Special Chapter - Sidra's

9.4K 168 46
                                    

Sidra’s POV

"Come on! Isn't she your type?" Andrei asks me for how many times today as I sipped on the margarita. I shook my head as he continued to swipe on his phone, showing some girls on the app.

"I don't like any of them, Drei. Stop trying so hard, you know how loyal I am when I like someone."

It's getting harder for me every time he's doing this. Hindi ba niya naiintindihan na when I like someone, that's permanent. I don't look for someone else.

"She's a kid, Sid—"

"She's just 3 years younger than me."

He snorted, "Isn't that a huge gap already?"

I stood up from the sofa here in the bar we're in, kahit 'yung ibang kasama namin ay napatingin sa akin when I stood up kaya napailing ako.

"Talk to me when you already have something nice to say, Andrei."

He's always like this, saying that I'll get bored with Dione once I caught someone 'more' interesting but, no. When I said I like someone, that's permanent.

I'm not like him na gustong binabato ng mga babae ang kanilang katawan sa kaniya.

Tinanguan ko na lang sila Lean at kinuha sa bulsa ang susi ng aking big bike para dumaan muna sa mansion. Kanina pa natunog ang phone ko dahil pinapapunta nga pala ako kanina Dad to talk to me. Dumiretso muna ako dito sa bar dahil nag aya sila, hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari, hindi na sana ako pumunta.

My big bike wildly roared at the silent highway as the wind hit my face. 9pm na rin kasi ng gabi habang pinapapunta naman ako ni Dad sa mansion ng 9:30.

10 minutes ng byahe, nakarating na din naman ako agad sa mansion. Bumuntong hininga muna ako bago isukbit sa braso ang helmet. Nakita agad ako ng guard dito kaya tumayo ito at nginitian ako.

"Ma'am Sidra! Ipapasok niyo po ba motor niyo?"

Umiling ako, "No, Kuya. Aalis din naman agad ako. Patingnan tingnan na lang, I'll be quick."

Tumango ito kaya agad na akong pumunta sa mansion ni Dad bago huminga ng malalim at kumatok.

Here we go.

I knocked twice before Aling Rosita opened the door. I immediately smiled seeing her before hugging her that made her chuckle.

"Oh! Nandito na pala ang alaga ko— Kamusta ka, 'nak?"

Tumawa ako, "I'm good, nay. You're not tiring yourself here?"

"Parte iyon ng trabaho ko, anak." Natawa ito when I playfully glared at her bago mapatawa na din sa gaan ng loob ko dito.

"Bakit ka nga pala naparito?"

"Tinawagan po ako ni Dad— Is he here?"

Tumango ito, "Ikaw pala ang inaantay ni Sir Homer— nandyan pa, 'nak. Nanghingi pa nga ng wine sa akin habang nanonood sa TV."

Hindi ako nakaimik when she said that at napahinga lang ng malalim.

"Pumunta ka na doon sa Daddy mo at itatapon ko lang ito—"

"I'll help you, nay—" I insist but she just shoo me away that made me pout.

"Pumunta ka na doon, Sidra. Hay nako—!" Huling usal nito bago pumunta na sa labas at itapon ang hawak na garbage bag.

Bumaling ulit ako sa malawak na bungad ng mansion at naglakad para pumunta na sa living room to see my father.

Nadatnan ko ito doon na may hawak nga na wine glass at nanonood ng isang documentary series sa Netflix. Kasama nito ngayon si Soleil na nasa lap ang laptop, literally doing her research. Inis itong bumaling kay Dad.

Wild Heart (Eastwood University Series #2) ✔️Where stories live. Discover now