Mini Skirt

175 11 0
                                    


" I know a girl who doesn't know how to swim"

🤸‍♀️
--

DISCLAIMER : Any Persons, Places, Products and trademarks mentioned here are all work of fiction if there's any resemblance to any dead or alive and existing products are highly coincidental. ❤️

__



CHAPTER 01.


"Kawang-gawa para kay Witchy."

____


It was not long ago since I got my diploma, and all the pertaining records for my future endeavours.

Speaking of endeavours, of all applications I sent and the interviews I passed. Wala pang tumatawag para i-confirm kung tanggap ako sa trabaho.

I know na mahihirapan ako for my first job hunting, pero hindi ko naman alam na ganito ka frustrating.

"Ate, baba kana daw. Luto na yung pagkain." - bungad sa akin ng bunso naming kapatid.

"Maya na.." bagot akong bumangon, same lang naman ang pagkain 'pag si kuya Mike ang nakatuka sa kusina. Itlog, pancit canton at pandesal. Hindi ako reklamador pero nagsawa na ako. Almusal mo na nga, dinner mo pa.

"Ate, pabili ka? Ako na bibili para sayo?" banat pa ng kapatid ko, sus alam ko na'to.

"Tas sayo ang sukli? Naku. Ikaw ah kabata-bata mo pa mukha kanang pera."

"Bili ko lang naman ng laruan.."

"Anong laruan yun aber?"

"Yung bago ngayon, yung lato-lato."

"Lato-latoin kita jan ang ingay-ingay non."

"Sige na ate. Sa labas ako maglalaro promise."

"kay papa or kuya Mike kana lang humingi."

"Eh walang pera si kuya Mike, bumili nang sing-sing, tapos si papa naman kakabayad lang ng tuition namin ni Kuya June."

"Sing sing? Anong sing-sing yon?"

"Iwan basta may box na kulay red. Sige na ate.."

"Sa bag ko, may 50 pesos, wag susubra ha bilang ko yon.." tumayo ako at nagmadaling lumabas ng kwarto, makiki marites ako sa kuya ko, mukhang may proposal na magaganap, excited ako.

"Kuya! Patingin ako daliii!"

"Ano naman titingnan mo?"

"Yung sing sing, dali patingin ako.."

"Saan mo naman nalaman?"

"Ate, 459 pesos ang laman ng wallet mo, 50 yung kinuha ko.."

Ganon na ba ako ka moneyless huhu

"Sige, oi sa labas ha! Wag dito babatukan kita.." sabi ko sa kapatid ko.

"Hoy! Dito." tawag ni kuya Mike kay Bunso.

"Sinabi mo ba sa ate mo?" tanong pa niya.

"Opo, sabi niya sayo daw ako manghinge ng pera, diba wala kang pera dahil may binili kang mahal na bagay? diba mahal yung sing sing?"

Prins and the WitchyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon