TuLo ☯

192 13 34
                                    

CHAPTER 08
"Everyone hides a dark secret-"









______


Continuation /: Matapos ang tagpo nong isang gabi ay hindi naiwasang mapa-isip ni Prins, tila masyadong mabilis ang lahat at hindi rin niya maitatanggi ang namumuong ugnayan sa pagitan niya at nang kanyang masungit na amo.

"Prins talking to earth, oy!" - pektus ni Kiray sa dalaga nang mapansing kanina pa walang imik ang kaibigan nila.

Kasalukuyan kasing nakatambay si Prins sa tindahan ni Aling Bebang habang inaantay ang sukli nito, sakto namang napadaan ang dalawang kaibigan niyang binabae.

"Ateng naman-" -

"Ikaw kasi, parang mas problematic kapa kaysa sa presidente nang Pilipinas-" - anang bakla si Kiray.

"May iniisip lang kasi ako -" - Prins

"Ano naman iniisip mo? Iniisip mo ba kung kailan tutubuan nang buhok si Ate Kiray?" - banat ni Elsa habang natatawa, umani naman siya nang kunyat kay Kiray.

"Gaga! Kitamo nang may issue ang babaing to ako pa talaga napagtripan mo-" - Kiray to Elsa

"Sorry naman- teka ano bang problema mo Prinsy at kailangan mo pang makipag titigan sa kalsada?" - Elsa

"Wala naman -"

"Ay gaga! May iniisip pero wala lang? Ano yon? Kunin mo nga teh yung nail cutter ko babalatan ko lang ang babaing to-" - Kiray

Kanina pa kasi nila napapansin na malalim ang iniisip nang kaibigan nila.

"Ano ba naman kayo di na pweding mag-isip? teka, kamusta? Ok naman ba kayo sa work niyo?" pag-iiba ni Prins nang paksa.

"Ay super! Sa stockroom ako naasign pero keri lang nang beauty ko-" - Kiray

"Ako naman sa sales department - jusko yung display nang branded bags gusto makipag tanan sa akin, kaso bagong buhay na akech kay no no - " - natatawang tugon ni Elsa.

"Gaga, bunganga mo baka may makarinig akalain totoong riding in tandem tayo, tsaka pinaninindigan mo talaga yang paniniwala nilang adik ka, noh? Bruhang to-" - baling ni Kiray sa kaibigan, nag flip na lang nang hair si Elsa tsaka tinungga ang softdrink nito.

"Kalokohan niyo talaga, teka asan si Ate Juliana?" - takang tanong ni Prins nang makitang hindi nila kasama si Juliana.

"Haynaku, hagardo versosa ang lola mo kaya bagsak, ayon tulog na tulog -" - Kiray

"And speaking of burlog -, kailangan din natin mag beauty rest kaya tara na-" - Elsa

"Ay oo nga, bye Prinsy -" - Kiray

Lumakad na nga ang dalawa naiwan namang nakatambay parin si Prins sa tindahan.

Nang makaalis ang dalawa ay sakto namang dumating ang ilan pa sa tropa niya.

"Lalim nang iniisip mo pre ah, ano meron?" - anang lalaking kaibigan ni Prins, nang lapitan siya si Ronnie.

"Wala -"- nababagot nitong tugon.

"Anong wala - rinig hanggang kabilang kalye yang buntong hininga mo- may amoy pa-" - segunda naman ni Daniel.

"Gago!"

"Ganyan yung mukha nang taong problematic sa pag-ibig diba Pre? -" - Daniel to Ronnie, tumango naman si Ronnie bilang pagsang-ayon.

"Anong pag-ibig, gago wala akong boyfriend -" - Prins

Prins and the WitchyМесто, где живут истории. Откройте их для себя