Chapter 6

0 0 0
                                    

Bitbit ang mga requirements sa kamay ko ay marahan akong naglalakad papunta sa registrar. Kasama ko si Seb na magpapasa rin ng requirements. Sabi niya kasi noong nakaraan ay sabay daw kami at ngayon palang nag open ang school para sa mag scholarship applicants.

Sabado ngayon at walang pasok. May iilan din estudyante ang nandito para siguro magpasa din ng requirements.

Ipinagdarasal ko talaga na may himala at makakuha ako ng slot for the scholarship. Kailangan na kailangan ko talaga ito kaya sana ibigay na ito sa akin.

"Don't worry too much. You'll get a slot, I can assure that," Seb smiled. Napansin yata niya na malalim ang iniisip ko.

I sighed. "Sana nga," walang kumpiyansang saad ko.

Hinawakan ni Seb ang dalawang balikat ko at pinaharap sa kaniya. Nagtagpo ang mga mata namin na parehong singkit.

"Clem, you have this! Wag ka nang mag isip ng kung ano ano. Makakakuha ka ng slot, claim it," mariin niyang sabi.

Napangiti ako at tumango sa kanya.

"I claimed it!"

Naglakad na kami muli papaunta sa registrar. Kinakabahan man pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko at nagkaroon ako ng kaunting lakas ng loob. Hindi ko na inisip pa ang magiging resulta, kung makapasok man ako edi maganda, kung hindi naman ay ayos lang din. At least sumubok ako kahit natalo.

Ang kinatatakutan ko lang naman ay ang saabihin nina mama at papa. Sure ako na ipapamukha na naman nila sa akin na disappointed sila sa akin. Sa huli, iniintindi ko pa rin sila kahit na nasasaktan na nila ako, ayos lang dahil magulang ko naman sila.

Minsan ay napapatanong ako kung ako ba, naiintindihan kaya nila ako? Or triny man lang ba nila intindihin ako?

Panganay ako at may bunsong kapatid. Kahit na nag aaral pa lang ako, lagi nang sinasabi ni mama sa akin na ako na ang magtataguyod sa pamilya namin pagdating ng panahon. Sa akin nakasalalay ang buhay nila. Ginagawa ko naman ang lahat para makatulong pero parang hindi naman nila naaappreciate yon.

"Ma, nagpasa na po ako ng requirements para sa scholarship," masayang saad ko kay mama. Nakatalikod ito sa akin dahil nagluluto siya.

"Oh ano ngayon? Nakapasok ka ba?" sarkastikong tanong nito.

Umiling ako. "Wala pa pong resulta," mababaw ang boses ko.

"Tsaka mo na ako balitaan kapag may resulta na." Humarap siya at naiiritang tumingin sa akin. "Kung makangiti ka naman akala mo may slot ka na! Huwag mo nga akong patawanin, Clementine," sarkastiko siyang tumawa.

Pumasok si papa sa kusina at napatingin sa amin.

"Anong nangyayari dito, Amanda?" tanong ni papa.

"Pa sumali p-"

"Pagsabihan mo yang anak mo, Nato," putol ni mama sa sasabihin ko.

Napayuko akong hinaplos haplos ang palad. Naramdaman ko ang pagbara ng lalamunan ko.

"Sumali sa scholarship, wala naman kasiguraduhan kung makakapasok siya. Nagsasayang lang ng oras eh," sabi ni mama.

Ramdam ko ang paglapit ni papa sa akin. Hindi ko inangat ang tingin sa kaniya.

"Clementine, bakit ka pa sumali kasi?"

Hindi makapaniwala kong tinignan si papa. Bakit niya pa yan tinatanong?

"P-para p-po m-makatulong... habang naghahanap pa po kayo ng trabaho. M-mahigit tatlong buwan na po kasi kayong w-walang t-trabaho," paliwanag ko. Dahil doon ay nag iba ang mukha ni papa.

Chasing SolitudeWhere stories live. Discover now