nagkayayaan kasi kami ngayon na kumain sa jollibee para i-celebrate ang pagkapanalo namin ni Seb sa quiz bee.

"Ak-" sasagot na sana si Zack.

"Huwag ka na," pang asar ni Seb sa kaniya sabay tumalikod sa amin.

Siya ang mago-order ng pagkain namin. Treat daw niya, hindi na ako tumanggi pa dahil nagtitipid ako ngayon.

Pumangalumbaba ako habang nakatitig sa likod ni Seb na nakapila na sa counter. Kahit ang likod niya ay attractive din. Matangkad din siya pero sa tingin ko ay mas matangkad parin si Zack. Sabagay, basketball player nga pala si Zack.

Napatingin ako kay Zack na nakaupo sa kaliwang harap ko. Binaba ko din kaagad ang tingin dahil nakatingin na pala siya sa akin.

"Congrats! Sabi sayo kaya mo yan e," masiglang bati niya.

"Salamat pala sa illustion board," ngiti ko. "Magkano ba ang nagastos mo para mabayaran ko na?"

Umiling siya. "Hindi ko naman kailangan ng pera. Sa ibang paraan mo nalang ako bayaran," may ngisi niyang sabi.

Ibang paraan? Anong ibig niyang sabihin?

"Wala akong maisip na ibang paraan? Ikaw ba meron?"

Humawak siya sa kaniyang baba at tumingin sa itaas, umaktong nag iisip ng malalim.

"Meron!" He exclaimed.

Kinabahan ako bigla. Sana lang ay seryoso siya sa paraan na sinasabi niya.

"Kailangan ko kasi ng maganda ang sulat. Yung sulat ko kasi ay parang kinahig ng manok sa kapangitan," mahina akong natawa sa sinabi niya.

"May scrapbook project kasi kami and hindi ako marunong mag lettering at mag design design," nahihiyang sabi niya pa at hindi makatingin sa akin.

Napanguso ako para pigilan ang pag ngiti. Hindi pa man niya sinasabi ay alam ko na ang nais niya ipagawa sa akin. He wanted me to design his scrapbook. Well, forte ko din naman ang pag design at isa din yon sa mga hobbies ko.

"Okay! Ako na bahala." I thumbs up on him. Kaunting nanlaki ang mga mata niya sa akin sa pagkagulat.

Naestatwa ako ng hawakan niya ang pareho kong kamay na naka thumbs up sa ere. Nagmukhang maliit ang kamay ko dahil sa pagkakahawak ni Zack. I felt strange. His hands holding mine gives me uncomfortable feeling inside of me.

Binitawan din kaagad iyon ni Zack kasabay ng pagtikhim niya.

Mabuti nalang at dumating na din si Seb. Kung hindi ay baka ma suffocate ako kasama si Zack sa iisang table. Hindi ko maintindihan kung bakit nararamdaman ko ito. Siguro ay nabigla lang ako sa biglaang hawak niya sa kamay ko. Hindi lang talaga ako komportable kay Zack.

Habang pauwi ay napapahimig pa ako sa saya. Panigurado matutuwa si mama kapag nalaman niya na nanalo ako sa quiz bee. Nilakihan ko na ang mga hakbang ko dahil sa excitement.

Nadatnan ko si mama sa sala, nakaupo ito habang hawak ang kaniyang selpon. Saglit itong sumulyap sa akin bago tumingin ulit sa selpon.

"Ma!" Patakbo akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya.

Nagtataka niya akong tinignan ngunit hindi parin mawala ang ngiti sa labi ko.

"Ano na naman ba yan?" Iritang tanong niya.

Chasing SolitudeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon