Prinsfry

166 10 11
                                    

CHAPTER 10

"Prince or Prins?"








Let's get witchying..




__


Minsan may mga taong mas malabo pa sa salitang MALABO.

Yung akala mo yon na yon kaso hindi pala, ang ending mukhang palalamunin kapa nang hopia, o kaya may isang salita pero walang paninindigan.

May kilala kabang ganern? Sarap sabunotan sa pilik mata noh? Charot:P







____






Yung hindi pa nagsisimula pero pa-move on epek kana  :D












*continuation*

Konpirm! Salitang nababagay sa dalagang napagtanto ang kanyang nararamdaman ukol sa kanyang babaing boss. Kahit isuka o itanggi nang kanyang katawang lupa ang nasabing katotohanan ay hindi nito mababali na may PAGTINGIN nga siya kay Jehan ang kanyang Witchy - Bitchy bossy.

Well sino nga naman ang hindi iibig sa babaing bukod pinagpala sa lahat, may magandang pangangatawan, hinulma sa dyosa nang kalangitan ang mukha, hinubog naman nang elegance ang kanyang presensya at natatangi ang kakayahan at pagkatao sa lahat.

Simula nang maging bukal si Jehan sa kanyang mga hindi malinaw na pakikitungo ay siya namang pagbubukas nang pinto nang atraksyon para sa dalaga.

Hindi nito maitatanggi na sa tuwing kaharap ang babaing pinaglihi sa salitang perfection ay nanlulubag parin ang kanyang damdamin lalo na sa katotohanan na kahit saan anggulo man tignan ay magkaiba parin ang kanilang mundong ginagalawan.








_______

Kasalukuyang nakatanaw si Prins sa babaing abala sa pagbibigay nang instructions sa head operator nang Motorcade Department, hindi nito maiwasang pasadahan nang tingin ang buong pangangatawan ni Witchy bunsod narin nang suot nitong office suit na kahit typical tignan ay nagbibigay sa kanya nang dagdag na kagandahan, na kalaunan ay agad rin na nagiwas nang tingin dahil nahuli siya ni Jehan na kanina pa pala naka tingin ito sa kanya.

"Oh Prinsy sinusundo mo ba ako?" - bungad ni Fourth kay Prins.

"Huh? Hindi oyy! assumera ka, kasama ko si boss ma'am dito -" - tugon nang dalaga.

"Kala ko naman ako pinunta mo, nakakatampo kana promise-" - Fourth

"At ba't ka naman magtatampo? E-hindi naman ako nangako sayo or wala akong natatandaan na nangako akong makikipag kita ako sayo aber, ikaw talaga Ms. Fourth-"

"Ba't ba ang sungit mo sa akin?" - pabebe nang babae.

"Kung alam mo lang -" - anang dalaga nang tumingin sa direksyon nang kanyang boss.

Tila ata naging robot si witchy at hindi na nagagawang kumurap habang nagkikibit balikat at matamaang nakatanaw sa kanila.

Hindi naman maiwasang mangamba nang dalaga para sa kanyang sarili dahil mukha ngang kakain ito nang buhay lalo na sa mga tingin nito.

At dahil likas na pabebe si Fourth ay umangkla pa ito sa dalaga, natawa naman nong  huli si Prins, ngunit kung nagkakatuwaan ang dalawa ay iba naman sa babaing nakatanaw sa kanila na kanina pa nagsasabong ang kilay sa kakatingin sa dalawa, animo'y mangangain talaga nang buhay.

Prins and the WitchyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon