Siguro nga tama yung sinabi ng isang nanay ng classmate ko. Hindi na ako love ng mama ko kaya naghanap ng ibang pamilya kaya iniwan niya kami ni papa. Tama siya, baka kasi noong five pa ako yung mga kasama niya ay yun yung bagong family niya. Kawawa naman ang papa ko, di bale na andito naman ako para alagaan siya.



__________________




"Ui ui ui Congratulations Lady, sa wakas g-graduate na tayo sa elementary. Excited na akong makakita ng gwapo sa high school ayeeee" masiglang salubong sakin ng bff ko- si  Fabian. Oo ngayon ang graduation namin sa elementary kaya excited talaga ako kasi isa ako sa mga high honors.




"Hoi ikaw babae ka  pitikin ko yang bunganga mo eh. Eh kung mag-aral ka nalang kaya ng mabuti hindi yung lalaki na agad ang iniisip mo. Thirteen pa kaya tayo, ikaw talaga" sita ko dito na ikinabusangot niya. Natawa nalang ako sa mukha niya kaya hinampas niya naman ako ng mahina sa balikat ko.




"Tama na yan girls. Hali na kayo dun sa likod ng mga upuan at magsisimula na ang ceremony" tawag samin ni papa kaya agad kaming lumapit doon. Isang guro si papa dito, sa grade five kaya kasama ko siya sa pag-akyat sa stage.




Hinila ko naman na si Fabian patungo kung saan nakalinya ang mga classmates namin. Andun na din ang mama niya na naiiling nalang sa kakulitan ng bff ko. Kahit kailan talaga tong babaeng to, ang kulit.




Nagsimula naman ang ceremony at umakyat kaming lahat sa stage. May malaki akong ngiti sa labi at ganun din si papa, proud na proud daw siya sakin kahit wala akong medal okay na sa kanya pero syempre mana ako sa katalinuhan niys kaya top 2 ako. Salutatorian ang lola niyo kaya wag kayo hehehe.





Masaya ang lahat sa kabuuan ng program lalo na yun giving of dimploma at nag bigay na din ako ng speech bilang salutatorian at ang unang taong pinasalamatan ko ay yung papa ko na todo palakpak. Hindi niya kasi alam na top 2 ako kasi ang sabi ko bumagsak ako pero syempre kasama yun sa surprise ko. Kaya ngayon ay ang pagsasabit na ng medal at ako na ang tinawag.




" Gomez, Lady Sofia E. Top 2 in With high honor " agad naman akong tumayo at nakangiting lumapit sa papa ko na pinapahid ang luha sa mata niya. Marami naman ang nagpalakpakan lalo na ng maglakad na kami patungo sa stage. Nakayakap ako sa balikat niya kasi si papa nanginginig na sa kaba.





Ng inabot na ng teacher namin ang medal sa ulo ko ay hinubad ko iyon at humarap kay papa. Bali tatlong medal ito kasama na sa dalawang special awards. Nagtaka naman siya sa ginawa ko pero ngumiti lang ako dito bago isukbit ang medalya sa leeg niya. Yan, bagay na bagay.




"Para yan sayo papa, hindi sapat ang diploma na ibigay sayo kasi alam ng lahat pano ka kasipag na teacher at bilang isang ama. I love you papa, para to lahat sayo" nakangiti kong pahayag na ikinaiyak niya. Yinakap ko naman siya ng mahigpit at narinig ko ang mas malakas na palakpakan at hiyawan. Nakita ko pang marami ang naiiyak. Hehehe




Bumaba na kami ni papa doon habang siya todo pahid ng luha niya kaya tinawanan ko nalang ito. Hinalikan ko siya sa noo bago ihatid sa upuan niya sa kabila. Magkahiwalay kasi ang upuan ng mga graduates at parents pero katapat lang din.




Ng babalik na sana ako sa kaninang kinakaupuan ko ay may nakita akong nakatanaw sakin na babae at habang naka shades ito ay kilala ko kung sino siya. Hindi ko na ito pinansin at ngumiti na sa iilan kong classmates na bumati sakin at naupo na. Nag biruan pa kami ni Fabian kasi daw pwede ng masangla ang medal ko kasi gold.



Ayokong masira ang araw na to ng dahil lang sa taong bigla nalang nagpakita. Wala siyang karapatan na lumapit samin kasi alam kong kahit kami lang dalawa ni papa ay masaya kami na wala siya. Piste lang siya sa buhay namin. Wala akong mama na walang puso. Tanging papa lang ang meron ako.




"Hon hey are you okay? You're crying " napabukas naman ako ng mata ko ng may tumatapik ng mahina sa pisnge ko. Sumalubong sakin ang mukha ng asawa ko na nag-aalala. Hinawakan ko naman ang pisnge ko at basang basa iyon. Umiiyak nga ako.




"Nanaginip lang ako hon, isang napakagandang panaginip pero sinira ng isang demonyo" sagot ko tsaka napahagulhol. Yinakap niya naman ako at siniksik ang mukha sa dibdib niya.



"It's okay hon, ilabas mo lang andito lang ako" malambing niyang saad kaya mas lalo akong naiyak. I can't forget that day, yung araw na nagpakita ang taong matagal ko ng hinihintay pero huli na at tanggap ko na sa panahong yun na wala na siya, dahil pinagpalit na niya kami.





🥺💔

(A/P)
Ui naiyak na naman ako wahhhh. Kayo ba? Charing, nga pala short story lang talaga ito mga ten chaptes lang ata ganun...
Love lotsss, mag iingat kayo lalo na sa lugar na patuloy umuulan.



Xia_Lire_24 💔

Things I Never Said (A Short Story / COMPLETED)Where stories live. Discover now