Chapter 16

29 1 0
                                    

Chapter 16

“Are you ready?” I turn to Tristan and nod at him.

“Yes.” He holds my hand, then we start to walk towards the school gate.

I have been thinking about the recent issue for two days already. And I finally made up my mind last night that I’m going to talk to them right now.

Kami ni Tristan? Sa totoo lang ay hindi ko pa alam kung ano na nga ba kami ngayon. Hindi pa kasi namin napag-usapan ang tungkol sa ‘ming dalawa. Basta ang importante ay palagi na kaming nasa tabi ng isa’t isa ngayon.

Sabay kaming pumasok sa classroom dahilan para matahimik at mapatingin sa magkahawak naming kamay ang mga kaklase namin. I even saw Bea, Bryan, Francis, and Drew’s jaws drop. Well, I already expected that kind of reaction from them. Even the look on their faces was priceless. But to my surprise, Rian just glanced at us, then went back on what she was doing, as if she didn’t care about us at all. Ang laki na rin talaga ng ipinagbago niya. Now, I wonder how the hell that happened.

Ramdam ko pa rin ang mapanuring tingin ng mga kaklase namin hanggang sa makaupo kami. No one dared to speak or ask us. Still, we didn’t mind them. We didn’t owe them any explanation.

“S-Sam…” I heard Bea call out beside me, but I didn’t answer. “Tungkol pala sa—” Hindi na niya nagawa pang ituloy ang sasabihin dahil dumating na si Mr. Villanueva.

Dalawang araw ko ring tiniis na hindi sagutin ang mga tawag at texts nila. I didn’t even face Bea when she went to our house last Saturday. By that time, all I want is for them to leave me alone. Bukod sa mga magulang ko ay tanging si Tristan lang ang kinausap ko noong mga panahon na ‘yon. Ang ironic lang na kung sino pa ‘yong tao na kinaiinisan ko ay ito pa pala ang taong makakasama at mapagkakatiwalaan ko sa bandang huli.

I fix my gaze in front while listening attentively to what our teacher says. But I can see through my peripheral view that Bryan is staring at me. Bahala ito sa buhay niya. Kung dati ay kinikilig pa ako sa paganyan niya, ngayon ay wala ng epekto ito sa ‘kin.

Hanggang sa dumating ang lunch break. Agad akong tumayo at mabilis na naglakad palabas. I’ll just wait for Tristan outside. But I almost jumped in surprise when I saw Drew and Francis at the side of the door, with their backs leaning against the wall. It seems that they’re waiting for someone.

“Sammy, can we talk?” Francis seriously asked as they approached me.

I gave him a bored look. Paniguradong nagtataka na sila sa ikinikilos ko. “Mamayang uwian na lang. Sa rooftop.”

I was about to walk past them when Drew held me by the arm. “Sorry.” Napataas ang kaliwang kilay ko. “We saw you last Friday.” I was stunned. They saw me. Kaya pala pati sila ay kinukulit na makausap ako!

“Leave her alone.” Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang boses ni Tristan. “Let’s go.” Hindi na ako umangal pa nang hilahin niya ako palayo.

Sa kagustuhan kong makita ang reaksyon nila ay lumingon ako. Pero gano’n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang dahil sa nakita.

Rian is hugging Drew from behind! Hindi pa ba tapos ang mga rebelasyon?

Pagkarating namin ni Tristan sa cafeteria ay si Bea naman ang humarang sa ‘min. Pero bago pa man ito makapagsalita ay inunahan ko na ito. Alam ko na rin naman kasi kung ano ang sasabihin niya.

“Let’s talk after dismissal on the rooftop.” Hindi ko na ito hinintay na makapagsalita pa at mabilis namin itong nilampasan. Kailangan ko silang makausap ng sabay-sabay. Somehow, I can feel that their stories and sides are connected.

Tristan, the Rebel Guy (Published)✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon