Prins' 🍏

159 9 8
                                    

PREVIOUSLY:/  "May I remind you na it is me who saved your brother from possible depression. Pero sige kung ayaw mo na ikaw ang mag bayad, sa kuya mo na lang ko kukunin -" - ani nito nang magsimulang maglakad patungo sa direksyon nang kanyang kapatid.

Agad naman siyang pinigilan ni Prins.

"Oo na, oo na ako na magbabayad, kukunin ko na lang sa manager yung official receipt, baka kasi may patong ka -"

Natawa na lang ang babae.

"Anyway barya lang naman sa akin yon, but knowing you and your priorities mukhang mahihirapan kang bayaran yon-"

"Taasan mo kaya pasweldo mo nang mabayaran ko-"

"Your salary is higher than a government teacher, maluho ka kasi kaya hindi ka maka ipon-"

"Tsss.."

"But I can give you an option for you to pay all of it, in just one go-"

"At ano naman yon? Ibibinta ko sayo kidney ko? Atay ko? Balun-balunan?"

"You're funny, but I don't need any of those hmp- how about a date with me?"

Natawa naman si Prins sa kanyang narinig.

"Magbabasag na lang ako nang alkansya!" - natatawang tugon nang dalaga.

"I'm dead serious here Ms. Roman -" halos pabulong na sabi nang boss nito, panandalian namang natuod ang dalaga sa hindi malamang dahilan.

"Okay pero hindi ako accountable kapag sakaling na fall ka sa akin- witchy -"














_____________








CHAPTER 04

"Ang masipag kong bossy :) "



















🏗️
________


"Okay pero hindi ako accountable kapag sakaling na fall ka sa akin- witchy -" - tugon ni Prin habang natatawa.

"Hey! you're not being serious -" - sunod sa kanya ni Witchy.

"Ma'am, linawin ko po ha? Baka kasi lasing na kayo, Babae po ako at take note babae rin po kayo, so bakit ako makikipag date sayo? Or ba't tayo magdi-date? At kung makikipag date man ako sa babae -" - ani ni Prins nang pasadahan nang tingin si Witchy mula ulo hanggang pa nito. "Siguradong hindi sa inyo -" - dagdag pa niya.

Napataas naman nang kilay ang babae habang nagkikibit balikat.

"At bakit naman hindi? I have every man's dream, money, beauty, brain and elegance -" - tugon nito

"And malabong mata." - naiiling na saad ni Prins

"Huh? What?" -

"B-A-B-A-E yan ge-spell ko na sa inyo, na isa akong babae, kaya give that qualities of yours to your boyfriend, don't worry babayaran kita, kahit mangutang pa ako kay Mr. Nobody."

Kung sa trabaho walang tumatabla sa husay niya, ngunit sa kanyang assistant ay lagi siyang talo rito. :D








Prins and the WitchyWhere stories live. Discover now