Chapter 14

1 0 0
                                    

"Tara, kakain na raw," yaya sa akin ni Seb.

After ng picture taking ay nag announce na ang mga teachers na pwede nang kumain. Ang ibang mga estudyante ay dito nagluluto pero may iba na nagbaon nalang ng pagkain.

Sumunod ako sa kaniya nang maglakad papunta kay Mish. Naabutan namin siyang nilalatag ang dalawang rolling mat sa sahig.

Napalingon si Mish sa amin.

"Congrats!" masiglang bati ni Mish nang makalapit kami sa kanya.

"Thank you," nahihiya kong sabi.

Mahina naman akong hinampas ni Mish sa balikat. "Galing mo kanina!"

Tumalikod na siya at lumapit sa isang bag. Kinuha niya mula doon ang box kung saan nakalagay ang grill pan.

"Kailangan mo ba ng tulong?"

"Yes, please!"

Seb immediately went near Mish to help her setting up a grill pan. May dala rin cooking set si Seb kaya kumpleto ang mga gamit sa pagluluto. Kumpleto rin ang mga tablewares. Actually, halos lahat ng mga gagamitin namin ngayon ay dala nina Seb at Mish. After all, sila naman ang medyo nakakaangat ang buhay sa amin.

Umupo ako sa mat at luminga linga sa court para hanapin ang pamilyar na mukha. Tumigil ang paghahanap ko nang makita ko si Zack hindi kalayuan sa amin. May kausap pa siyang babae na kung hindi ako nagkakamali, siya rin ang babaeng nahagip ko kanina na hinihintay ni Zack sa gate.

Napanguso ako.

Naramdaman ko ang mga hakbang papalapit sa pwesto ko. Umakto akong may hinahanap sa bag na nasa tabi ko kahit alam ko na hindi ko to pagmamay ari.

Zack cleared his throat.

"Busy ah," he said. Umangat ang tingin ko sa kanya pero hindi pala ako ang tinutukoy niya kung hindi sila Seb.

Bumaling ako kina Seb na abala nga sa pag aayos ng paglulutuan namin.

Lumapit si Zack doon at tumulong na rin. He completely ignored my presence.

Napagdesisyunan ko na ayusin nalang ang mga pinggan at kutsara't tinidor sa foldable table. 

"Omg Zack! Mali naman ginagawa mo e. Tumutulong ka ba or what?" rinig kong saway ni Mish.

Humalakhak si Zack. "Sensya na beh."

"Tulungan mo nalang kaya si Clem doon."

Napailing ako sa isip ko. Feeling ko kasi galit sa akin si Zack kahit hindi ko alam ang dahilan.

Bumigat ang paggalaw ko nang naaninag ko na tumayo si Zack para pumunta sa pwesto ko.

"Tulungan daw kita," parang napipilitan pa niyang sabi.

"Huwag na. Kaya ko na 'to," ani ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Busy ako sa pag aayos. Bakit ba siya nang aabala pa? Huwag nalang niya ako pansinin kagaya nang ginawa niya kanina.

"Sige."

Akala ko ay aalis na siya pero nag indian sit pa siya sa harap ko. Ramdam ng buong pagkatao ko ang paninitig niya sa akin. Naapektuhan tuloy nito ang pag aayos ko.

"P-pwedeng... h-huwag kang tumingin?" ang boses ko ay tila nagmamakaawa sa kanya. Laging hindi ko maiwasan ang mahiya sa harap niya.

Bakit hindi ko magawang maging komportable kapag malapit siya sa akin?

Mahina siyang natawa, "Bakit? Nahihiya ka ba sa akin?"

"H-hindi ah! Ang weird lang kasi ng titig mo! Tama!" I sounded a bit defensive.

Je hebt het einde van de gepubliceerde delen bereikt.

⏰ Laatst bijgewerkt: Apr 28 ⏰

Voeg dit verhaal toe aan je bibliotheek om op de hoogte gebracht te worden van nieuwe delen!

Chasing SolitudeWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu