uTang Niya, Bayad Mo

168 11 27
                                    

CHAPTER 03

_



"Epic Fail na marriage proposal with Witchy."







👫

_____






Continuation:/

Inakala ni Prins na kapag nakasakay na siya ay agad siyang makakarating ngunit taliwas sa inaasahan nito nang mapansin ang nakatutuwang ugali nang driver nang taxing kanyang sinakyan.

"Anak nang- kuya may mas ibabagal paba kayo dito?" - buga ni Prins sa driver na mabagal kung magpatakbo.

"Ma'am nabasa niyo po ba yang nasa signage?" - tugon ng driver

"Signage?"

Agad namang hinanap ni Prins ang sinasabing signage ng driver.


Mahalagang Paalala❗:
First time driver, magbaon nang maraming pasensya.

-Bobo pa kasi.


Napasapo na lang sa mukha ang dalaga nang mabasa ang nasa signage nang driver.

"Kuya pakibilis po male-late na ho ako-"

"Sorry ma'am, kabilin-bilinan kasi nang driving instructor ko na kapag may sakay na iba, dapat maingat daw po magmaneho."

"Pero nasubrahan naman po ata kayo sa pag-iingat, halos di nanga tayo umuusad, oh? Mas mabilis pa atang makakarating yung pagong kaysa sa inyo."

"Pero ma'am, mas mainam parin ang nag-iingat ikanga nila makakarating parin sa paruruonan nila si mabagal at mabilis. Kaya chilax lang po kayo dyan -"

Hindi alam ni Prins kung anong gagawin sa driver na nasubrahan sa pag-iingat.

"Dala mo naman siguro driver's license mo kuya noh?"

"Opo ma'am-?"

"Palit tayo- ako na magmamaneho."

"Huh? Ma'am hindi po pwedi-"

"Kuya nagmamadali ako, di rin ako pweding pumara nang ibang sasakyan dahil nasa main road tayo -"

"Pero ma'am -"

"Kuya dali na! Pag hindi kayo sumunod ba-baba ako rito or tatalon tapos isisigaw kong kinidnap niyo ko-" -pananakot pa ni Prins sa driver, agad namang sumunod sa kanya ang lalake.


___

SAMANTALA

Kung gaano kabagal ang sinasakyan ni Prins ay ganun din kay witchy.

"Is something happening to them? Ba't ang bagal nila?" - anang babae habang nakatanaw sa nauunang sasakyan.

"Baka wala lang pong gasolina-" - tugon naman nang driver nito.

Agad namang namataan nang babae si Prins nang bumababa at mukhang makikipag palit sa driver nang nasabing sasakyan.

"What? Is she going to drive that car?" - witchy

Prins and the WitchyDär berättelser lever. Upptäck nu