Chapter 4

0 0 0
                                    

"Mendoza and Santiago got the perfect score in our activity," our teacher announced.

Malawak ang ngiting iginawad namin ni Sebastian sa isa't isa. We deserve it!

The lesson went by pero ang atensyon ko ay na kay Sebastian. Pinaglalaruan nito ang kaniyang ballpen habang nakikinig sa teacher sa harap.

Nitong mga nakaraang araw ay napapansin ko sa sarili na halos si Seb ang naiisip ko. Siguro ay dahil siya lang ang nakakausap ko dito sa room.

"Bakit?" Napakurap ako nang bumaling sa akin si Seb. Umiling ako sa kaniya, at nahihiyang tumungo.

Itinuon ko na lang ang atensyon sa teacher na nagtuturo sa harap.

Nang mag break time, naiwan nanaman akong mag isa sa room. Kahit isang beses ay hindi pa ako nakabili ng pagkain sa canteen. What if i-try ko? Sakto naman na wala akong baon ngayon.

Kumuha ako ng pera sa aking bag at lumabas na ng room. Nakasalubong ko si Zack sa hallway, papunta yata siya sa room namin.

"Wala si Seb doon," agap ko sa kaniya sa pag aakala na si Seb ang pakay niya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito at sinabayan ako sa paglalakad. Ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng pants niya at direktang nakatingin ang mga mata sa akin.

"Canteen," sagot ko.

"Wala kang baon?"

"Hm" pag tango ko sa kaniya. "Kaya nga bibili ako sa canteen ngayon."

"Samahan na kita," suhestiyon niya.

Hindi na ako nagsalita pa dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Nakakahiya naman tumanggi dahil baka may bibilhin din siya sa canteen.

"Doon ang room namin," turo ni Zack sa ikatlong room mula sa hagdan.

Namilog ang bibig ko. Sa first floor pala ang room ng mga Stem students.

"Mabuti at nasa first floor ang room niyo. Sa amin kasi hihingalin ka muna bago matuto," biro ko. Tumawa naman siya.

Umangat ang kilay ko at umawang ang labi kasabay ng pagtitig ko sa mga ngiti niya. Ang ganda pala ng ngiti niya. May boxy smile siya na bihira ko lang makita.

"Nakakainis nga eh, ang layo sayo... " he whispered. Hindi gaanong klaro sa akin ang huling sinabi niya.

"Ha?"

"Ang layo kay Seb," paglinaw niya.

Oo nga pala, best friend pala sila.

Nang makarating kami sa canteen ay humiwalay na sa akin si Zack. Ako naman ay bumili ng pagkain. Nakita ko pa ang mga kaklase ko. Binati naman nila ako nang makasalubong ko sila at nagulat pa sila nang makita ako dito.

"May try out daw mamaya sa basketball after class," rinig kong sabi ng iilang estudyante na kasabay ko sa hagdan.

Nasa likod nila ako kaya hindi nila napapansin na nakikinig ako sa usapan nila. Hindi ako chismosa ha, naririnig ko lang kasi may tenga ako.

"Kasali nga ang crush ko doon ih! Manonood talaga ako," hagikgik pa ng isa.

"Sino sa kanila?"

"Sira! The one and only, Zack Kaizer Montes!"

Kasali si Zack sa try out sa basketball? Si Sebastian kaya kasali rin?

Umakyat na ako sa room ko ngunit naririnig ko pa rin ang tungkol sa try out at ang pangalan ni Zack mula sa mga estudyante sa hallway.

Sikat pala si Zack. Halos lahat kasi ng estudyante ay kilala siya.

Speaking of, natanaw ko si Zack sa pinto ng room namin. Nakapatong ang kamay niya sa gilid ng pinto at may ngiti sa labi. Wala sa akin ang atensyon niya kung hindi nasa loob ng room. Tumatawa pa ito at mukhang nakikipag usap pa.

Chasing SolitudeWhere stories live. Discover now