BoLaTiboLi ⚽

178 17 11
                                    

"Extra service, extra feelings."





_______

CHAPTER 06

"Growing larva on my tummy."













________



Continuation/: That awkwardness, they were both awkward nang matapos ang hamonan inakala ni Prins na hindi siya papatulan nang kanyang boss.

"Umm, sige baka ma-traffic ka sa daan, see you tomorrow Ms. Roman -" - anang babae nang patay malisyang naglakad patungong washroom, naiwan namang natutuod ang dalaga.

Nang makaalis si Prins, ay hindi naitago ni Jehan ang kanyang kilig, napapagakat labi siya sa tuwing maalala ang nangyari.

"Snap out of it!" - anang babae sa kanyang sarili habang nakatingin sa salamin.

Tunay ngang may pagtingin siya sa kanyang empleyado.




__

SAMANTALA

Nang maka-uwi si Prins ay agad itong naligo at nag-ayos, gaya ni Boss Witchy ay hindi rin mawaglit sa isip nito ang nakaw niyang halik sa kanyang boss, at maging nang nakaw na halik sa kanya nang kanyang Boss Jehan.

Gusto niyang mainis, dahil at the very beginning they were not friends, or close to the point na she will dare kissing her, ngunit ayaw sumunod nang kanyang puso't isipan sa halip ay nakakaramdam siya nang kakaibang pintig nang kanyang dibdib.

"Sa takaw mo kagabi, baka pati buto nang apple bumara na siguro sa ventricle mo kaya ganito kumalabog yang heart mo-" - pagkumbinsi pa ni Prins sa kanyang sarili.

Sinubukan dayain nang dalaga ang sarili ngunit wala pa rin, mas bumibilis ang pagpintig nang kanyang puso nang maalalang minsan nang ngumiti sa kanya ang kanyang boss, at minsan na rin nagtama ang kanilang mga balat.

"Sissy... Prinssy were are U.." - tawag sa kanya nang kanyang kaibigan, si Elsa Droga.

"Oh...." - tugon ni Prins nang ayosin ang sarili at daluhan ang isa sa kanyang mga kaibigan.

"Dir U ar, ganda - ganda talaga nang beshy ko -" - anang binabae habang kumekending papasok.

"Naligaw ka ata? Wala kayong BeauCon?" - Prins

"Meron naman, magpapatalbog ba naman kami? Anyway nandito ako para I-recruit ka kasi may paliga si Sirman eh incomplete yung team natin, so andito ako para isama ka, kaya goww!" - panghahatak sa kanya ni Elsa.

"Anong liga ba yon?"

"Bastekbol- at baleybol"

"Huh?"

"Bastekbol nga at baleybol-"

"Huh? Ano?" - pag-uulit ni Prins

"Basta may bola na hinahampas at pinapatalbog gaya nang gagawin ko sayo kapag hindi kapa umayos-" - biro niya kay Prins natawa na lang ang dalaga.

Agad na nagtungo ang dalawa sa covered court para sa gaganaping liga.
Kani-kanyang hiyaw ang mga tao sa kanilang pambato, kasalukuyan kasing nagaganap ang men's basketball, kada shoot nang player ay nagtitilian ang mga tao lalo na nang mga babae.

"Kiyaaaahh, Robi ang hot mo don!" - sigaw nang babae sa naka shoot.

"Go! Enrique I supot you all the way!" - anang baklang kasama nina ni Prins, si Wacky Kiray, binatokan naman siya ni Elsa.

Prins and the WitchyWhere stories live. Discover now